Chapter 4

6 0 0
                                    

PIA



Parang nakakatakot tuloy mag mahal ulit.......buti nalang wala na sa plano ko. Nang tumahan na si ate Ella ay sabay kami umakyat sa taas at pumasok sa kanya kanyang kwarto, si Hiro ay nanatili sa kama ko katabi ko syang natutulog at buti nalang hindi nagigising. Medyo nahihilo narin ako kaya mabilis akong naka tulog.

Nagising ako dahil naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko, nag mulat ako ng mata at nakita ko si Hiro na buhat na ni ate Ella. Hindi pa nila napapansin na gising na ako kaya lumabas sila ng walang pasabe. Naririnig ko na ang ingay ng bunganga ni Celestine at Rian sa baba kaya naman nag ayos ako ng mukha bago lumabas. Bago ako tuluyang bumaba ay sumilip muna ako sa kwartong tinulugan nila, nakita kong tulog parin sina Moira, Shaun, at Mandi, bumaba narin ako pag katapos ko silang silipin.

Nakita kong nasa couch si Hiro kasama si Karl, si Rian at ate Ella naman ay nag hahain ng pag kain, si Codin, Jonalyn, at Ica naman ay naka upo sa sahig ng sala mukhang may pinapanood sa laptop. Tuluyan na akong bumaba at si Rian ang unang naka pansin saakin.

"Good morning, madam!"

"Good morning madam Pia, ang sarap higaan ng kama mo!" pabirong sabi ni Karl.

"True, malambot e!" pag sang ayon ni Jonalyn.

"Nag order ulit kayo?" tanong k nang makita ang dalawag bucket ng chicken at mga fries, burger, at spaghetti pa.

"Oo, walang kasawaang jollibee." sabi ni Codin.

"Pia kailan ang balik ni Sheila?" tanong ni Ica.

"Bukas ng hapon ata, bakit?"

Nakita kong nag tinginan sila, naka ngiti pa na parang may balak na masama. Ngumiti ng malawak si Jonalyn at lumapit saakin, naririnig ko ang pag tawa nina Karl, ate Ella at Rian. Hinaplos ni Jonalyn ang buhok na tila ay inaayos yun.

"Ang lambot ng buhok mo....parang higaan mo..." humagikgik sya. Samantalang ako ay naka taas na ang isang kilay.

"Pwedeng isang gabi pa?" sabi nya naa ikinatawa ng lahat ng mga kasama namin dito sa baba.

"Aba ang kapal! wala akong ipapa kain sainyo, diyos ko!" pabirong reklamo ko.

"Kami na nga bahala sa pag kain hanggang bukas ng umaga, tapos uuwi na kami." pamimilit nya.

Wala naman akong nagawa dahil hindi na ako sumagot, nang magising ang tatlong tulog ay saka kami nagsi-kain. Tulad kahapon ay maingay parin sila, kahit si Hiro ay nakikitawa at nakiki-ingay narin. Naka online ang accoount ko habang nakain ako kaya naman naramdaman kong nag vibrate iyon, message from Sheila. Agad kong binuksan ang chat nya saakin at nakita kong gusto nyang makipag video call dahill boring na boring na daw sya, kaya naman nang tumawag sya ay sinagot ko kaagad.

[ hello madam! ] sabi nya mula sa kabilang linya, nakita ko pang kumaway sya.

"Nasan na kayo?" tanong ko.

[ malayo pa, pero sure na bukas mga 2 pm nasa sakayan na kami.......teka nasaan kaba bakit ang ingay? ] bahagyang kumunot ang noo nya.

Binaliktad ko ang camera at agad na itinapat yun sa mga kasama ko. "Dahil sa mga aswang nato."

[ bakit mga nandyan yan? ] gulat na tanong nya.

"Kahapon usapan nila dito lang sila mag iinom....hanggang sa nagustuhan na nila dito at bukas na daw sila uuwi, kapal diba?"

Tumango sya. [ edi ubos stuck natin dyan? ] 

"No, nag o-order sila ng pag kain namin kaya naka hindi na ako ang nag saing....kaso kagabe sobrang dami kong sinaing at nilutong noodles." napa pikit ako nang maalala.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon