Chapter 8

6 0 0
                                    

PIA

Kanya kanya narin silang nagsi kilos na para bang walang nangyari. Kaka alis lang ni dada galing dito, narinig ko pa ang pag hingi ni dada ng tawad pero hindi ko na pinansin pa.

Nakaka hiya yung ginawa nila pati ba naman yung iba idadamay pa nila, kapag naaalala ko kung paano ako pinag tanggol ni nanay Sali kanina ay bigla kong na miss yung presensya ni mommy.

Kung paano nya ako iniingatan na parang isang babasaging bagay na madampian lang konting haplos ay mababasag na. Ni minsan ay hindi nya ako pinag buhatan ng kamay, kapag nagagalit sya saakin pag sasabihan nya lang ako at hindi papansinin hanggang sa mag sorry na ako sakanya.

Nanay lang naman ang nawala sakin pero pakiramdam ko nawala na ang lahat sakin, pero dahil kasama ko si tita at si Peter ay pakiramdam ko para akong nabubuhay na may kumpletong pamilya at pinuno ng pagmamahal at atensyon. Pero nung isa isa na silang nawala gaya ng pagka wala ni mommy, wala na akong maturing pang mundo, halos hindi ko na maalala kung kailan ako huling sumaya. Pero nung dumating si Sheila, yung mga ka-trabaho namin pati na si Kyla, at sila nanay Sali, sa pangatlong pag kakataon pakiramdam ko buhay nanaman ako.

Masaya naman na ako pero bakit kailangan pa uli nilang mag pakita. Mabuti nalang at walang nag tanong ni isa sakanila at pinili nalang manahimik, si Kyla ay kasama ni Mecy ngayun sa balcony habang si nanay Sali ay kasama ng pamilya nya doon sa kusina. At ako, ito nasa sarili kong kwarto habang niyayakap ang sarili kong tuhod at naka sandal sa headboars ng kama ko.

Masyadong nakakahiya sakanila dahil pati sila ay naabala at nasaktan. Thankful ako dahil ipinagtanggol nila ako pero nahihiya ako kasi kailangan pa nilang masaksihan yung nangyari kanina. Halos hindi pa ako nakakapag almusal siguro sila rin dahil maaga pa talaga, hindi naman ganong oras nila ako ginigising para kumain. Kung walang nangyaring ganoon kanina ay siguro ngayun tapos na kaming kumain at kanya kanyang may ginagawa na ngayun.

"Pia tara kain na,"si Moira.

"Lumamig na yung pagkain pero ininit naman na ni Karl at Ivan." may pag aalo na sabi nya.

"Sige maliligo lang ako una na kayo!" sagot ko sakanya.

"Sige baba ka mamaya."

Hindi na ako sumagot pa at ginawa nalang din yung sinabi ko sakanya. Mabilis lang akong naligo at nagbihis narin, matapos non ay bumaba narin ako para kumain. Naabutan ko silang tahimik habang nasa hapag at ang ilan ay patapos naring maligo maliban kay Karl, Celestine, at Sheila. Halos hindi parin sila nag sisimulang kumakain at naka tingin lang sa mga plato nila.

Nang mapansin nila ang presensya ko ay isa isa narin silang gumalaw para kumain, maging ako ay nag sandok narin ng sariling pagkain. Walang nag sasalita ni isa saamin hanggang sa matapos na ang ilan at isa isa nang tumayo. Apat nalang kaming natitira sa hapag at kapuwa hindi pa tapos na kumain.

Nararamdaman ko lang ang pasimple nilang tingin saakin at para pa silang nag uusap gamit ang mata. Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa narinig kong tumikhim si Karl.

"Ah Pia about sa kan-" hindi na nya natapos ang sasabihin nang putulin ko iyon.

"Wag nyo nalang alalahanin, ayokong maalala. Pasensya narin nadamay pa kayo."

"Ayos lang naman samin yun Pia pero bakit hindi ka lumaban?" sagot ni Celestine-expected ko narin na sasabihin nya yun.

"Ginagalang ko parin sya bilang tao," natatawa kong sagot sakanya.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon