CHAPTER 10
~MICA'S POV~
Alas-tres nang madaling araw ng magising ako dahil narin siguro sa ingay ng iyak ni baby kaya nagising ako.Mag aasikaso pa sana ako para sa pag pasok ni Kent, sa trabaho niya kaso bawal pa ako gumalaw galaw dahil bagong panganak pa lang ako.
Tumayo ako upang patahanin muna si Baby Micay, mahirap na baka may mag reklamo bagong lipat palang kasi kami dito mamaya may nagpapahinga pa E' maging sagabal pa baby ko.
"Goodmorning baby ko" bati ko, at kinuha ko siya mula sa crib.
Patuloy pa 'rin siya sa pag iyak at ayaw niyang tumigil kahit anong gawin kong pag papatahan ayaw pa rin.
"Gisingin nga natin sa papa mo" sabi ko sa aking sarili at pumasok na ako sa kwarto namin.
"Love.. Love!" sabay alog ko rito.
"Ano"
"Tulungan mo ako hirap patahanin ni Baby"
"Love, ikaw muna sakit ng likod ko"inaantok pa ang boses nito at hinayaan kona lang siyang matulog muna maaga pa naman mamaya ku'na siya gigisingin pag Alas-kwatro na.
Mahabang nasa labas kami nang kwarto ay napatigil ko naman sa pag-iyak si baby kaya naisipan kuna pumasok sa loob para ihiga na siya sa kama niya pag-higa ko naman sa kama niya ay humagulgol na naman ulit siya sa pag-iyak.
Ayaw niya mag patulog pag kukunin ko siya tsaka lang siya titigil pag ibababa ko naman siya tsaka naman siya mag wawala sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano kailangan mo anak ko.
"Ano ba gusto ng anak ko?" saad ko muli ko siyang binuhat at pumunta kami sa salas.
Umupo ako sa upuan na mahaba, katapat lang ito ng kwarto namin at dito ko siya pinatahan, medyo malamig pa naman dito sa sala kaya medyo ok din yung pakiramdam ko dito wala naman akong nakikitang kakaiba simula nu'ng tumira kami.
Ang kaso ang lilikot ng mga pusa dito ang iingay nila sa bubong tsaka ang lalaki rin ng yabag nang mga paa nila medyo nakakatakot din pero ngayon maayos naman pakiramdam ko wala naman kaming nararamdamang kakaiba.
"Sa wakas tumahan kana"
Muli akong nabuhayan at tumayo, at pumasok nasa loob ng kwarto nakita kopa si Kent, nakadapa pa ito at solong solo yung kumot. Kaagad kuna nga'ng ibinaba si Baby Micay, sa crib at sa wakas hindi na siya umiyak.
Si Kent,naman ang aking gigisingin papasok pa siya sa trabaho niya aba kailangan niyang mag hanap buhay para may pang tustos kami sa pangangailangan namin.
"Love, gisingin na papasok kapa"bulong ko sa tenga niya, pag nilakasan kopa yung boses ko baka magising si baby.
"Love, a few more minutes of sleep" bulong niya napatingala nalang ako at tsaka bumuntong hininga.
"Alright Love, go to bed first and I'll just cook your breakfast" bulong ko muli ngunit wala na akong narinig na sagot mula sakanya. "Pero pagkatapos ko magluto dapat gising kana" muli kong bigkas medyo malakas ito pero hindi ko naman nagambala tulog ng anak ko.
Kaagad na akong lumabas upang mag luto ng kakainin niya almusal muna wala pa siyang pambaon wala akong makakain dito sa bahay pag pinagbaon kopa siya.
Inumpisahan kuna mag hiwa ng mga iilang sangkap nag init na rin ako ng mantika pag katapos kung maghiwa ay inumpisahan kuna agad ang pag luluto.
Madali lang naman itong niluluto ko medyo inaantok pa ako pero keri ko pa naman pano naman kaya pag umalis na si Kent, papasok nang trabaho edi kami nalang ni baby ang maiiwan dito sa loob.
Wala pa naman ako masyadong kilala sa labas tsaka hindi naman ako palalabas pag may kailangan lang tsaka lang ako lumalabas ng bahay hindi naman kasi ako gala tsaka nag kaanak na rin ako kaya wala nasa isip ko 'yan.
"Love!! Gising na!!!" sigaw ko kaya bumangon na siya.
"Ang bilis inaantok pa ako" malumanay na saad niya habang nag kakamot ng muta.
"Love ok na sumakit pa 'yang mata mo kaka-kutkot mo" saad ko at kaagad kona siyang nilapitan.
"Medyo masakit yung mata ko" ani niya, biglang sumakit nu'ng lumapit ako.
Tinuktukan ko siya sa noo. Napatawa naman siya nang mahina tuwang tuwa sa kagaguhan.
"Kumain kana tapos maligo at doon lang ako sa loob babantayan ko si Baby Micay baka ano pang mangyari sa baby ko" saad ko, papasok na sana ako sa kwarto nang hinawakan niya ang pulso ko.
"Sumabay kana sa akin kumain" aya niya.
"E' paano si baby"
"Tulog naman po si Baby kumain ka muna para may lakas ka"
"Putek! Matatanggihan paba kita!" sigaw ko, kaagad na akong umupo at siya na mismo ang nag sandok sa akin.
Ang bait niya talaga, I didn't make a mistake with him, he really is.
Natapos na kami kumain at nag umpisa na siya maligo,ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto para bantayan si Baby Micay.
So bakit Micay Kenthal, yung name ng anak namin yung Micay, galing sa name ko tapos yung Kenthal galing naman sa name ni Kent. Si ate Luna nag isip ng name na 'yan nagandahan naman kami kasi galing talaga sa pangalan namin.
Kinuha ko muna yung cellphone ko para mag scroll-scroll sa Tiktok inaantay ko rin kasing lumabas si Kent.
Maya maya lang ay bigla nalang siyang pumasok at kaagad niyang kinuha yung pantalon at yung uniform niya, buti nalang nalabhan ko yung Uniform strict daw yung amo nila.
"Pasok na ako Love inggat kayo dito"pamamaalam niya.
Lumapit siya sa akin at humalik sa mga labi ko, ganyan siya mag paalam sa akin mag kiss muna sabay alis.
"Bye baby" nag paalam din siya kay Baby.
"Dapat 8:30 ka lang bawal ka lumagpas sa oras na 'yan!"bulyaw ko.
"Opo susubukan ko" sagot niya
"Very good"
Lumabas na siya sa kwarto namin at narinig ko rin ang kalabog ng pinto sa labas so wala na siya.
Speaking of Kent, ang sweet niya pero ako hindi and gwapo rin siya matalino,mahilig din sa sports, at higit sa lahat walang bisyo. Kaya madali niya rin akong nakuha.
PURPLEMOON💜
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...