CHAPTER 6
~KENT'S POV~
Nakausap kona si Mica,tungkol sa pagtakas namin ayaw na kasi niya sa kanila dahil sa nalaman niya tungkol sa pagkatao niya. Ampon lang pala siya kaya pala ganon nalang kung tratuhin at pagmalupitan ng nga kamag anak niya.Nandito na ako ngayon sa Kanto ng brgy nila inaantay ko kasi siyang pumunta dito. Dito raw kami mag tatagpo upang maka alis na kami.
Alas diyes na ng gabi ngunit wala pa rin siya dalawang oras na akong nag aantay dito ngunit wala pa rin dumadating marami na ring dumadaan na sasakyan pero siya wala pa rin.
Maya maya lang ay naka rinig ako ng tawag mula sa cellphone ko, si Mama.
"Hello Ma?" Sagot ko.
"Nasaan ka?!" Sigaw nito sa kabilang linya.
"Bakit po?"mahinhin kong bigkas.
"Bakit wala rito sa bahay ng mga Lolo mo wala na rin yung mga gamit mo! Wag mo sabihin sa akin lalayas ka!" Ani ni Mama.
"Opo" sagot ko at kaagad kong pinatay yung tawag.
Wala naman silang pake kung umalis ako mukhang matutuwa panga sila diba ito naman yung gusto nila? Yung mawala ako sa buhay nila.
Wala ng sisihan sa disisyon ko ginusto ko ito at namin ni Mica.
Maya maya lang ay nakatanaw na ako ng isang babae tumatakbo ito at naka suot ng puting bistida.Teka white lady?.
"Sino ito?" Tanong ko sa sarili ko. "Shit!white lady ba ito?".
Unti-unti nang lumalapit yung babae papunta sa akin teka?Mica?.
"Si... Mica nga" muli kong bigkas.
"Kanina kapa ba dyan?" Hinihingal na tanong niya.
"Dalawang oras" sagot ko. "Pero bakit parang hingal na hingal ka?" Tanong ko sakanya.
"Hinahabol ako nila Nanay at kuya" sagot nito.
"Kent!!"tawag sa akin.
Napalingon ako shit! Si Papa at Mama. Kaagad kong niyakap si Mica.
"Mica!" Tawag sakanya.
Ng Nanay at Kuya niya.
"Pwede ba hayaan niyo nalang kami!" Sigaw ko sa kanila.
"Pano yung Lolo!, aba ikaw mag alaga doon!" Sigaw sa akin ni Nanay.
"Bakit ako nalang palagi,Ma" aniko.
"Hoy Mica, umuwi ka nga wag mo akong ipahiya kay Mr.Red!"sigaw ni Nanay.
"Diba sanabi kona po sainyo. Ayaw ko!" Sigaw ni Mica.
"Love,wag na" pigil ko sakanya.
"Umuwi kana doon Kent, ano ba inaantay mo! Pasko?!" Galit na ani ni Papa.
"Aalis na kami pwede ba wag niyo na kami pigilan hayaan niyo na kami tutal naman wala kayong pake sa amin!" Sigaw ko sa kanila.
Maya maya lang may dumating na Trycicle, kaagad ko itong pinara huminto naman ito at kaagad na kaming sumakay.
Alam kona kung saan kami pupunta sa kaibigan ko sa Antipolo si Ivan,kasalukuyang nitong kasama ang kanyang kasintahan na si Luna, pumayag naman sila na doon muna kami pansamantalang maninirahan.
Pag-nagka pera na kami tsaka na kami kukuha ng apartment para doon na kami manirahan hanggang sa manganak na si Mica.
"Love, thank you" aniya.At sumandal siya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...