CHAPTER 27
~MICA POV~
NANDITO AKO NGAYON sa bahay ng tunay ko'ng mga magulang dito nalang kami tumira, malayo sa mga nakakakilala sa past ko at lalong-lalo na sa ex ko, tanging si Flora, lang ang nakakakilala sa ex ko saka sa mga iba kopang naging kaibigan."Huy ano ba ang problema kanina kapa tulala dyan" nagulat ako at hindi ko napigilan maihampas yung dati kong cellphone kay Flora.
"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya.
"Teh nag iimpake ka lang bakit bigla kanang natulala dyan" saad niya.
Aalis muna kasi ako ng Quezon City, lilipat muna ako ng Manila, para mag-trabaho, isang buwan lang naman ako doon sa Manila dahil for sure ma mimiss ako ni Micay.
"Yun na nga eh bigla ko kasing nakita yung cellphone ko dati yung bigay ng tatay-tatayan ko yung umampon sa akin,,,eh gusto ko sanang ipa-ayos dahil ibibigay ko to kay Micay at Minnie, para meron silang pansamantalang magamit" saad ko.
Kinuha niya sa akin yung sirang cellphone."Meron akong alam na napagawaan ako muna mag papa-ayos bukas na bukas din ibibigay kona sayo" saad niya.
"Sure ka?" Tanong ko.
"Oo naman"
Agad ko'ng inilabas ang aking wallet at ibinigay ko sa kanya ang 2K. "Bukas na bukas din hah" nakangiting saad ko.
"Teh Friday palang ngayon linggo kapa aalis!" Pasigaw na saad niya. "Saka mag iinuman pa tayo bukas mag relapse ka hah" tumatawang saad niya.
"Talaga ba Flora, bad influence ka talaga sa akin! Hindi naman ako umiinom noon pero nung nakasama na kita, umiinom na ako jusko ka!" Parehas kaming napatawa.
"Sorry na teh, love you so much!" Saad niya habang naka nguso sa akin.
"Yuck! Lubayan mo nga ako sa ganyan mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Sus pag kay Ano g na g ka!" Sigaw niya.
"T*ngina mo manahimik ka dyan mamaya may makarinig sayo!" Sigaw ko sa kanya.
Ito talagang babaeng to'h napaka ingay walang tigil yung bunganga muntik na nga siyang madulas dahil sa kaingayan niya.
Habang nag tatawanan kami ay may biglang nag bukas ng pinto at may biglang pumasok na batang babae.
"Mommy!" Sigaw ni Micay, sa akin.
"Hello baby girl! Come to me hug mo si Mommy" nakangiting saad ko kaya naman nag mamadali siyang tumakbo papalapit sa akin.
"Ma mimiss po kita mommy" nakasimangot na saad niya.
"Want mo bang mag mall tayo? Sama natin si Ninang Flora, mo ano gusto mo ba ‘yun?" Nakangiting saad ko.
"Yes po mommy!" Bibong saad niya.
My daughter Micay Kenthal,,, hayss sasabihin ko paba yung apilyedo ng magaling niyang ama?HAHA nevermind... She's now 8 yrs old and grade 3 student, maraming hobbies itong anak ko katulad nalang ng pag kanta and also yung pag sayaw and magaling din siya mag drawing, tapos caring din siya and sweet kaugali niya yung magaling niyang ama.
"Maligo kana po Nak wait kapo namin ng tita mo" saad ko.
"Sige po mommy" galak na galak na saad ni Micay, love na love ko talaga tong batang to.
Bata palang ang dami na niyang alam gawin, hays buti nalang hindi niya hinahanap yung tatay niya, wala naman kasi akong balak ipakilala sa kanya yung tatay niya galit ako sa ama niya kinamumuhian ko siya siya ang dahilan kung bakit nasira yung pinangarap ko'ng pamilya, isa lang ata yung magandang ginawa niya sa buhay ko eh. Yun ay si Micay, napaka ganda ko'ng anak.
"Swerte talaga ng inaanak ko sayo" saad ni Flora.
"Mas swerte ako sa kanya" saad ko naman.
"Sige na mag bibihis na ako,,, biglaang gala na naman" reklamo niya habang papalabas siya ng kwarto ko. Mahina nalang akong napatawa sa mga pinag sasabi niya.
Agad ko'ng kinuha ang cellphone ko at nag scroll muna saglit, ng napadaan sa newsfeed ako ang isang post about sa coffee shop na mag bubukas malapit sa school ng mga highschool students and also malapit din sa Elementary school, kaya pwedeng pwede ako ditong tumambay para antayin mag uwian si Micay ko.
Actually hindi naman ako mahilig sa kape si Kent, lang yung dahilan kung bakit ako napapa-inom ng kape, kasarap ba naman kasi mag timpla eh.
Inilapag kona ngayon yung cellphone ko at nag hanap na ako ng susuotin ni Micay, ang napili ko ay Coastal Babe Embroidered Top And Wide Leg Pants, bagay na bagay ito kay Micay, sa tuwing ito
yung sinusuot niya.Maya maya lang ay pumasok na rin si Micay, bagong ligo at nakangiti siyang sumalubong sa akin.
"Mommy!" Sigaw niya. Tumakbo siya papalapit sa akin at muntik na nga siyang madulas.
"Oww watch out baby ko" nag aalalang saad ko sa kanya, dali dali ko siyang nilapitan at inalalayan.
"My bad mommy" naka simangot na saad niya.
"It's ok baby ko tara na mag bihis kana po" saad ko. Pinatuyo ko ang kanyang katawan gamit ang twalya at agad kona siyang binihisan. "Yun oh bagay na bagay sa baby ko yung damit na binili nakaraan sa kanya" nakangiting saad ko.
"Syempre kayo po yung bumili sa akin nito" saad ni Micay.
"Amm nambola pa yung anak ko sige na tara na tatawagan kona si ninang Flora, mo kasi aalis na tayo" saad ko. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto, nakita kopa si Mama, nag lilinis ng salas namin nag wawalis nalang siya.
"Oh saan naman kayo pupunta mag ina" saad ni Mama.
"Papasyal daw po kami sa mall nila mommy and Ninang Flora!," bibong saad ni Micay.
"Papasyal ko lang po saglit Ma, paalis na kasi ako sa linggo eh" saad ko naman.
"Ah s'ya s'ya sige mag ingat kayo" saad ni mama kaya nag mamadali kaming lumabas ng bahay.
Habang papalabas kami ng gate ay bigla naman naming nasalubong si Flora, papunta ito sa bahay namin.
"Ayan na pala si Ninang Flora, mo eh" saad ko. Agad kaming sumakay ng trycicle.
*AT MALL*
Nandito kami ngayon sa ever, third floor nandito kasi yung playground kaya dito nalang din kami pumunta dito lang naman yung malapit."Mommy want ko po mag play doon" sabay turo niya sa isang playground. Agad naman kami pumunta doon at nag bayad na kami ng ticket, marami nga ang mga bata ditong nag lalaro yung iba naman ay kasama yung parents nilang nag lalaro.
Nakikita ko naman si Micay, na nag eenjoy kaya hindi ko maiwasang videohan siya, hanggang sa napapansin ko'ng parang may tinitignan siya sa hindi kalayuan. Agad ko namang tinignan yung tinitignan niya. When I saw that I was immediately hurt. happy family.
Nagkatinginan kami ni Flora, at bakas sa mukha namin ang lungkot, jusko ito na ata yung kinakatakot ko ah.
"Mommy, bakit yung ibang bata may daddy sila tapos ako nasaan napo yung daddy ko?" Tanong niya sa akin, bakit ba kasi natanong mo ‘yan nak.
"Nak, kaya naman natin na tayong dalawa lang, saka kasama naman natin sila lola and lolo mo saka sila tito Mickael and Tita Minnie mo and also your pretty tita ninang Flora, mo happy naman tayo diba?" Mahinahon ko'ng saad.
"Yes po mommy pero palagi nalang po kasi akong inaasar ng mga iba ko'ng klasmate palagi nilang sinasabi na wala akong daddy" malungkot niyang saad.
Hindi na bago sa akin na palagi siyang binubully sa school niya, ilang beses kona kinausap yung mga parents ng mga batang nambubully kay Micay, pero wala pa rin. Mukhang hindi nila kayang pagsabihan yung mga anak nila.
PURPLEIREYA
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...