Chapter 21

9 0 0
                                    

PIA

Nasa eroplano na kami ngayon, hindi ko alam alam kung nasaan ba si Karl. Mula pa kaninang 9 pm ay hindi ko na siya nakikita. Pag alis naming safehouse hindi ko na siya napapansin. Akala ko katabi niya sina Ivan, pero hindi. Last ko siyang nakita ay nung kinakausap niya si sir Allen habang nag di-dinner kami.

And then after that, wala na. Pero hindi ko narin naman pinapansin, alam kong may alam rin yung mga kasama namin kaya hindi na sila nag tatanong pa. Katabi ko si Sheila ngayon ng seat, sa harap namin ay si Celestine at Moira.

Saktong alas dose na kami nakarating ng bahay, kanina pa namin sinabi kay Ania na ngayon ang dating namin kaya hanggang ngayon ay gising pa siya. Nasa kwarto ko natutulog ngayon si Grace, for na miss kami non kaya doon kami ni Sheila at Moira matutulog. For sure gulat yun kapag nakita kami.

Siksikan malala to, tinulungan kami ni Ania mag ayos ng gamit at nag bihis lang din kami para pag tabi namin kay Grace ay di na kami mabaho. 1:30 am, apat na kaming nandito sa kwarto ko, nag picture din kami at nag post kaagad si Moira sa facebook at as we expect, si Ica ang unang nag react at nag comment.

Dahan dahan kaming humiga sa tabi ni Grace para hindi siya magising. Hindi rin nag tagal ay unti unti kaming nilamon ng antok, pero bago ako makatulog ay napangiti ako. Parang walang nakakpagod at sakit na nangyari, nawala ang pagod ko dahil ngayon katabi ko na ang pahinga ko, ang anak ko.

Nagising ako nang maranig may mabigat na yumakap saakin.

"Mommy!" isang matinis na boses.

Agad akong napangiti nang makilala ang boses na yon. "Good morning, baby."

"Good morning mommy!" yumakap ulit siya saakin.

Napatingin naman ako sa dalawang babae na nakangiting naka upo sa likod ni Grace. Si Moira at Sheila na ngayon ay naka ayos na, pero nakapantulog parin. Binati nila ako kaya binati ko rin sila.

"Anong oras na?" tanong ko.

"11 am na." sagot ni Sheila kaya napatayo ako.

"Don't worry 9:30 kami nagising, dahil kay Soya." si Moira.

Naikwento naman nila saakin ang nangyari habang tulog ako. Kaya naman tawa ako ng tawa dahil sa kakulitan ni Grace. Paano kasi ay ilang beses nang nag attemp si Grace na gisingin ako, pero pinipigilan siya nina Sheila at Moira.

Bigla ko namang naalala na, bukas na pala ang alis ni Ania papunta ng probinsya nila. Dapat talaga last week pa yon, pero nagpunta kami ng Palawan kaya na usog yung pag uwi niya. Binigyan narin namin siya ng pera bukod pa sa sahod niya, nung una ay ayaw niya pang tanggapin dahil malaki na daw ang pasahod namin sakaniya tapos meron pang bonus.

Nag uumagahan kami ngayon, kumpleto kami. Nandito narin sina Kyla na kakarating lang. Hindi din nila alam na ngayon ang uwi naman dahil wala naman kaming sinabi na isang linggo lang kami doon. Tuwang tuwa rin sila sa pasalubong namin. Pati si Samuel ay sumunod din at nakisabay sa breakfast namin.

Habang nag uusap usap kami sa buong linggo namin doon sa Palawan ay biglang tumunog yung doorbell, ibig sabihin may tao sa labas. Si Samuel ang nag reprisinta na tignan kung sino yun kaya nag patuloy nalang kami sa pag uusap.

Ilang minuto pa ay bumalik si Samuel na kumakamot sa ulo.

"Pia, may bisita ka ata." sabi niya.

Agad namang nangunot ang noo ko. Sino naman yun? Wala naman akong in-invite dito sa bahay. Nang makarating sa may pinto ay may nakita akong babaeng naka office attire, pero naka talikod siya kaya hindi ko siya nakilala.

Maya maya pa ay may lumabas sa isang kotse sa tapat ng bahay namin, at nang makilala ko kung sino yung lalaki na yon ay nanlaki ang mata ko sa gulat. Anong ginagawa nila dito?

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon