KABANATA VIII - Heartbreak

29 4 0
                                        

Keo POV:

"Sam, ang gusto ko lang itanong, bakit ba ayaw mong subukan?"naiiyak na tanong ko habang nakatingin sa ibaba.

Hindi ko kayang tingnan siya ng mata sa mata.

Wala akong narinig na sagot mula sakaniya.

"Ano ba, Sam, hanggang ngayon pa rin ba ay, iniiwasan mo ang tanong na iyon?"sambit ko.

"Oo na, ako na ang duwag, ako na ang palaging umiiwas sa tanong na iyon"komento niya.

"Ang gusto ko marinig, ay bakit."

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya ulit sumagot.

"Gusto mo talaga malaman?kahit masakit?"sambit niya na nagpasakit pa lalo sa puso ko.

"Oo, kahit ikadudurog ko pa ito, maintindihan ka lang"dagdag ko pa.

"Natatakot akong matulad sa mommy ko, Keo, na kapag sumubok ako, madudurog at ikakasakit ko lang iyon. At saka, ayokong matulad ulit sa nangyari nung ako'y sumubok sa pagmamahalan. Ako ang naghabol at nagmukhang tanga"pagkukwento niya.

"Bakit ka pa ba matatakot?kahit alam mo namang narito na ako upang protektahan, ayusin at samahan ka na?isang tao na tatangapin ka ng paulit-ulit?taong mamahalin ka ng lubos, upang maramdaman mong karapat-dapat kang mahalin?"wika ko.

"Sam, handa akong maging panakip butas mo"hindi ko na namalayang sinabi ko na iyon, basta ang alam ko, sinusunod ko ang sinasabi ng damdamin ko.

"Sam, seryoso ako sayo, handang-handa akong patunayan ang sarili ko sa'yo, basta handa ka lang tanggapin at bigyan ng atensyon iyon."

"Hindi masamang sumugal ulit, lalo na kung ito ay may patutunguhan."

"Pero, mahal ko pa si Yren, Keo"biglang nasambit ni Samantha na mas nagpadurog sa'kin.

Kailan mo pa ba siya kinalimutan.

"Kailan pa ba na hindi"naging sambit ko nalang at yumuko.

"Keo, look, I'm sorry, pero alam ko sa sarili ko na, matagal ko ng sinabi ito sayo at ipinaliwanag"dagdag niya.

"Alam ko, sadyang pinapalampas ko lang ito"sabi ako at tiningnan siya bago binigyan ng mapait na ngiti.

"Keo, please, nagu-guilty na ako sa ginagawa mo, pinapamukha mo sa'kin na wala akong pake at awa sayo, kahit alam naman nating mayroon"sabi niya at napa iwas ng tingin.

"Humihingi ako ng patawad, Samantha. Talagang hinahanap ka talaga ng puso at mga mata ko. Hindi buo ang araw ko pag wala ka, hindi buo ang araw ko kapag hindi kita nasisilayan"pagpapaliwanag ko.

"Ngunit, alam kong may iba ka pang rason, Samantha, kung bakit ayaw na ayaw mong ligawan kita at tanggapin ang mga binibigay kong motibo at bagay"sabi ko na nagpatigil sakaniya.

I was right.

"P-paano mo nasabi iyan?"tanong niya.

"Napansin kong, bukas kang tanggapin ang ibang mga manliligaw mo, tinatanggap mo ang binibigay nila at nasisilayan nila ang matamis mong ngiti bilang bayad. Pero, sa'kin, ni isang ngiti, wala akong matanggap. Kaya, pwede mo bang sabihin ang dahilan kung bakit?upang maayos ko naman ito, dahil gusto kong maging maayos para sa'yo"sambit ko habang pinapahidan ng tissue ang mga luha kong tumulo sa pisngi ko.

Kinain ng katahimikan ang silid ng limang minuto, bago siya nagkaroon ng lakas na loob na sabihin ang hinihingi kong sagot.

"Naalala ko si Yren sayo"sabi niya.

Imbis na masaktan ako, saya pa ang tumalab sa'kin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

Napansin niya atang parang hindi ako naapektuhan ng sakit sa damdamin ko, bagkus ay, may ngiti na kumukurba sa labi ko, ngiting may pag-asa.

"B-bakit?hindi ka ba nasasaktan?"tanong niya at mahahalata mo sa mukha niyang naguguluhan siya.

"Ba't ako masasaktan?kung yan ang maaring dahilan upang mahulog ang loob mo sa'kin?na magkakaroon na 'ko ng pag-asang mahalin ka?"sambit ko at ngumiti ng maliit.

"Ngunit, katumbas din nito ang hindi maipaliwanag kong nararamdaman, na mali ito, hindi ko dapat nakikita si Yren sa'yo. At kailanman, hindi ito magiging tama man. Kaya, kung pwede, may pabor sana ako sayo"sabi niya.

Pabor?ano kaya?

"Sabihin mo lang, handa akong sundin ito"bigkas ko at hinanda ang sarili.

"Gusto kong layuan mo 'ko."

Tila tumigil ang mundo ko, tila tumigil ang oras, tila tumigil ang nangyayari sa paligid.

H-ha?ba't ganyang pabor pa?na parang hindi ko kayang gawin.

"H-hindi ko ata kaya, Sam"sabi ko at kasabay nito ang pagwala ng matatamis kong ngiti sa labi.

"Bakit?akala ko ba mahal mo ako at handa kang gawin ang gusto ko? ba't hindi mo 'to magawa?"sabi niya gamit ang mahinhin niyang boses.

"Ikakadurog ko ng tuluyan."

"Please, Keo. Gusto ko ng lubusan na kalimutan si Yren, ayoko na siyang maalala at maramdaman ang nararamdaman ko para sakaniya. Gusto ko ng magmahal ulit, ng walang pag-aalinlangan at walang iniisip na baka bumalik pa siya, nakakasawa na. Tanging ang pagmamahal ko kay Yren ang labis na pumipigil sa'king mahalin ka, Keo"pagpapaliwanag niya.

"Ha?may pag-asa ako sayo?kung wala lang sana ang pagmamahal mo kay Y-yren?"gulat kong tanong, dahan-dahan niya akong tinanguan.

"Kaya, please, pwede mo bang gawin ang hinihingi kong gawin mo?gusto ko ng maging malaya sa bagay na kumukulong sa'kin"sabi niya at ngumiti ng mapait.

Ilang minuto ko munang pinag-isipan ng maayos ang magiging desisyon na gagawin ko. Pero sa huli, pinili ko pa rin ang makakabuti ng aking minamahal, kaysa sa nararamdaman ko.

"S-sige, kung yan ang makakatulong sa nararamdaman mo, pero, huwag mong aasahang ititigil ko ang panliligaw saiyo. Hangga't wala pa akong nakikitang seryoso na nanliligaw saiyo, hindi ako titigil na patunayan ang sarili ko sayo, Samantha. Ako'y iiwas lamang sayo, at huwag magpaparamdam ng harapan, ngunit, magpapatuloy ang pagbibigay ko ng mga bagay saiyo, sana okey lang ito sayo"sabi ko at tumayo na, upang umalis na.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo, maasahan mo ako sa desisyon na hinihingi mo rin"sabi ni Samantha at tumango.

"Salamat, Samantha, sana ay lubos mong makalimutan si Yren upang maging malaya ka na. Basta, lagi mong tandaan na, pwede mo akong matawagan kung may kailangan ka"sabi ko at ngumiti sa huling pagkakataon, bago tuluyang nilisan ang lugar.

Iiyak ko nalang ito mamaya, ang mahalaga, nakakatulong ako sakaniya.

Ang tanga-tanga ko sa pag-ibig, pero anong magagawa ko, si Samantha na iyan eh.

———
Samantha_pretty0

Hello, Mr.Act of ServiceWhere stories live. Discover now