Chapter 10

6 0 0
                                    

PIA

"baby ko!"

Tuwang tuwang sinalubong ni Sheila si Grace nang maka uwi kami. Eto namang si Grace ay humahagikgik nang ibigay ko sya sa mama Sheila nya.

"I miss you na agad baby ko!" sabi ni Sheila habang mahigpit na niyakap si Grace.

"Miy mama!"

Umakyat muna ako sa kwarto at iniwan sila doon. Nag bihis lang ako at nilagay ang ginamit na damit sa labahan.

"Ate Pia, meryenda kayo kakatapos ko lang kumain." si Añia.

"Ah sige, nabihisan na ba si Grace ng damit?"

"Kakatapos lang, si ate Sheila nag bihis."

Tinanguan ko lang sya at sinabayan sya sa pagbaba. Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko si Sheila na pinapakain si Grace ng biscuit na ginawa ni Añia habang wala kami.

Sobrang maaasahan talaga itong si Añia, mula sa pag aalaga kay Grace, at pati narin sa pag tulong saamin sa gawaing bahay.

Habang nag me-meryenda kami ay nakarinig namin kami ng katok sa labas. Bago ko pa man mabuksan ay sumalubong na saakin ang tatlo, si Mecy, Shan, at Kyla. Na pare-parehong may dalang eco bag.

"Kaka galing lang namin sa trabaho, sabay sabay kaming sinahudan." tuwang tuwa na sabi ni Shan, at iwinagayway pa ang pera at ginawa itong pamaypay.

"Yabang." napalingon naman kami kay Sheila na taas na taas ang kilay na nakatingin kay Shan.

Mag tatalo nanaman tong magkapatid na ito.

"Che! kasira ng araw!"

Sabay sabay naman kaming nagtawanan dahil sa pagsusungit ni Shan sa ate nya, pero katapos yun ay niyaya naman nya na sumabay na saamin na mag meryenda.

Natapos ang hapon namin sa kulitan nila, mag hapon nilang nilaro at tinuruan si Grace na mag salita ng maayos. Hindi naman nila masyadong pine-pressure si Grace dahil nga alam naman nilang bata pa ito.

Habang nag luluto ako ay naramdaman akong presensya sa likod ko. At pag harap ko ay nakita ko si Grace na dahan dahang nag lalakad at inaalalayan ni Añia.

"Hi, Sofhia Haze!" masaya ko syang sinalubong ng yakap nang unti unti na syang naka lapit saakin.

"my...my!" hagikgik nya.

"What are you doing here huh?" tanong ko na para bang maiintindihan ako ni Grace.

Humagikgik lang ulit ito bago lumapit kay Añia, kaya naman ay binuhat sya nito. Nag paalam lang sila bago bumalik sa sala at naki gulo kila Sheila.

Pinag patuloy ko lang ang pagluluto at muli ko nanamang naalala ang pangyayari sa hospital kanina.

Si Grace totoong Grace?

Babalik ako next month para ma-sure kung talagang leukemia survivor na ako?

Pinilit kong kalimutan nalang ang nangyari kanina at masiglang inihain ang mga pagkaing niluto sa hapag.

"Let's pray! Let's pray!" si Sheila.

Lahat kami ay nag sign of the cross at nakayukong pumikit at tahimik na nakikinig sa dasal ni Sheila. Simula nang dumating si Grace sa buhay namin ay nakasanayan nanaming mag dasal bago kumain, bago matulog, at kapag gising sa umaga.

"Lord, thank you for giving us this delicious foods. Thank you for all the blessings we received today. We ask that you would bless this food and especially us. I hope you fill us up, and continue to bless us with delicious foods. In the name of your son Jesus, Amen."

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon