CHAPTER 22

17 4 0
                                    

CHAPTER 22

~KENT'S POV~
WALA, wala na akong pag-asang makita pa si Mica, hindi kona alam gagawin ko pero sila Arth and Mateo, nakaraang linggo nag offer sa akin na mag ibang bansa pinag-isipan kopa 'yun pero hindi ko nasabi i'yon kay Mica.

Kaya ngayon ay itutuloy kona pinapaayos narin nila Arth at Mateo, yung mga papeles ko kaya siguradong tuloy na ang pag-alis ko sa Biyernes ganong kabilis meron narin akong trabaho tagalinis ako ng isang mansyon may kasamahan naman daw ako at Pilipino rin yung magiging amo ko.

Sa US na ako mag tratrabaho roon narin ako mag iipon aayusin ko yung buhay ko para pag nagkita kami ulit ni Mica, may mukha na akong maihaharap sakanya hindi na kami mag hihirap pag nakapag ipon ako.

It will be my best decision in my life, marami na akong naging desisyon sa buhay at lahat ng iyon wala akong pinag sisihan.

"Bro kilala mona ba yung magiging amo mo?" tanong sa akin ni Ivan.

"Amm, si Mr.Zandro Velasquez-lll, isa sa pinaka mayaman sa buong mundo, ang swerte ko nga e' dahil mayaman yung magiging amo ko" nakangiting saad ko.

Pilipino si Mr. Zandro Velasquez-lll marami narin itong negosyo at mga kompanya.

Kakapunta lang nito kahapon sa US at alam narin nila na sa Biyernes na ako makakapag trabaho sa kanila nakausap kona rin sila sa call mukha namang mababait kaya swerte ako dahil hindi na ako mahihirapan pa.

"Ang swerte mo bro pag naging mayaman kana pautang ako ah" pabirong saad ni Ivan.

"Sigurado kana ba sa desisyon mo Kent?, wala kabang balak hanapin sila Mica?!" pasigaw na saad ni Luna.

"No Luna, siguro panahon na para unahin ko muna ang sarili ko pero hahanapin ko rin sila Mica, mag iipon muna ako" tumango tango nalang siya at pumasok sa bahay.

Umalis na ako sa apartment namin yung mga ibang gamit doon ay pinag bebenta kona para may pera ako pangluwas sa US sila Arth, Mateo at Ivan, naman ang mag hahatid sa akin sa Airport kaya medyo makakatipid narin ako.

Sangayon ay dito muna ako naninirahan kila Ivan, hindi kami gaanong Ok ni Luna, madalang niya lang akong kausapin well naiintindihan ko naman siya dahil naging malapit din ang loob niya kay Mica, masakit lang dahil pinutol na ni Mica, yung komunikasyon nila. Pati rin naman ako halos kaming lahat.

"Pasensya kana kay Luna, alam mo naman 'yun napalapit narin ang loob niya kay Mica" saad ni Ivan.

"Hayaan mona ayos lang sa akin"

~MICA'S POV~
Kakagising ko lang grabe ang himbing ng tulog namin ni baby ang lambot kasi nung higaan nila ate Liz, ang bait pa nila pinatuloy nila ako kagabi ni hindi man sila nag dalawang isip na patuluyin ako.

Binigyan pa niya ako ng trabaho kaso mukhang late na ako kaya dali dali na akong lumabas ng kwarto at naabutan ko sila kuya King at yung dalawang anak niya na si Cheska, wala yung isang anak nila dahil pumasok ito sa paaralan halos kasing edad ko lang yung panganay nila.

"Oh Mica, gising kana pala tara muna mag almusal ka muna dito para may lakas kang mag trabaho" napangiti nalang ako at lumapit sa hapag kainan.

"Ate Mica, sabi ni mama pag tapos mo raw kumain ay maligo kana agad at pagtapos mo maligo ay bumaba kana para tulungan mo si mama" saad ni Cheska.

"Sige bibilisan kona rin yung pag-kain ko" saad ko.

"Don't worry kay baby ate Mica, ako na ang bahala sakanya wala naman akong gaanong experience sa pag aalaga ng bata pero sa abot ng makakaya ko aalagaan ko ng mabuti si Micay" napangiti nalang ako sa sinabi ni Cheska.

"Thank you beh don't worry yung assignment mo gagawin ko pag may time ako" nakita ko ang pagkunot ng mga kilay niya.

"Ate Mica, no need na kaya ko naman 'yun eh" pagtanggi niya.

"Paano ako makakabawi sayo?"

"Amm Just work for your daughter" ngumiti siya.

Tumango tango nalang ako maya maya ay natapos na akong kumain kaya kaagad kona itong niligpit at kaagad na akong pumasok sa cr upang maligo meron naman akong twalya naiwan ko dito kagabi nung naligo ako.

Dahil ilang araw din akong walang kaligo ligo pati rin si Micay, kaya mamaya pag binigyan ako ng time ni ate Liz, papaliguan ko naman si Micay.

Dahil simula ngayon ako na ang bahala kay Micay, ako lang mag isang tatayo bilang ama at ina niya hindi ko ipaparanas na may kulang sakanya at simula rin ngayon kay Micay na iikot ang mundo ko hindi katulad ng tatay niya nagka problema lang kami nag hanap na ng ibang babae.

Hindi manlang kami naisip hindi ko alam kung nagkulang ba ako o siguro hindi ako naging sapat hanggang ngayon patuloy ko parin tinatanong yung sarili ko bakit pa siya nag hanap ng iba?.

Hindi ba ako sapat? Samantalang binigay kona sakanya lahat lahat pati mga kaganapan ko sa buhay halos lahat pero wala lang ata sakanya 'yun.

Natapos na akong maligo kaya nag tuwalya na ako at lumabas na ng cr nag mamadali akong pumasok sa loob ng kwarto at kumuha ng damit sa bag namin.

Mahimbing pa rin yung tulog ni Baby hayss buti naman. Pagkatapos kong mag bihis ay kaagad na akong lumabas ng kwarto at dumiretsyo sa baba.

Kaagad kong sinuot ang apron at kaagad na akong tumulong sa linis ng lamesa.

Tagaligpit lang ako nang pinagkainan at tiga serve lang ako samantalang yung isa ko namang kasamahan ay taga urong.

PURPLEMOON 💜

MY BEST DECISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon