CHAPTER 12
~LUNA'S POV~
Umuwi muna ako saglit Hapon na kasi uuwi na si Ivan, ipag-luluto ko lang ayaw kasi n'on na umuwi siya nang bahay na wala ako gusto lagi nakikita kagandahan ko."Nasaan kana?," tanong ko sakanya.
"Pauwi palang ito naman masyado akong na mi-miss," pabirong saad ni Ivan, sa kabilang linya napangiti nalang ako at hindi ko mapigilan ang kiligin.
Tangina ang low naman ng standard ko para kiligin sa mga ganitong pick-up line.
"Ewan ko sayo sige na bye na muna," pamamaalam ko at pinatayan na niya ako.
Pumunta ako sa kusina upang mag-luto nang biglang nag-ring muli yung cellphone ko. Sino na naman kaya i'yon.
Kaagad akong lumapit sa Center table kung saan nakalapag yung ibang gamit ko dinampot ko i'yon, si Mica.
Kaagad ko itong sinagot.,"ate si Micay, nilalagnat ulit tapos hindi pa dumadating si Kent,"garalgal na boses ni Mica sa kabilang Linya.
"Pina-inom mona ba nang gamot si Baby? Umaga at gabi dapat painumin mo 'yan".
"Hindi kopa kasi pinapainom nang gamot si Baby hinihintay kopa kasi si Kent," aniya.
"Just wait for Kent Maybe it's just traffic or even buying medicine," aniko. I looked up and sighed.
"Sige po ate salamat," His voice is quite good.
"Sige," tanging saad ko.
Pinatay na niya yung tawag at sakto naman ang pagdating ni Ivan.
"Oh bakit parang nakasimangot ka?," tanong niya.
"Ah si Baby Micay, kasi nagkasakit raw,"sagot ko.
"Ah kaya pala nag mamadaling umuwi si Kent,"
"Magkasabay kayo?," tanong ko.
"Magkasabay kami kanina sinamahan kopa nga siya bumili nang gamot," aniya.
Inilapag niya ang mga gamit niya sa sofa at kaagad n dumiretsyo sa kwarto namin habang ako naman ay itinuon nalang ang pansin sa aking niluluto.
Haynako kamusta na kaya si Baby Micay?, usong-uso na talaga yung mga trangkaso ngayon puro bata yung pinupuntirya.
~KENT'S POV~
Nasa gate na ako ala singko palang pina-uwi na kami ng boss namin himala nga e', kilala ko si boss minsan alas otso o alas nuebe na kami pinapauwi.Kaagad akong pumasok sa tinutuluyan naming apartment naabutan ko si Mica, bitbit si Baby Micay, walang tigil sa pag iyak si Baby habang si Mica naman ay tapik ng tapik sa hita ni Baby.
"Ano kamusta si Baby?," tanong ko
"Ito bumalik yung lagnat,"sagot niya.
Isininabit ko ang bag ko sa pako na nasa pader at kaagad akong pumasok sa kwarto hinubad ko ang uniform ko pati yung pants ko pagkatapos ay kumuha ako sa drawer nang damit at short.
Damit na Blue plain yung kinuha ko at saka Drawstring waist short pag-katapos ko mag bihis ay kaagad na akong lumabas ng kwarto nilapitan ko si Mica, at kinuha mula sakanya si Baby.
"Ikaw muna mag bantay kay Baby Micay, maliligo lang ako," saad niya.
"Mag painit ka nang tubig bago ka maligo mamaya mabinat kapa," paalala ko.
Hindi niya lumingon sa akin pero tumatango naman siya so naintindihan niya yung sinabi ko.
Habang nag hihintay siya nang pagkulo ng tubig nakita kong kumalikot siya sa kanyang cellphone at maya maya ay inilapag niya ito at may biglang tumunog.
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...