CHAPTER 7:KENT'S EX
~MICA'S POV~
*9 MONTHS*Kabuwanan kona tapos ngayon kopa nahuli si Kent, na ka-chat yung ex niya hindi pa nga lumalabas yung magiging anak namin lumalandi na agad siya.
"Bakit ka chat mo yung Ex mo?" galit na tanong ko.
"Nag usap lang kami" sagot niya.
"Nag usap?"nakakunot-noong tanong ko sakanya.
Tumingala siya. "Nanganga musta lang naman siya ano naman masama doon!"aniya.
"Nanganga-musta na may kasamang landi? Ganon ba dapat,Kent?"aniko.
"Jusko! Paulit ulit nangangamusta lang naman!" sigaw niya.
"Paanong Paulit-ulit?Paulit-ulit muna akong niloloko?" cracked voice.
"Mica, ilang beses koba sasabihin sayo na ngangamusta lang siya!" sigaw niya.
"Kent, wag ka muna mag pakita sa akin pls" mahinhin kong sabi. "Dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo" bigkas ko at kaagad na pumasok sa kwarto.
Dalawa naman ang kwarto dito yung isa para kila Ivan and Luna, at yung isa naman ay para sa amin hanggang sa manganak lang naman ako nandito kami,Pero ngayon nakahanap na kami ng uupahan namin.
Sa ngayon ayoko munang kausapin si Kent, nahuli ko siyang ka usap ang Ex niya sinabi niya doon wala siya girlfriend, sino naman ang hindi magagalit doon.
Habang papasok ako ng kwarto ay nasalubong ko si Luna, nakatingin lang siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kanina ka pa dyan?" humihikbing tanong ko.
"Oo, sorry narinig ko" sagot niya.
"Ok lang Luna, tsaka sana hindi makarating ito kay,Ivan"sabi ko.
"Sure, sa ngayon mag pahinga ka muna dahil bawal sa isang buntis ang ma stress kakausapin ko nalang muna si, Kent" aniya.
"Thank you ate, Luna" kaagad ko siyang niyakap.
Kaagad akong pumasok sa kwarto at pagka pasok ko ay tumambad sa akin ang mga gamit ng magiging anak namin.
Kaagad akong lumabas ng kwarto at nagulat ako dahil nakaharap sa akin si Luna, at nakangiti ito.
"Sana makatulong 'yan sa inyo" nakangiting sabi niya.
"Thank you so much Ate,nawala yung stress ko kay Kent, sobrang Thank you talaga kukunin kita bilang ninang ng magiging anak namin"nakangiti akong yumakap sakanya.
"Ano kaba wala 'yun basta ako ninang ah" aniya at kaagad na dumuro sa akin.
"Opo" aniko at tumawa ng mahina.
"Basta kapag nakakaramdam kana ng sakit nang tyan tawagin mo lang ako" aniya bago umalis.
Kaagad akong pumasok sa kwarto at inayos ang mga gamit na ibinigay ni ate Luna para kay Baby Micay.
Yeah it's girl, ako nga yung masaya dahil babae yung magiging anak namin tapos kalapit pa ng pangalan ko yung name ng magiging anak namin.
Habang inaayos ko yung mga gamit na ibinigay ni ate Luna, may narinig akong bumukas ng pinto,for sure si Kent, ito.
Narinig kong bumugtong hininga ito. "Love sorry na" si Kent.
Hindi ko ito pinansin at itinuon nalang sa aking ginagawa.
"Love.. " aniya ulit.
Lumapit siya sa akin at ramdam ako ang pagyakap niya.
"Ano ba!kitang may ginagawa ako ang kulit! Kulit! Mo!!"sigaw ko.
Humarap sa akin at kinuha niya yung tinutupi kong damit ng bata.
"Ako na dyan Love, mag pahinga kana"mahinhin niya sabi.
I feel him return to my forehead And he whispered in my ear.
"Sabi ko mag pahinga kana muna"bulong niya.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat at dahan dahan niya ako tinulak papa-upo sa kama hindi ko siya makuhang tignan, naiinis pa rin ako sakanya.
Nanatili lamang akong tulala na parang nawawala sa sarili naiinis talaga ako pag nakikita ko yung pag mumukha niya.
~KENT'S POV~
Pinag mamasdan ko lamang siya, nakasimbangot lang siya, iniisip na naman niya yung nakita niyang convo namin ng ex ko, may pagka selosa rin siya pero wala na akong magagawa doon. MAHAL KO EH."Ano ba gusto mo?" tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at yumuko lamang siya habang kinukutkot ang mga kuko niya sa paa.
"Alam kona, dyan kalang hah" aniko at kaagad kong kinuha yung bag ko at tsaka lumabas.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Ivan, na may inaayos sa Van niya nilapitan ko siya at hiniram ko yung Motor niya.
"Bro, pahiram naman ng Motor mo may bibilhin lang ako"sabi ko.
"Sige Bro, pasabay na rin bumili ka ng ulam natin" utos niya.
"Ano bang ulam?"tanong ko.
"Ikaw na bahala" aniya.
"Sige"
Ibinigay niya sa akin yung susi at kaagad na akong umalis papuntang kanto.
Ice cream, favorite ni Mica, ganyan ko siya suyuin nagiging ok naman kami pag binibigayan ko siya ng ice cream lalo na yung gusto niyang flavor tsaka samahan mopa Fries,ayy baka halikan niya pa ako.
*FAST FORWARD*
Kakauwi ko lang at dala dala ko na yung mga binili ko, nag scope ako sa isang baso ng Ice cream ito yung ibibigay ko kay,Mica.Syempre hindi mawawala yung kape na gawa ko isa 'yun sa pinaka favorite niya. And I named it Caramelab
"Ate baka gusto mo?" aya ko kay ate Luna.
"Sige lang tsaka ibigay muna 'yan kay Micmic(Mica Nickname), para magkabati na kayo"ani nito.
Ngumiti nalang ako sakanya at kaagad na akong pumunta sa kwarto namin.
"Love"tawag ko sakanya.
Tumingin siya sa akin ngunit wala na doon ang bakas ng pagiyak niya.
Kaagad kong inabot sakanya yung ice cream na nakalagay sa isang baso pati na rin yung Kape na itinimpla ko, tinanggap niya ito at ngumiti.
Inabot ko sakanya yung Cellphone ko."Love, iblock mo lahat ng pinag seselosan mo para hindi na tayo mag away" tinignan niya ako.
"Bakit kopa ibloblock kung i-unblock mo rin naman pag na boboring ka sa relasyon natin"Naiiritang saad niya.
"Hindi kona sila iu-unblock kaya sige na block muna para wala na tayong pinag tatalunan" mahinhin kong saad.
Kinuha niya mula sa akin ang cellphone ko. Ibinaba niya yung baso na may lamang ice cream.
Hindi kuna tinignan kung sino yung pinag bloblock niya, baka magalit pa siya edi mas lalong lumaki pa yung gulo hindi pa kami magkakaayos alam kong simple lang itong pinag tatalunan namin kaso iba ang takbo ng utak niya maraming big deal sakanya.
Kaya hindi ko rin siya ma sisi kung mag seselos siya kasi normal lang naman sa mga babae 'yun hindi na mawawala sa kanila 'yun.
Mahabang pasensya at intindi lang mag kakaayos na kayo ang masama dito ay yung sasabayan mopa yung inis niya edi mas lalo pang lumaki hindi pa kayong magkaayos.
"Don't be jealous, you know I can't do that to you Besides, I don't want to make a reason for us to fight You know that I love you, why would I hurt you?"nakangiting saad ko.
Tumingin siya sa akin at ningitian ako. Ibinalik na niya sa akin yung cellphone ko at kinuha naman niya yung kape na nakalagay sa mesa katabi ng Kama.
"Alam mo talaga kung paano ako kunin"kinikilig na saad nito.
PURPLEMOON💜
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...