CHAPTER 14
~KENT'S POV~
AMPON lang ako, kaya pala ganon ang trato nila sa akin. Para lang akong tanga na umaasa na mamahalin din nila ako pag dating nang panahon.Napa dalusdos nalang ako sa sobrang sakit ng nalaman ko napayuko nalang ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Naramdaman kong umalis ang isa kong kapatid na si Klare, at umakyat siya sa taas.
"Kent," hingal na saad ni Tita.
"Tita," umiiyak na saad ko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Ano ginawa niyo sa anak ninyo grabe na talaga kayo hindi pa rin kayo nag babago!," sigaw ni Tita kila Mama at Papa.
"Ta'h,hindi ako Sanchez," napatingin ako kay Tita.
"Ate naman bakit mas kinakampihan mo pa 'yan kesa saamin," dinuro ako ng kinikilalang ina.
Maya maya lang ay bumaba na si ate Klare, may bitbit itong pera na sa tingin ko ay nasa limang libo, tumingin siya sa akin. At pagkatapos ay hinagis sa pag mumukha ko 'yung Pera.
"Diba pera yung gusto mo!," nanggagalaiting saad ni Ate Klare,"ngayon lumayas kana!," pagtaboy niya sa akin.
Pinulot ko 'yung pera. Malaki ang panga ngailangan ko kahit ipag tabuyan pa ako ng kinikilala kong mga magulang ay titiisin ko para sa pamilya ko.
"Aalis na ako," nag punas ako ng luha.
"Dapat lang!," sigaw sa akin ni ate Kylie.
Lumabas kami nila Tita at kasama namin ang pinsan kong si Kenneth, nakayakap sa akin si Tita Kuring at pilit niya akong pinapatahan nasa labas na kami ng bahay at bago pa kami lumabas ng pinto tinawag ako ng isa pa naming kapatid.
"Kent!" tawag sa akin.
Lumingon ako at nakita ko mula sa pinto si Kim, mabait siya sa akin pero medyo may pagka maldita siya pag wala sa mood pero hindi ko siya close.
"Bakit?"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako, nagulat ako sa ginawa niya akala ko lahat sila galit sa akin, akala ko lang pala kasi si Kim, ang bait niya.
"Kent," may inabot siya sa aking sobre."sana makatulong i'yan para sa pamangkin ko at sa nga pangangailangan ninyo,"mahinhin niyang sabi.
Kinuha ko yung kaliwa niyang kamay at inabot sa palad niya ang sobre.
"Wag na Kim, sayo na i'yan baka ano pa kasi sabihin nila sa akin," saad ko.
"Plsss Kent, sige na para naman ito sa pamangkin ko e', saka chat mo lang ako pag may kailangan ka ako bahala sayo," nakangiting saad niya.
"Buti kapa Kim, hindi ka tulad ng Mama at Papa mo saka ng mga kapatid mo," pagkukumpara ni Tita.
"Si Tita talaga, sige na alis na kayo ingat kayo hah," nag paalam ako sakanya.
"Salamat Kim," muling tumulo ang mga luha niya.
"Wala 'yun Kent, actually kulang pa ata 'yan para suklian yung kabutihan mo sa akin noon hayaan mo ako naman ang tutulong sayo," hinawakan niya ang aking mga balikat, "Saka nga pala ano pangalan ng Pamangkin ko?" tanong niya.
"Kim... Hindi ako Sanchez ampon lang ako hindi kita tunay na kapatid hindi mo ako tunay na kapatid,"
"At least tinuturing kitang kapatid," ngumiti siya, "ano nga pangalan ng Pamangkin ko?," mahinang tumawa.
"Micay Kenthal, 'yan yung pangalan ng anak ko,"sagot ko sa tanong nila.
Kita ko ang mga ngiti nila.
"Micay, ang cute," nakangiting sabi ni Kim.
"Simple lang kuya pero napaka cute," sabat ni Kenneth.
"Kaya nga," si Tita.
"Oh sige na Kent, papasok na ako sa loob mag iingat kayo hah," nagpaalam na ako sakanya.
Umalis na kami sa bahay ng kinikilala kong mga magulang kahit ganon sila sa akin mahal na mahal kopa rin sila kahit pinag tabuyan nila ako, sa tutuusin ay dapat nag papasalamat panga ako sa kanila kasi pinalaki at pinakain nila ako.
"Doon ka muna sa bahay namin Kent," tumango tango nalang ako.
Nakarating na kami sa bahay nila Tita pina-upo nila ako sa sofa at binigyan ng tinapay at Coke.
"Tita may tanong ako sana po masagot ninyo po ako," umupo sa tabi ko si Tita, saka hinawakan ang dalawa kong mga kamay, "sino po ang tunay kong mga magulang? Saan kopo sila makikita? Saan po sila nakatira?," sunod sunod kong tanong.
"Kent...," bumuntong hininga nalang si Tita.
"Bakit hindi niyo po masagot yung mga katanungan ko," napayuko nalang si Tita.
"Tita.. "
"Sa totoo lang Kent, mabait sila sayo nung Baby ka palang palagi ka nilang nilalaro at binubuhat sa totoo lang nasayo ang atensyon ng kinikilala mong Mama na si Keren," kwento ni Tita.
Bumuntong hininga ito, "Pero simula nung namatay si Nanay ang Ina namin ni Karen, doon na nag umpisa tratuhin ka nila ng hindi tama,"
"Seven yrs old ka nung nag simula silang tratuhin ka ng hindi tama," napaluha si Tita.
"Tah bakit po kayo umiiyak?," nag aalalang tanong ko.
"Nag aalala ako sayo noon buti na nga lang at kinuha ka ni Tatay at yung isa mo pang Lolo sa Father Side,"
"Pero bakit ganon nalang po yung trato nila sa akin may nagawa ba akong mali?,"
"Namatay ang nanay ng dahil sayo," nagulat ako, "dahil nung araw na nakikipag laro sayo ang Nanay ay bigla kang lumabas ng gate ninyo at tumawid ng Kalsada sakto namang may dadaang Truck imbis na ikaw yung masasagasaan pero tinulak ka ni Nanay para iligtas," hindi na ako umiik.
"G-ganon kaya pala tuwing sasapit yung undas hindi nila ako sasama pag dadalawin si Lola," napayuko nalang ako.
"Tanghali napa baka gusto mo dito nalang kumain," aya sa akin ni Tita.
"Hindi na Tita hindi naman ako mag tatagal dito babalik na ako sa Antipolo inaantay napo kasi ako ng mag-ina ko," tumayo na ako at nag paalam na kay Tita at sa Pinsan kong si Kenneth.
May dumaang Trycicle kaya hindi na ako nag atubuli pang sumakay sa terminal na ako bumaba at nag antay ng Bus na patungong Antipolo.
Nabusog naman ako sa kinain kong tinapay saka doon sa Coke na pinakain sa akin ni Tita, sapat na sa akin i'yon.
Nilabas ko 'yung Sobre na binigay sa akin ni Kim, nag lalaman ito ng Tatlong-libo, walong Libo yung natanggap ko galing sa kanila sapat na ito para sa panggamot ni Baby Micay.
Bigla kong na alala si Mica, Anniversary namin ngayon bibili ko nalang siya ng Icecream sa 7/11 sapat na 'yun sakanya at syempre gagawan ko siya nang kape.
Nakarating na kami ng Antipolo kaagad akong bumaba sa 7/11 ako dumiretsyo, bumili ako ng Icecream Vanila flavor na yung binili ko para parehas kaming makakain.
Pag ako talaga yumaman papatayo ako ng coffee shop tapos syempre yung special order doon yung Caramelab ko.
Tapos na akong bumili kaya umuwi na ako chi-nat kona rin si Mica, sinabi niya sa akin na wala na yung sakit ni Baby Micay pero hindi pa rin ako pwedeng makapante o-obserbahan ko hanggang mamaya kung mag kakasakit paba siya.
Kumatok na ako sa pinto at kaagad naman itong bumukas, si Mica at Baby Micay, ang sumalubong sa akin nawala yung lungkot ko nang makita ko silang nakangiti.
"Vanila flavor 'yan Love?"ito talaga yung napansin niya?.
"Syempre para dalawa tayong makakain" Saad ko pumasok na ako sa loob at siya na ang nasara nito.
"Akin muna si Baby Love, pahinga ka muna" kaagad kong kinuha si Baby.
Siya na pala yung nag ayos ng Ice cream siya narin ang nag scope, at tuwang tuwa naman siya.
Iba yung ngiti ko ngayon nakakawala ng stress yung mga ngiti ng mag-ina ko.
PURPLEMOON 💜
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...