Chapter 17

8 0 0
                                    

PIA


Nang makarating ako sa harap ng puntod ni Peter ay agad akong bumaba, dala ang bulaklak na binili ko kanina. At dala rin ang picture naming dalawa, nakita ko yon sa kwarto ko kanina habang nag lilinis ako ng bahay. Picture namin yun noong nag celebrate kami ng 4th monthsarry namin.

Balak kong iwan yun sa puntod nya, sana lang ay hindi mawala. Sinulatan ko rin ng letter yun para kung sakaling liparin at may maka pulot, malaman nya kung gaano ko kamay ang lalaking nasa ilalim ng lupa ngayon at naka libing. Kahit na alam kong inilipat na sya at matagal nang agnas ang katawan nya.

Binaba ko ang bulaklak sa tabi ng lapida nya. Itinayo ko rin katabi nito ang picture namin na may letter sa likod bago kuhanan ng litrato. Nag picture rin ako kasama yon, pati narin ang langit ay kinuhaan ko ng litrato.

"Hello love, today is my last day here. Babalik na ako sa Manila, babalik na ako kay Grace. Hindi na kita mabibisita dito kasi malayo na ulit ako."

Tumingin ako sa paligid, iilan palang ang mga taong bumibisita sa sementeryo dahil sa maaga pa. Lahat sila ay may ngiti sa labi habang kinakausap ang puntod ng mahal nila sa buhay.

"Congrats me love, sanay na ako. Tanggap ko na, at malapit na akong maging okay. Soon, kaya na kitang ikwento nang hindi nakakaramdam ng sakit." mahina akong natawa.

"Kahapon niyaya ako nina dada na kumain sa labas, kahit na ayaw ako napilit ako ni ate Kat. Nag sorry silang apat saakin, pero hindi ako nag salita hanggang sa matapos akong kumain. Sinabi ko sakanila na hindi pa sila kayang patawarin, at hindi ko sila mapapatawad.

Naiintindihan mo naman ako diba? alam mo naman yung naranasan ko sakanila. Kahapon habang nag sasalita sila, hindi ako umiyak. Hindi ako umiyak kahapon kahit na marami akong nakitang umiiyak sa harap ko. Proud kaba saakin kasi hindi ako umiyak? 'di ba yun naman yung gusto mo dati pa man? Na wag akong iiyak, kasi sabi mo nasasaktan ka kapag umiiyak ako.

I miss you so much mahal ko, miss ko na kapag nilalambing mo ako. Pero wala tayong magagawa, ang magagawa ko nalang ay ang tanggapin ang lahat. Alam mo yung isang linggo kong pag i-stay dito ay sobrang saya? Isang linggo lang naman ang tinagal ko dito pero feeling ko isang taon na.

Parang hindi ko na kayang bumalik pa sa Manila, kaso hinihintay ako ng anak natin. Hinihintay ako ni Grace pati narin nila Sheila. You know Sheila? my bestfriend, kasama ko sya sa bahay ngayon. Si Kyla natatandaan mo pa ba? Grade 12 na sya ngayon, ang bilis diba? Parang dati lang kasa-kasama natin sya tuwing may date tayo." bahagya akong napatigil nang maramdaman ko ang nag babadya kong luha.

Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi, nang tuluyang pumatak ang luha ko. Pinunasan ko lang iyon at ngumiti ulit bago tumingin sa langit.

"Si Mia at Jhed, may anak na sila. Si Jhermia, kilala mo naman sya diba? Hindi naman ako na inform na close pala kayo. Ang cute nya kaya nung nakaraan habang kinakausap ka nya. Gusto kong magkita sila ni Grace, kailan kaya ang maganda time?

Gusto kong makilala ni Grace yung anak ng mga kaibigan ng mommy nya. Pati narin yung baby ni kuya Perseus, gusto kong mag meet sila. Ay saka pala, gustong gusto ma meet ni tita Beth at Tito Ryan si Grace natin. Siguro dadalhin ko sya dito kapag nag aaral na sya tapos dito ko sya pag aralin for two years tapos bumalik kami doon sa bahay. What do you think? nice hindi ba?

Si Mira, mag kasama na pala kayo dyan. Kamusta kayong dalawa? close ba kayo? Alagaan mo sya ha, baka kasi wala syang kakilala dyan. Wag nyong pababayaan ang isa't isa, mahal na mahal namin kayo."

Doon na tuluyang maging mala ulan ang luha ko, hindi ko na matigil ang pag bagsak kahit pa na anong pag tigil ang gawin ko. Siguro masaya lang ako? wala kasi akong maramdam na bigat, wala akong maramdamang sakit.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon