Chapter 26

6 0 0
                                    

PIA

Now is January 22, 5 am. Nasa lobby ako ng hospital dahil dito ko hihintayin sila Sheila. Kanina pa sila naka alis ng bahay, at ngayon ay kabababa ko lang para hintayin sila dahil nasa parking lot na sila. I don't wait too long, dahil pag tingin ko sa entrance ay kakapasok lang nila.

Syempre sinalubong ko sila. Hawak ni Moira si Grace habang nag lalakad sila, at sa likuran nila ay si Sheila at Samuel. Nasa bewang ni Sheila ang kaway ni Samuel, habang ang isang kamay ni Samuel ay may hawak na color green paper bag.

"Mommy!" tawag saakin ni Grace.

Agad naman akong lumuhod nang tumakbo siya palapit saakin. Mahigpit ko siyang niyakap ay hinalikan siya sa noo. I miss her very very much! Hinalikan niya naman ako sa pisngi at humawak na sa kamay ko.

"So how's the baby?" tanong ni Moira habang nasa elevator kami.

"Kamukha ni Meisha maliban sa ilong." sabi ko at nag tawanan kami.

"How to pronounce Marieyan? Kagabi ko pa pinagiisipan yun." sabi naman ni Sheila.

"Ma-ri-yan, nung una medyo nahirapan din sila."

Tumango tango naman sila. Hawak ko padin ang kamay ni Grace habang nag lalakad kami patungo ng VIP room. Sa kwarto muna kung saan kami tumutuloy ang una naming pinuntahan. May mga gamit kasi silang dala kaya ibababa raw muna nila.

"Hey!"

"Good morning, Jurin, Mia.."

"Omg, i miss you two." sabi ni Jurin kay Moir at Sheila bago sila mag beso.

Ganon din ang ginawa ni Mia sa dalawa. Nag man hug naman si Quiel, Samuel, at Jhed. Sabay sabay din kaming pumunta sa kwarto nila Meisha, naabutan namin na nagpapa breastfeed si Meisha sa anak niya.

Buti nalang at may takip kaya pumasok padin sila Samuel. Napangiti naman si Meisha nang makita sila Moira at Sheila. Pero nababa din ang tingin niya kay Grace na ngayon ay curious na curious sa mga nakikita.

"Mommy, baby!" turo ni Grace kay baby Raely.

"Omg is that Grace?" hindi makapaniwalang tanong ni Meisha.

Tumango ako, sinabihan ko naman si Grace na lumapit kay Rouger dahil gusto din siyang buhatin. Nung una ay nahihiya pa siya pero lumapit din naman at binuhat siya. Lumapit sila kay Meisha na buhat padin ngayon ang anak nila.

Lumapit na din sila Sheila para tignan ang bata. Binuhan naman ni Moira si baby Raely at halos mapunit ang labi nila kakangiti nang makita sa malapitan si baby.

"Nako, nagpa-practice nang mag buhat ng bata si Sheila!" si Rouger, kaya naman nag tawanan kami.

"Ay oo nga pala! Kaso madami dami yung inyo. Need ng tatlong braso!" dugtong pa ni Mia. Kaya lalo kaming nagtawanan.

Dalawang oras lang nag stay sila Sheila, Moira at Samuel dahil may mga trabaho pa nga sila. Naiwan naman saakin si Grace na tuwang tuwa sa baby. Nag pa-pictura naman ang mag asawa kasama ang anak at si Grace.

"Ipo-post ko to agad!"

Totoo ang sinabi ni Meisha dahil nang mahawakan niya ang cellphone niya ay nag vibrate agad ang mga cellphone namin. Nag post kasi siya at naka tag kami. Nakita ko naman na hindi lang yung picture nilang apat ang nasa post niya. Kasama yung kanina at kapahapon.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon