CHAPTER 21
~KENT'S POV~
KINABUKASAN, pero wala pa rin akong tulog sinubukan kong I-contact si Mica, pero naka block ako sakanya tapos pati sa Social media accounts niya gayon din sila ate Luna, Gillian at Skye, miski si Ivan, blinock niya.
Nasaan kana ba Mica?, alam kong walang kapatawaran yung nagawa ko pero sana naman magparamdam kana sa amin.
Alam kong walang kapatawaran yung ginawa ko pero sana hayaan mo akong mag explain hayaan mo akong ipaliwanag yung side ko.
Lumabas ako ng kwarto dumiretsyo ako sa lababo at nag hilamos ako ng mukha pagkatapos kong mag hilamos kaagad akong lumabas ng bahay, pupuntahan ko sila Ivan at Luna, alam narin siguro nila yung nangyari.
NAKARATING na ako sa bahay nila at kaagad din naman nila akong pinapasok sa bahay nila pinaupo nila ako sa sofa pareho silang tahimik at ako ay nakayuko naman.
"Kent.. " tawag ni Ivan.
"Bro.. " pabalik ko dito.
"Bakit ka kasi pumayag bakit hinayaan mong mangyari 'yon!" sigaw ni Ivan.
"Juskoo ka Kent, hindi mona inisip yung mag-ina mo!" sigaw naman ni ate Luna.
"Hindi ate Luna, kung alam niyo lang nasa isip ko sila habang nangyayari ang lahat nang iyon saka hindi ko naman lubusang alam na pupunta roon si Mica.." mangiyak ngiyak na saad ko.
"Hindi ko alam kung ano gagawin ko sayo Kent, sinayang niyo yung relasyon niyo sinayang mo si Mica! Masaya na sana kayo kaso ano ginagawa mo nagloko ka!! Manloloko ka!" sumbat sa akin ni Luna.
"Sorry Luna at Ivan, kung nadamay pa kayo pangako hahanapin ko si Mica pati yung Anak namin"
"Wag kang magsorry sa amin ang gawin mo hanapin mo si Mica, sakanya ka mag sorry sakanya ka mag paliwanag juskoo pag may nangyari talaga sakanyang masama hindi ko alam ang magagawa ko sayo!" muling sumbat ni Luna.
~MICA'S POV~
Buti nalang napatulog ko si Micay, at hindi siya iyak ng iyak wala naman kasi akong maipapagatas sakanya konti nalang mauubos na yung pera na dala ko."Mommy! Mommy!" sigaw ng bata sa harap ko.
"Bata, Bata!" tawag ko sa bata.
"I can't find my mommy" saad nung Bata.
"Tara dito" kaagad namang lumapit sa akin yung bata,"Ano ba pangalan mo?" tanong ko sakanya.
"Zephyrus, po" saad nung Batang si Zephyrus.
"Gusto mo pumunta tayo sa pulis?" nakita kong umiling yung Bata "Don't worry Zephyrus, ligtas ka doon sa pulis hindi ka naman makukulong" napayuko naman yung bata.
Maya maya lang may humintong isang yayamanin kotse kaagad naman napatingin dito si Zephyrus, na animo'y tuwang tuwa.
"That's mommy and daddy car!" tuwang tuwa na sabi ng Bata.
"Yan na pala Mommy mo eh" kaagad namang lumabas ang isang babaeng nasa Thirty plus na.
"My Zephyrus, saan kaba punta ng punta" mahinhin na saad nung Mommy niya.
"I don't know but Mommy I think I saw Kuya Zackary,"
"Come on Zephyrus, you're kuya Zackary, is already gone, kung buhay man si Kuya mo siguro nasa 19 yrs old na siya kaya let's Go na" aya nung Mommy ni Zephyrus.
"Wait mom" hinila nung bata yung kamay ng mommy niya, "Hello miss thank you so much po" sabay kaway sa akin nung bata.
"Your welcome Zephyrus, ingat kana sa susunod ha" saad ko at kumaway din ako sa kanya.
"Salamat miss" nakangiting saad nung mommy ni Zephyrus.
Umalis na sila kaya napasandal nalang ako sa bakal ng waiting shedd malapit ng mag-gabi kaya umalis na ako doon nag lakad lakad ako sa kalsada hanggang sa may nakita akong isang budega walang katao katao at hindi naman masyadong madilim doon.
Kaagad akong pumasok at inilpag si Baby Micay, pati ang mga gamit ko inilapag ko rin.
May nakita akong bangko at lupid kaagad ko iyong itinali sa itaas pagkatapos kong itali iyon at kaagad na akong tumuntong sa silya at isinuot na ang lupid na parang medalya.
Sinubukan ko namang lumaban sinubukan kong lumaya mula sa nakaraan pero ito talaga ang aking tadhana wala na akong pag asa maging malaya at maging masaya tuluyan.
Tatalon na sana ako ng biglang umiyak si Micay, napadilat ako at kaagad inalis ang lubid sa aking leeg at kaagad na bumaba sa silya.
Kaagad kong pinuntahan si Micay, at niyakap siya ng mahigpit.
"Sorry Anak, hindi na uulitin ni Mama" sabay halik sa noo niya.
Pinunasan ko ang aking luha at bitbit ang mga gamit ko lumabas na ako nang bodegang iyon at muling nag lakad.
Dibale ng kung saan ako makarating hindi ko naman kasi alam kung nasaan si Flor, sa QC mahihirapan akong halughugin ang buong QC.
Huminto ako sa isang saradong tindahan ng biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan sumilong ako sa bubong ng tindahan.
"Juskoo umulan pa" saad ko at niyakap si Micay, baka mabasa.
Maya maya lang ay may biglang lumabas sa katabi ng tindahan.
"Hay nako umulan pa" saad ng isang manang.
Napaatras ako ng kaunti at nagawi niya ang tingin sa akin.
"Miss ok kalang?" tanong niya sa akin.
"Sino yan mahal?" tanong ng isang manong asawa niya ata.
Kaagad na lumapit sa akin ang matandang babae at hinawakan ang braso ko.
"Pumasok ka muna kaya sa loob umulan oh kawawa 'yang kapatid mo" saad sa akin ng babae.
"Hindi kopo ito kapatid" nagkatinginan silang mag asawa. "Anak kopo ito" biglang gumaan ang itsura nila.
"Pumasok ka muna rito miss saka baka nagugutom kana tara muna rito sa loob" saad ng matandang lalaki.
Hindi na ako nakatanggi pa at sumama na ako sa kanila papasok ng bahay nila mukha naman silang mabait kaya hindi na ako nag atubili pang sumama.
PURPLEMOON 💜
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...