Chapter 28

5 0 0
                                    

PETER

"Hoy PJ!"

Napalingon ako sa tumawag saakin non. Tsk si Mia. Paulit ulit kong sinasabi na wag niya akong tawagin na PJ kasi parehas kami ni kuya Perseus. Kasi kung Peter James ako, si kuya naman ay Perseus James.

"Ano nanaman ba?" irita kong tanong sakaniya.

"Sama kayo ni Jhed?" tanong niya.

"Saan nanaman?"

"Library."

Maikling sagot niya.

Ngayon ay first day namin ni Jhed bilang third year college dito sa UST. Samantalang itong si Mia ay second year palang, parehas kaming Civil Engineering ang course. Si Jhed, ang boyfriend nitong si Mia. Kaya lang naman kami naging close dahil pinakilala ni Jhed si Mia saakin.

Tango lang ang sinagot ko sakaniya at nag lakad na papalayo. Balak ko din namang pumunta ng library dahil kailangan kong mag advance reading para hindi ako matameme mamaya. Maaga pa kasi for class hours kaya gusto ko munang mag punta ng library. 

I was searching for a vacant seat, pero wala akong nakita dahil puro puno na 'yon. Paalis na sana ako nang bigla kong mahagip ang isang table na isang babae lang naka upo. Sakto naman nang mag angat siya ng tingin niya ay nahigit ko ang aking hininga. My god! Si Sopia, yung kaibigan ni Mia since before.

Maganda si Sopia, matalino at mabait. Wavy ang buhok niyang color brown at maputi din ang balat niya. Pero nang marinig kong may kumalabog ay bigla akong nabalik sa wisyo. I need to studay para may maisagot ako mamaya. Kahit na sobrang lakas ng kabog ng puso ko ay lumapit padin ako sa table niya.

Yeah, yeah, ina-admire ko siya dati pa. 2nd year palang ako nang makilala ko siya. 1st year college siya that time, at palagi din siyang nandito sa library. Pero nung una ay mukha lang ang kilala ko sakaniya, hanggang sa ipakilala saakin ni Jhed na girlfriend niya si Mia, at dahil sobrang pabor ng tadhana saakin ay nalaman ko na kaibigan niya si Sopia. Sopi kung tawagin nila, pero para saakin ay mas bagay kung Pia.

"Pwedeng maki-upo?" tanong ko sakaniya.

Sandaling umangat ang tingin niya, natulala naman ako nang ngitian niya ako at tumango. Shet nginitian ako ni crush!

"Pwede, hindi naman saakin 'tong library." sabi niya.

Ilang minuto na kaming naka upo dito, hindi pa ako makapag focus pero nang mapansin 'yon ni Pia ay pinahiram niya saakin yung earphone niya dahil nakakatulong daw sakaniya kapag hindi siya makapag focus ang tugtog. And yes, gumana naman. Thanks to her at may naisasagot ako sa mga tanong ni maa'am.

After ng class ay sabay kami ni Jhed nag punta sa library dahil nandoon daw sila Mia, at pati si Pia. Kinakabahan ako dahi ito ang unang beses namin na magkakasama, withJhed and Mia. Baka asarin lang kami doon, knowing Mia na isang shipper. Kung kani-kanino ako shiniship.

Nang makarating kami sa library ay nandoon sila sa inupuan namin kanina ni Pia. Shocks baka hindi nanaman ako makapag focus. At bakit naman dito sila mag kikita e hindi naman mahilig mag basa itong dalawang 'to. Niloloko lang nila sarili nila.

Nag babasa sila pareho ng libro, napa angat lang ang tingin nila nang huminto kami sa tapat nila. Magkaharap sila ng upuan, naka upo si Mia sa upuan ko kanina. Agad namang umupo si Jhed sa tabi ni Mia, pero nanatili akong naka tayo. Hindi ko alam kung uupo ba ako o hindi.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon