Chapter 24

4 0 0
                                    

PIA

Nakabalik din naman kaagad sila nanay Sali. Tuwang tuwa din si Grace nang makita kami, dami niyang kwento tungkol sa pinuntahan nila. May hawak pa nga siyang saging nang makapasok sila ng bahay.

"Nako, ang daming turo ng bata na 'to." natatawang sabi ni nanay Sali at pinanggigilan si Grace.

"Ma naman, wag mong masyadong pisilin pingi niya. Pag yan lumaylay!" si Sheila.

Tumawa lang naman ang matanda at pumasok ng kusina. Umakyat muna ako sa kwarto para mag palit ng damit, nilalambing naman ni Grace ang mama at papa niya, kaya naman natatawa ako habang nag lalakad. Ang lambing talaga ng anak ko, pag may kailangan.

Simpleng t-shirt at short lang ang sinuot ko. Nag charge lang din ako ng cellphone dahil na lowbat ang powe bank ko kagabi kaya hindi na ako nakapag charge. Humiga lang din ako kama at pumikit.

Ilang minuto na akong nakapikit nang biglang may kumatok. Agad akong napadilat at tumayo para buksan ang pinto. Napababa ang tingin ko dahil si Grace pala, mukhang sinamahan lang siyang umakyat dito at iniwan nadin.

"Hello mommy!" sabi niya at tuluyan nang pumasok.

"Hi Sofhia Haze." sabi ko sakaniya.

Dali dali naman akong lumapit sakaniya nang subukan niyang umakyat ng kama, kahit na matangkad si Grace ay hindi niya padin abot ang kama. Halos konti nalang kasi ay hanggang bewang ko na ang taas ng kama.

Binuhat ko siya paakyat doon. At dahil humiga siya ay tumabi na ako sakaniya, agad naman siyang pumatong saakin. Humalik lang din siya saakin bago gawing unan ang dibdib ko, at yakap yakap niya din ako. Tinatapik tapik ko lang din ang likod niya ng mahina, mamaya pa naman kami manananghalian kaya pwede pa kaming humilata.

Tabimik lang kami pareho ni Grace, hindi naman siya nakakatulog. Nakatingin lang siya sa may kaliwa, kung nasaan ang mga picture namin. Nakatitig lang siya doon at paminsan minsan ay pumipikit.

"Mommy." tawag niya nang hindi padin inaalis ang tingin doon.

"Yes?"

"Daddy?"

Natigil ako sa pag tapik sa likod niya at bahagyang tumigin sakaniya. Tinukod niya ang siko sa sa balikat ko at tumingin sa akin, nag hihintay ng sagot.

"You still don't know where is daddy?" tanong ko sakaniya at hinimas ang buhok niya.

Umiling lang siya. Pinaka titigan ko ang mukha ng anak ko, kahit saang anggulo tumingin, wala akong makita na pareho kami. Pero kahit ganon, anak ko padin siya, akin padin siya. Saakin siya lumaki, at lalaki, saakin siya tumanda at tatanda.

"Si daddy ay nasa heaven na, with papa Jesus." sabi ko sakaniya.

"Okay," sabi niya at humiga ulit.

Natawa naman ako sa kinilos niya. For real? Hay nako, pag laki mo Grace maintindihan mo din, at hindi ako magsasawang ipaintindi sa'yo dahil yun ang deserve mo. Deserve mong malaman lahat, hindi man sa ngayon, pero dadating ang tamang panahon.

At kapag dumating ang panahon na 'yon, sisiguraduhin kong maintindihan mo lahat. At hindi kita hahayaang masaktan dahil lang sa malalaman mong katotohanan, dahil hangga't nasa pangangalaga kita, hindi mo kailangang masaktan. Ganyan na ganyan kita kamahal, anak ko.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon