Chapter 13

15 0 0
                                    

  PIA

"Mag iingat ka bukas sa pag da-drive ha? Ako na bahala dito sa bahay, pati narin kay Grace."

"Mag co-commute lang ako, ikaw na gumamit ng sasakyan." sabi ko sakanya.

"Hoy! ano kaba, kaya ko mag commute. Mas malayo ang pupuntahan mo girl, ako dyan lang sa trabaho!" sabi nya at pinamaywangan pa ako.

Ilang beses nya rin akong pinilit hanggang nag success naman sya. Sa Pampanga kasi ako pupunta, babalik ako doon para sa anak ni ate Kara. Uupa muna ako sa apartment tapos kapag okay na babalik na ako dito, isang linggo akong absent dahil bibisita rin ako sa pamilya ni Peter, sana lang ay may mabisita pa ako. Hindi kasi ako sure kung doon parin ba sila nakatira dahil matagal na nung huli naming pagkikita, at wala din akong balita sakanila. Buksan ko kaya yung dati kong account? Kaso baka mabibingi nanaman ako sa dami ng notification.

Maaga akong nagising dahil ginising ako ni Sheila. Nagulat pa nga ako dahil alas tres pa pala sya gising dahil pinag handaan nya ang pag alis ko. Bago pa man ako umalis ay nag paalam lang ako sa tatlo pati narin kay Añia, lalo na kay Grace.  Muntik pa nga akong hindi maka alis dahil umiyak pa si Grace.

"Say bye mommy!" sabi ni Sheila kay Grace habang naka silip sila sa pintuan.

"Mommy bye!" sabi ni Grace at biglang umiyak.

Bago pa man ako hindi matuloy sa balak ko ay pinagana ko na ang kotse bago umalis. Narinig ko pa ang sigaw ni Sheila na mag ingat raw ako. Medyo napatagal pa ako dahil huminto ako para kumain, isang oras lang sana ang byahe. Mabuti nalang at walang traffic kaya nakarating agad ako sa unang pupuntahan ko.

Isang puting bahay na may dalawang palapag, may maliit din silang gate kung saan pwede kang pumasok, at may malaking gate din para sa kotse. First time kong makarating dito nong 19 years old pa ako, at last ay nung 25 ako. Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan ay nakita ko na ang isang ginang na maputi, medyo may puti na rin ang buhok nya pero malakas parin sya. Ilang taon na nga ulit sya? 59, tama 59 na sya. 55 years old sya noong huli kaming nag kita.

Nasa labas sya ng bahay nila at nag didilig ng halaman sa gilid ng main door nila. Madalas nya itong gawin tuwing umaga, kung minsan pa nga ay kakausapin nya ang mga halaman nya at sasabihin nyang manatili lang silang malusog para mas madami pa ang bunga.

Bago pa man ako maka baba ng sasakyan ay nakuha na agad ng atensyon nya ang kotse ko na naka parada sa tapat nila. Bumaba narin ako matapos kong tanggalin yung jacket na suot ko dahil medyo mainit na rin. Kita ko ko ang gulat sa mukha ni tita Elizabeth nang tuluyan na akong makalabas ng sasakyan. Nabitawan nya pa yung hawak nya, naglakad ako papalapit sa sarado nilang gate at ngumiti.

"L-long time n-no see, tita..." naluluha kong sabi, gusto ko sanang ayusin ang pagbanggit non pero hindi ko mapigilan ang taksil kong bibig sa pag hikbi.

"P-pia!" nanlalaki ang mata nya at halatang gulat na gulat.

"Opo, t-tita. Ako po i-ito." hindi ko na napitigilan at bigla nalang akong napahagulgol.

Narinig ko ang pag tunog ng gate nila at mas lumakas pa ang iyak ko nang maramdaman kl ang mainit nya yakap at rinig ko rin ang iyak nya.

"Diyos ko po! Akala naming lahat wala kana!" sabi nya.

"Tita na miss ko po kayo." humarap ako sakanya na puno ng luha ang mga mata.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon