CHAPTER 30
~MICA POV~
*ONE MONTH*
PAPALAPIT NA AKO sa bahay namin nag trycicle nalang ako dahil malapit lang naman, sobrang excited na ako makita si Micay, siguro kasi akong inaantay na ako no'n.Maya Maya rin ay nakarating na ako sa labas ng bahay namin agad ko'ng binuksan ang gate at dali daling pumunta sa pinto, sinilip ko yung bintana kaso nakasarado ang mga ito kaya no choice ako kung hindi buksan ang pinto.
Pagkabukas ko agad na tumambad sa akin sila Minnie, Michelle, mama at papa and specially si Micay, tuwang tuwa siya ng makita niya ako. Dali dali ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Na miss kita baby ko!" Hinalikan ko siya sa pisngi.
"I miss you too rin po mommy" hinalikan niya rin ako sa pisngi.
"Ano bukas alis tayo nila Lola, Lolo at nila Tito at tita mo gagala tayo sa mall" nakangiti ko'ng saad.
Hindi ko naman masyadong ini-spoil yung anak ko kung ano lang yung makakaya ko'ng ibigay ‘yun lang ibibigay ko hindi naman kami mayaman pero may kaya yung pamilya namin. Minsan online seller ako meron akong sariling page kung saan may 1k followers.
"Sige po mommy! Yehey!" Napatalon siya sa tuwa.
"Oo nga pala ate malapit na birthday mo ah" saad ni Michelle, nakasimangot ang aking mukha.
"Oo nga anak sigurado kabang ayaw mo mag celebrate kahit minsan lang, ni hindi manlang natin na cecelebrate yung birthday mo" saad naman ni Papa.
"Pa masyado na akong matanda para mag celebrate pa saka nanay na ako dapat naka tuon na yung atensyon ko sa anak ko" muli ko'ng niyakap ang anak ko.
"Nak matanda na rin kami saka magulang na rin kami pero ikaw itong gustong gusto i celebrate yung birthday namin baliktad na ba ang mundo ngayon?" Saad naman ni Mama.
Hindi nila alam kung ano talaga yung totoong dahilan, well wala rin naman akong balak sabihin sa kanila kung ano yung dahilan kung bakit hindi ko cinecelebrate yung birthday ko.
"Hays kumain pahinga muna ako sa loob ng kwarto ma mag aayos pa ako ng mga gamit ko eh" pag papaalam ko ibinitbit ko yung maleta ko'ng dala dala.
"Mommy tulungan napo kita" binitbit niya yung isa ko'ng bag.
Pinag mamasdan ko lang siya habang binubuhat niya yung bag ko, ganon kasi yung pag buhat ni Kent, sa bag ko at kahit sa bag niya rin. Naalala ko na naman yung tarantadong ‘yun, kung sino pa yung mga ayaw ko maalala sila pa yung palaging nasa isip ko.
Walong taon na pero hindi pa rin ako maka-usad, oo mahal ko siya pero mas nanaig yung galit.
"Mommy! Tara napo" nagulat ako nung sinigawan ako ni Micay.
Agad na kaming pumasok sa loob ng kwarto, naku yung mga pasulubong na laruan agad yung kinuha, hindi manlang ako i-kiss. Medyo nakakatampo naman po.
Habang pinag mamasdan ko si Micay, na binubuksan yung mga laruan na ibinili ko para sa kanya, ay biglang tumunog na pagbukas ng pinto agad ko itong tinignan.
"Oh Minnie," saad ko. Ngumiti lang siya sa akin at isinara at ni-lock ang pinto.
Lumapit siya sa akin at tinignan niya saglit si Micay, kaya ako ay napatingin na rin, wala naman siyang ibang ginagawa kundi laruin yung mga pasulubong ko sa kanya.
"Ate" saad niya. "May nahanap na akong trabaho kaso hindi pa siya nag oopen, saka ang balita ko sa araw pa mismo ng birthday mo ibubukas yung trabahong Inaplayan ko ang kaso hindi kopa sure kung matatanggap pa ako" napangiti ako sa sinabi niya.
Good new ‘yan nakahanap na agad siya ng trabaho, pinapayagan naman siya nila mama at papa mag trabaho kahit hindi na sila hatian sa sweldo namin ay ayos lang sa kanila, saka kumikita rin naman sila pero ako saka si Michelle, nag bibigay talaga kami.
"Edi maganda, pero parang may problema ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ate... Hindi ito about sa trabahong Inaplayan ko ah sinabi ko lang ‘yun para hindi ka agad magalit sa akin" mapait siyang napangiti.
"Bakit naman ako magagalit sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita ko kasi yung picture niyo ng ex mo,,, mukhang nakalimutan mo atang burahin tapos nag hanap pa ako sa mga trash photo mo and nakita ko doon yung maraming vid at picture ninyo" saad niya, lumayo siya sa akin ng kaunti.
"Sinabi mo kila mama at papa?" Tanong ko.
"Nope wala akong ibang pinagsabihan, I promise ako lang talaga ang nakakaalam" nagtaas ng kanang kamay si Minnie.
"Secret lang natin hah" saad ko naman.
"Yes po ate, pero inferness ang gwapo ng daddy ni Micay" bulong niya sa akin, kinurot ko siya sa tagiliran.
"Tsk manloloko naman" saad ko.
"Kwento kana kasi ate"pagpupumilit niya.
" Hindi pwede!"
"Sige na ate!"
"Hindi nga sige na Minnie, lumabas kana doon!" Sigaw ko agad naman niya akong sinunod at lumabas na siya.
Hays mag-gagabi na malapit ng matulog si Micay, kailang mga ala-sais tulog na itong batang ito dahil may pasok pa siya bukas.
"Micay, tama na ‘yan You need to sleep na" saad ko. Iniligpit niya yung mga laruan niya at humiga na siya. Agad ko naman siyang tinabihan at niyakap.
"Mommy, diba sabi mo meron akong daddy" saad niya. Naku ito yung pinaka ayaw ko eh.
"Yeah, pero wala na siya now baby ko I think he's happy right now" nakangiting saad ko.
"Mommy, pwede mo po ba siya i-describe sa akin?" Muling saad niya. Naku ito na nga sasabihin kopa ba? Pero i-dedescibe nalang naman.
"Okie baby pero after nito sleep kana hah" saad ko.
"Yes po mommy"
"Ang daddy mo ay isang caring, loving and gentleman, and higit sa lahat handsome rin siya ang good boy like you and also he's very very loves you but... There was just a conflict between me and your daddy, kaya nag separate kami," muli ko siyang tinignan, hays nakatulog na siya.
Hindi ko naman sinisiraan si Kent, sa anak namin, sinasabi ko lang naman kung anong klaseng lalaki yung tatay niya, ayokong dumating yung panahon ma magkaroon siya ng galit sa sarili niyang ama, naging mabuti rin naman sa amin si Kent, kaso nga lang niloko niya ako.
PURPLEIREYA
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...