Chapter 9

8 0 0
                                    


PIA

Dalawang araw nadin simula nung maka uwi sina Shan sa probinsya, balik trabaho narin kami. Kaya eto ako ngayun kasama ang mga katrabaho ko, nasa cafe kami dahil break time na.

Naging mahirap kay Kyla at Mecy ang mag paalam kay Shan dahil nga sa masyado silang naging malapit sa isa't isa. Kahit nga si nanay Sali at tatay Edgar ay umiyak dahil ayaw nang umalis sa bahay.

Naunang umalis ang mga katrabaho ko bago sila nanay Sali dahil nag stay pa sila ng dalawang araw. Bumalik sa dating tahimik na lugar ang bahay dahil wala nang mga bungangang laging nag ke-kwentuhan. Kaming dalawa nalang ulit ni Sheila ang naka tira sa bahay.

"Grabe sana next year ulit!" tuwang tuwa na sabi ni Rian.

"Sobrang nakaka enjoy yung holiday natin." sabi ni Celestine habang naka tingin sa mga picture na pina-print nila.

"The best Christmas and New Year, ever." si Karl naman at inangat ang picture naming lahat, kung saan kasama rin namin sina ate Elvie, nanay Sali, at ang mga bata.

Ayun yung picture namin nung pasko, halos ang tagal din namin natapos noon dahil sa dami namin. Twenty one kasi kaming nag pi-picture kaya naman sobrang gulo at tagal namin. Pero buti nalang may karamihan din yung mga picture namin na maayos kami. Halos naubos din yung pera na tinabi ko para sa gastuhin sa buong holidays, buti nalang at hindi lang ako ang gumagastos.

Bago rin umuwi sina nanay Sali ay nag grocery at shopping muna kami para may mga bago naman silang mai-uwi bukod sa sarili nila. Sumama rin sina Celestine dahil mamimiss daw nila yung sermon ni nanay Sali kapag nalalasing sila.

"Grabe ilang araw palang pero miss kona agad sila nanay Sali." sabi ni Rian habang pinag mamasdan ang mukha ni nanay Sali at tatay Edgar sa picture.

"Hindi ka nag iisa, sis." sagot ni Sheila at inagaw sakanya ang picture ng magulang.

"Para akong may magulang nung nandoon tayo kasama sina nanay Sali." sabi ni Celestine at lahat naman ay nag agree sa sinabi nya.

Hindi narin nag tagal dahil bumalik narin kami sa office, habang naglalakad pabalik ay naka salubong pa namin si ma'am Alee na may kinakausap sa cellphone nya habang naka ngiti. Mukhang good mood at galing pa sa office ni sir Allen, binati lang namin ang isa't isa at saka nag patuloy na sa pupuntahan.

Gaya lang ng madalas naming gawin ni Sheila tuwing uuwi galing trabaho, ay nag aantay kami ngayon ng taxi na masasakyan pauwi ng bahay. Buti nalang at kasama namin yung ibang nag ta-trabaho sa office dahil madalim na kami umuwi dahil marami kamiing mga trabahong natambak kaya naman karamihan dito sa building ay nag overtime.

Pag karating sa bahay ay tulad lang ng dati na nag luluto muna kami at maliligo pag tapos ay sabay na kakain. Hindi narin kami masyadong nag usap pa dahil parehas kaming pagod at inaantok, kaya naman nang matapos mag paalam sa isa't isa ay natulog narin kami.

Ang paulit ulit na ganap sa bahay namin ay paulit ulit lang, gising sa umaga, trabaho, uwi, gising sa umaga, pasok, uwi. Walang nabago, tuwing sabado at linggo ay mag lilinis kai ng bahay at mag go-grocery. At kung minsan pa ay gagala sa mall para naman mag karoon pa ng mas maayos sa bonding.

"Happy birthday, Sheila!" masayang bati ko sakanya.

Sabado ng hapon ngayon, kasama kong nag plano dito ang mga katrabaho namin. Sila ang bumili ng mga pagkain habang ako ang nag linis dito sa bahay. Katulong ko rin si Kyla at Mecy na mag design habang tulog si Sheila. Sila rin ang bumili ng pang decorate para ngayung araw.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon