Leicel Aleina POV:
Nahahalata ko na 'yang isang 'yan, pero hindi ko lang sinasabi ah.
"Sam, white out mo oh, salamat ulit"
"Ah, sige, you're welcomee"
Itong dalawa 'to, parang ano.
Minsan, parang gusto ko ng ituktuk ang mukha ng lalaking 'yon sa harap ni Samantha. Apakatorpe ba naman.
Ano akala niya sa'min?uto-uto gaya ni Samantha??pfft.
Jovie POV:
Kung pangbungguin ko kaya itong dalawa?masyado nang halata ah?lalo na yung lumalapit sa kaibigan namin.
White out na nga lang, nanghihiram pa. Ang alam ko, may-ari ang parents nito ng maraming store at grocery store ah?ba't white out hindi makabili??
"O ano, nanghiram ba ng white out sa'yo ulit?"tanong ko ng may ngiti na nakakaasar.
Matukso nga 'to kaibigan ko, masyado ring halata eh.
"Ha?ah, oo, bakit?"tanong niya pabalik saakin na parang hindi lang nakita ang ngiti kong nakakasar.
Asusssss
"Ba't ba pinapahiram mo rin naman?nasasanay tuloy"usisong tanong ko kay Samantha at siniko pa talaga siya.
Siya'y kasalukuyang nag-aayos ng mga libro niya at ako'y sinasamahan siya, ayaw kong tumulong, sanay na rin naman sila.
"White out lang rin naman, ba't naman hindi ka magpapahiram"kaswal na sagot niya sa'kin habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa pag-aayos ng mga libro.
"Parang may something kayo ah"pag-uusisa ko.
"Tse, tigilan mo 'ko!"pangtataboy niya saka nagpokus nalang sa pag-aayos ng libro sa gilid.
Porke't may ganyan na 'yan, ay, ibig sabihin ko ay, porke't ginaganyan na pala, nangtataboy na.
Raven POV:
Really?ba't ayaw pang umamin?parang ako ang nahihirapan para sakanila. I mean, ang halata na kaya 'no! ba't ba parang mga bulag 'tong dalawa 'to.
Kung hindi ba naman hihiramin ng lalaking 'yong white out ni Sam, kahit kaya naman nitong bumili kahit kailan nito gusto. Tapos, itong kaibigan ko rin naman, parang hindi makatanggi.
Parang hindi namin halata ah?ano 'yan?may exception??kung hihiraman ng mga sinpleng gamit ng mga lalaki sa classroom 'yan noon, agad na 'yan magrereklamo at pagsasabihan na bumili sila ng kanila.
Pero sa lalalaking 'to, ni isang salitang reklamo wala akong narinig. At hindi rin naman halata sa mukha nito na siya'y nababadtrip o naiinis sa panghihiram niya.
Aba! kakaiba talaga 'yon!
"Hello, Sam, hiram ulit white out"sabi pa nanghihiram habang hinahawakan ang likod ng ulo niya.
Tss, body language is languaging.
Lumingon muna si Samantha at ngumiti. "Here oh"sabi pa ng kaibigan ko at inabot sakaniya.
"Salamat"pasasalamat niya ng may ngiti at bumalik sa upuan niya.
Agad ko naman nilapitan itong kaibigan ko upang asarin at konprotahin din. "Isang linggo na 'yan nanghihiram ah?mahirap ata makabili ng white out sa ganitong panahon?"pagsisimula ko, agad niya naman akong tinampal.
"Tigil-tigilan niyo nga 'ko! mas mabuti siguro kung magreview ka nalang kaysa asarin ako, tulad nina Leicel at Jovie"komento niya agad sa naging pahayag ko.
YOU ARE READING
Hello, Mr.Act of Service
RomanceSamantha Liya Caballero, is an independent, strong, attitude and kinda bossy girly who loves to do things she want in her life without depending it on someone, all by herself, since, she was raised by a strong and independent woman. But, she met som...
