Chapter 20

6 0 0
                                    

PIA


"Thank you for trust, Mrs. Janice." si sir Allen.

Ang apat na oras na meeting ay sa wakas tapos na! Mamayang gabi ang alis namin papunta sa Puerto Princesa dahil doon kami mag s-stay hanggang sa araw ng pag uwi namin.

"Thank you for coming also."

Nag aya si sir Allen na maaga daw kami mag dinner dahil hindi na siya makakasabay sa amin sa pag punta sa Puerto Princesa at susunod nalang siya. Ang dahilan niya ay may importante lang daw siyang ta-trabahuhin.

4:30 palang naman kaya bumalik muna kami sa hotel para mag ayos ng gamit. Eksaktong 6 kasi kami aalis para mag punta ng mall para mag dinner.

Natigil naman kaming apat nila Sheila nang may kumatok sa pinto ng room namin. Si Moira ang nag bukas kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa. Narinig ko naman ang boses ni Ivan kaya hindi ko nalang pinansin, siguro si Celestine ang hanap neto.

May something kasi akong napapansin kay Celestine at Ivan mag mula pa noong mga nakaraang buwan. Lagi silang mag kasama tapos si Ivan sige pa ang lapit at pangungulit kay Tine kaya feel ko talaga may something sa dalawang to.

Ako ang unang nag ship sakanila, palagi yun, sa tuwing makikita ko silang mag kasama. Narinig lang ni Jona nung one time na inasar ko sila ng pasimple tapos nahalata pa ni Jona yung tingin ko sa dalawa, kaya ayon, pinagkalat niya.

"Tine! Pia! mga jowa nyo nandito! Papasukin ko ba?" tanong ni Moira.

"Oo!"

"Oo!"

Sabay na sagot namin ni Celestine. Agad naman kaming napatingin nila Moi at Sheila kay Celestine. Narinig ko bang pumayag siya na papasukin si Ivan kahit na sinabi ni Moi ay 'jowa'. Usually kasi nagagalit si Celestine tuwing inaasar sila na mag jowa, pero ngayon ang bilis niyang mag sabi ng oo.

"O-oh bakit? Ikaw rin naman p-pumayag ka kahit sinabi niya j-jowa. Bakit pag ako i-inaasar nyo?!" sabi niya sakin, at pulang pula na ang mukha.

Huli ka!

"Sanay na kasi ako, pero ikaw? Grabe nakakagulat ka!" pang aasar ko pa lalo.

"Edi wag nyong papasukin!" inis na sabi niya sabay talon sa kama nila ni Moira.

Nag tawanan namin kami sa naging reaksyon niya, at ito namang si Ivan ay namumula na sa kilig. Parang bata putek!

Naramdaman ko namang niyakap ako ni Karl habang nakatagilid ako sakaniya. Nakita naman nila Moira at Sheila kaya napa ngiwi sila. Tulad nito, sanay na sila tuwing nagiging clingy si Karl saakin, lalo na ako.

Pero yung pagiging malambot kasi ni Celestine pagdating kay Ivan ay bihira lang makita kaya grabe kami mang asar kapang nahuhuli namin sila. Si Celestine lang naman itong palaging nag de-deny at nagpapakipot, si Ivan kasi tuwang tuwa sa nagiging reaksyon ni Celestine.

"Baby Tine ko!" sabi ni Ivan habang tumatakbo papalapit kay Celestine.

"Letche, layo!" inis na sabi niya kay Ivan, pero lalaki ay tumatawa tawa lang habang nakaupo sa pinaka dulo ng kama.

Nang matapos akong magligpit ay lumayo rin naman saakin si Karl at naupo sa lamesa sa mini kitchen ng room. Lumapit din sakanya si Ivan at Sheila para makipag usap. Ako naman ang sumunod na naligo nang makalabas si Moira sa banyo. Dala dala ko ang mga damit na susuotin ko papunta ng banyo nang bigla akong tawagin ni Karl.

Nagulat naman ako nang bigla niya akonng hilain pababa at halikan sa pisngi. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko at napatingin sa mga kasama namin na buti nalang at busy sa mga cellphone, si Moira naman ay saktong napatingin saamin at napataas ang kilay. Walang alam sa nangyari. Si Celestine naman ay nag mumukmok parin habang nakahiga.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon