CHAPTER 28
~MICA POV~
*KINABUKASAN*
Hapon na at nag aayos pa ako ng mga iilang gamit ko, Chine-check ko lang naman na kung kompleto pa rin yung mga dadalhin ko'ng gamit, kala mo naman kasi mag iibang bansa ako e' dyan lang naman ako sa Manila.Maya maya ay may biglang kumatok sa pintuan agad ko itong binuksan at nakita ko si Flora, na hawak hawak yung phone na ipinaayos ko sa kanya.
"Ano ok na yan?"tanong ko sa kanya.
"Oo kaso... May kailangan ka atang burahin" saad niya, kaagad ko siyang pinapasok sa kwarto at umupo kami sa kama.
Ibinigay niya sa akin yung cellphone at bumungad sa akin yung picture namin ni Kent, ito yung pic nung papunta kaming antipolo nasa bus pa nga kami nito eh.
"Ang dami nga unang bungad ko palang sarap ng itapon itong cellphone na to'h" iniis na saad ko, natawa nalang si Flora, at pinag hahampas ako.
"Mamaya pa relapse time inom muna tayo" sabay tawa niya ng malakas.
"Inom nalang tayo" parehas na kaming natawa.
"Mamaya na burahin mo muna yung mga pictures niyo ni Kent," muli siyang natawa at humiga na siya sa kama namin at nag cellphone.
Itinuon ko ng pansin ito cellphone ko dati, nakita ko lahat yung mga pictures namin ni Kent, pati na rin nung pic namin na kasama si Micay, yung pic ni Micay, kasama yung ama niya yung pic ni Micay, nung pinapabinyagan namin siya.
Meron pa nga video na nilalaro ni Kent, si Micay, tapos si Micay, naman nakangiti pa, daddy's girl pala si Micay, tapos meron pa yung kaming apat nila Luna, Skyelen,at Gillian, kamusta na kaya silang tatlo?. Tapos meron pa yung mga pictures ko ang ganda ko pala noon dalagang ina pa ako eh.
At higit sa lahat yung pictures namin ni Kent, meron pa naka yakap siya sa akin meron pa nakapatong yung mukha niya sa braso ko at meron pa yung nakasalampak yung mukha niya sa leeg ko. Ang daming memories kaso sinayang niya lang. Tangina niya kasi eh. Manloloko at sinungaling pa.
Lahat ng picture na kasama yung pag mumukha ni Kent, pinag bubura ko halos lahat talaga kahit yung sa binyag tinanggal kona rin, make sure ko talaga na walang matitira, ng mapagtanto ko nang walang natirang pictures na kasama si Kent ay saka kona inayos yung cellphone ko. Ibibigay kona kasi kay Minnie at Micay.
Pano kasi nasira yung cellphone kaya ayan walang magamit, pinagalitan kaya siya nila Mama at Papa, sabi pa nga nila mama at Papa mag trabaho raw siya para makabili ng bagong cellphone.
Mag iilang linggo na siyang walang cellphone kaya ibibigay ko nalang ito sa kanya. Siya naman kasi yung nag babantay kay Micay, dahil si Michelle, nag tratrabaho tapos si Mama naman nag titinda sa tyangge, tapos si Tatay naman Trycicle driver, kaya walang halos oras ang lahat para makapag bantay pa kay Micay.
Buti nalang si Minnie, nag aaral at nag babantay pa kay Micay, sa tuwing pumapasok ako sa trabaho, 4th year college naman si Minnie, malapit na rin siya makapag tapos, ako lang ata hindi nakapag tapos eh pinag aral naman ako nila mama at papa, saka sarili ko kaso nahihirapan ako kaya hindi na ako nag pa tuloy. 2nd year college lang yung natapos ko.
Anyways balik na tayo sa cellphone ko, ng maayos kona ito ay agad konang tinawag si Minnie at Micay, nag lalaro pala silang dalawa.
"Minnie, oh ikaw muna gumamit ng luma ko'ng phone, pahiramin mo rin si Micay, ah" saad ko pagkatapos ko'ng ibigay yung cellphone ay agad na akong pumasok sa kwarto at ginising ko si Flora, nakatulog na kasi dito sa kama namin.
Pagka-gising niya ay agad naman kaming lumabas ng kwarto at nakita ko sila Minnie at Micay, nag lalaro gamit yung binigay ko'ng cp, grabe yung bonding nilang mag tita.
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...