EPILOGUE

20 0 0
                                    

PIA

Nag mamadali akong tumatakbo papunta sa nasabing room ng teacher ni Grace. Kinakabahan ako kasi tatawagan lang ako ng teacher niya kapag may emergency like before nung nilagnat siya. At ngayon ay pinatawag nanaman ako, halo halo ang nararamdaman ko.

"Hello po mommy!" bati saakin ng teacher nang huminto ako sa harap niya.

Siya ang teacher ni Grace ngayong Grade 3 siya. Dito na siya sa Pampanga nag aaral, at talagang naka gawa siya ng pangalan sa maagang edad. Paano ay palagi siyang sinasali sa contest at laging nananalo. 

"Hello po, nasaan po siya?"

"Mommy wag kang magugulat ah, yung anak mo nandoon padin sa room kasi siya ang.....first place sa quiz!" masayang sabi ng teacher saakin.

Napasigaw nalang ako ng 'yehey' dahil sa nalaman, for the first time and at the young age. My baby win! My child win! Ito ang first time niya na lumaban nang sobrang lala. Kung dati ay pang level lang nila yung quiz, ngayon ay Math ng pang senior high school ang nilabanan nila.

Ang alam ko ay kung sino ang mag f-first place sa bawat school ay ang siyang mag lalaban laban.  Since si Grace ang top1, ibig sabihin ay siya ang lalaban sa siyam sa school. Merong four rounds ang laban. At sa first to third round ay kung sino ang pinaka mababa bawat round ay matatanggal. At sa pinaka final round na ang announcement ng nanalo.

Kung sino man ang mananalo ay mabibigyan ng scholar ship hanggang matapos ang taon nila sa paaralang ito. Or hindi kaya ay tutulungan ka nilang makapag enroll sa school na gusto mo dito sa buong bansa. At malaking tulong 'yon para kay Grace at saamin.

Sinabi ko kay Karl ang balita, syempre mas masaya pa siya saakin. Hindi kasi siya nakasama saakin dito sa school dahil nilalagnat si Kgeero at siya ang bantay. Buti nga at mas maayos na ngayon si Kgeero, at dahil ate's girl siya ay hindi siya okay sa tuwing nasa school ang ate niya. Sweet and caring si Grace sa mga kapatid niya, kila Kgeero, Seigan, Seinna, at Seiron.

Binalita din namin kila Sheila at Samuel ang achievements ni Grace, at pupunta sila dito sa sabado para mag celebrate. Binalita ko din sa mga ninong at ninang niya kaya naman sobrang proud sila sa anak ko. Speaking of ninong and ninang niya na mga katrabaho namin dati, marami saamin ang umalis na sa trabaho pero kahit na ganon ay walang nakakalimot. 

Si Sheila ay nanatili padin, pinag sabay niya ang pagiging nanay, asawa, business owner, at proofreader niya. Si Crys ay umalis na din at lumipat na sa ibang bansa. Siguro para mag move on? Pero sa nakikita naman namin ay fully healed na siya may girlfriend na ulit siya, at sana mag work na. Si Mandi ay isa nalang house wife slash business woman, habang si Shaun ay nanatili padin. 

Si Celestine at Ivan, ay nag migrate na din sa ibang bansa, at doon itinuloy at in-enjoy ang pagiging buhay mag asawa nila. Si ate Elaine ay katulad ni Sheila na nanatili padin sa trabaho, minsan ay dinadala niya din si Erish, yung anak niya, sa trabaho. Si Ica at Codin, at Rian ay nanatili din sa trabaho. Halos kalahati din ang nawala, pero kahit ganoon ay nagkkakaroon naman kami ng gatherings. 

Syempre pinamumunuhan ni sir Allen at ma'am Alee. And for sir Allen pala, hindi nalang siya Cheif Editor, dahil siya na ang bagong CEO ng company! Pinalitan siya ni sir Yujin. Mas kilala at malago na din ang SPC or Slanders Publishing Company kesa noon. Nag umpisa 'yon noong nakipag isa kami sa JC Publishing Company, hanggang sa nag sunod sunod na 'yon.

Ang office namin ay nirenovate. Mas pinaganda ang mga gamit doon dahil anim na tables nalang naman ang nandoon. At ang mga office ng mga baguhan ay mas malaki since 30 person na din kada office. Actually, simula nung maging CEO si sir Allen ay pinagawan niya ng separate office ang mga senior. Seniors ang tawag sa mga employees na pumasok dito sa taong 2000-2010.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon