KABANATA I - Troy Rez Gaorte

81 5 0
                                        

Samantha Liya POV:

Kakarating ko lang, nakita ko na agad ang kaibigan kong si Leicel.

Nakita kong naglalakad na siya palapit sa kinaroroonan ko, nang makita niya akong bumaba sa tricycle na sinasakyan ko.

Habang naglalakad siya palapit saakin, napansin kong kunaway siya sa'kin, hindi ko ito masyadong nabigyan ng atensyon, dahil hinahanap ko ang script namin, for upcoming presentation.

Ngayon pa talaga sumabay ang pagiging lutang ko?kung saan kailangan ko talaga iyon?

"Kinawayan kita, hindi ka man lang kumaway pabalik" reklamo niya agad habang nakasimangot.

"I'm sorry, Alei, busy ako kakahanap ng script natin" sabi ko pa, upang hindi na siya sumimangot at magreklamo pa.

"Bakit mo naman hahanapin iyon?"tanong ni Leicel.

Napa-iwas nalang ako ng tingin, agad na napatampal sa noo si Leicel.

"Pasensya na, naiwan ko ata sa kwarto"paghihingi ko ng patawad.

Ang nakasimangot niyang mukha kanina, ay napalitan ng pag-aalala at pagtataka.

"Ha?bakit?alam mo namang may presentation tayo ngayon?"sabi niya ng may pag-aalala sa boses niya.

Binayaran ko na ang tricycle driver at nagpasalamat bago napasandal sa malapit na sandalan.

"Yeah, I'm really sorry, pero don't worry, may naisip na akong paraan" nakangiti kong sambit at naunang maglakad dala-dala ang mga gamit ko.

*******
"Sa tingin mo, makakaabot kaya tayo nito?"nagtatakang tanong ni Leicel habang pinapanood ang ginagawa ko.

Kasalukuyan kasi akong nagta-type sa laptop ngayon, oo, sinusulat ko uli ang script namin, kahit wala rito ang script namin.

"Bilib talaga ako sa memorization skills mo, Liya"manghang sabi ni Leicel habang pinapanood akong magtype ng mga script namin.

"Nakukuha ba nito ang nakasulat kahapon?I mean, ganito ba ang nasa script kahapon?"nakangiti kong tanong habang pinapatuloy ang script namin.

"Oo, malapit ka ng matapos, yan ang part na sumuko na si Jovie kakabasa sa script natin eh, masyadong mahaba raw"pagkukwento ni Leicel.

"Hayaan ng mahaba, kaysa hanapan tayo ng iba pang explenasyon tungkol sa inuulat natin"dagdag ko pa.

Nagbigay na lamang si Leicel ng maliit na pagtawa at pinanood ulit ako.

"Speaking of Jovie, asan siya?sila Raven at Shan din?"nagtatakang tanong ko, habang focus pa rin sa pagtype.

"Ah yung dalawa?nakita at nakasalubong ko kanina iyon eh, magkasabay silang dalawa na naglalakad. Ngunit, ang labis kong pinagtataka ay, parang nagmamadali si Jovie, habang si Raven naman ay nag-aalala. Si Shan, naroon sa library, nagbabasa ng libro."

"Lalapitan ko na sana silang dalawa, ngunit bigla akong hinila ni...ano"parang nagdadalawang-isip pa si Leicel, kung itutuloy niya pa ba ang sasabihin.

Napangiti nalang ako sa huling reaksyon na kaniya binigay.

"Mukhang nilapitan ka ni Troy ha, ano bang ginawa niya?"sabi ko, ng may nang-aasar na ngiti.

Namumula na naman kasi ang kaibigang kong si Leicel, isang banggit mo lang sa crush niya, hindi niya mapigilang maging kamatis, sa sobrang pamumula.

Agad niyang tinakpan ang mukha niya at tumalikod.

"Stop, you're making me red na naman eh!"reklamo niya habang nakatalikod pa rin.

"What?I'm not doing anything nga eh"sabi ko at nagbigay ng maliit na tawa.

"I know you know, that, one mention about him, or his name, makes me blush already eh! you don't need to ano.."

Ang cute naman nitong kaibigan ko, especially kung aasarin siya tungkol kay ano.

"Ah, si Troy Rez Gazera ba?"pang aasar ko pa sakaniya.

Hindi na niya kinaya at tinapik ako sa gilid ko.

"Huy, masakit!"reklamo ko agad.

"Ikaw kasi eh, sabing huwag mo na akong asarin pa, ayan tuloy napala mo. I'm sorry, libre nalang kita mamaya"sabi niya pa habang pinapakalma na ang sarili niya.

"Ano ba ang ginawa niya saiyo?sa umagang ito?"nagtataka kong sabi at tiningnan siya ng saglit at focus ulit sa pagtype sa loptop.

A little smile build up on her lips, as I can see her little and cute dimples, also building up.

"Wala, wala"pagtatangi niya.

"Sus, sige ka riyan, ako mamaya kakausap sa crush mo upang ikuwento niya sa'kin ang nangyari"pagbabanta ko.

"Ayts"reklamo niya pa habang tinatago ang ngiti niya.

"Eh kasi, habang tahimik akong naglalakad, bigla niya akong nginitian at medyo lumapit sa'kin, hindi masyadong malapit ah, sakto lang, tinanong niya lang ako, na nagpangiti sa'kin. Saka, niyaya niya akong magstreetfood malapit sa exit, mamaya"pagkukwento niya habang mas lumalaki ang ngiti niya sa labi, paminsan minsan ay bigla bigla pa siyang nagsisigaw habang tinatakpan ang bibig niya.

Wala, malakas tama ng pana ni Kupido sakaniya eh.

"Ganon, ano sa pakiramdam?"tanong ko, at sumandal sa pungkuan ko, sa wakas, natapos ko rin ang script.

"Seryoso ka ba?Samantha?"hindi makapaniwalang tanong ni Leicel. Akala niya ata, nagbibiro ako, pero, hindi eh.

"Seryoso ako, Leicel. Ano sa pakiramdam?"tanong ko.

"Akala ko ba naramdaman mo na ito?diba may nagustuhan ka na noon?what do you mean na "ano sa pakiramdam"??"sabi niya habang iniiling ang ulo niya.

"Yeah, I fall inlove once, but, I was the one who's doing and expressing signals and efforts eh. While, he only accept ít without doing back o giving me something in return. In short, it was an one sided feelings, I like him, but he like other girl"sabi ko at ngumiti ng mapait.

Magsasalita pa sana si Leicel ng biglang dumating si sir Adolfo, professor namin sa T.L.E.

Hinawakan ko nalang ang kamay ni Leicel, upang ipabatid sakaniya na ayos lang ako at kailangan na niyang magseryoso sa klase.

Ngumiti nalang pabalik si Leicel habang dala-dalaa ang script na kakatapos lang i-print, siya na bahala magbigay sa members namin, kaya na niya yan.

Asan kaya ang tatlong iyon?late na naman?ay, nothing's new ba.

——————
Samantha_pretty0

Hello, Mr.Act of ServiceWhere stories live. Discover now