Chapter 18

9 0 0
                                    

PIA

"Payagan mo akong gustuhin ka Pia, please."

Puno ng pagsusumamo ang mata niya, seryoso at sinsero ang mukha niya. Lahat ng ppang-aasar sa katawan ko ay biglang nadala ng hangin at napalitan ng pagiging seryoso. Pero imbis na salita ang lumabas sa bibig ko, isang malakas na tawa ang napakawalan ko.

"Pasado ka nang actor, sige na pasok ka na!" natatawa kong sabi at tinuro-turo pa siya.

Matapos humupa ng tawa ko ay maayos kong nakita ang mukha niya, natigilan ako nang makita may luha tumulo roon at pulang pula ang buong mukha niya. Naka ramdam ako nang guilt dahil hindi ako manhid at alam ko kung anong dahilan ng reaksyon niya.

Mag sasalita na sana ako nang naunahan niya ako.

"Sinabi mo nalang sana na mahal mo pa si Peter kesa tinawanan mo ako." matapos niyang sabihin 'yon ay mabilis siyang nawala sa harap ko.

Hindi ko na siya hinabol pa dahil nahihilo narin ako dahil sa alak. Pag balik ko sa kinauupuan ko kanina naabutan ko doon sina Sheila at Moira kasama si Mrs. Olivia, pero sabi niya ay Olivia nalang ang itawag namin sakanya kaya ayon, feeling close ang mga babaita.

Nang makita nila ako ay tinanong nila ako kung saan ako galing dahil kanina pa pala nila ako hinahanap, sinabi ko na nag libot lang ako dahil na bo-boring ako. Ayaw ko kasing sabihan ang totoo dahil paniguradong aasarin lang nila ako.

"Ano kayang nangyari kay Karl?"

Tatlo nalang kami dito dahil nag paalam na si Olivia na aalis na raw siya dahil kailangan na nilang mag asawa na umuwi dahil hinahanap na sila ng anak nila. Bigla nalang naisingit ni Moira ang tanong na 'yon sa gitna ng pag uusap namin.

"Bakit, anong nangyari?" tanong ko.

"Umalis kasi siya tapos kay sir Allen lang siya nag paalam, sobrang pula ng mata niya tapos nilagok niya pa yung tequila. Tapang niya, hindi ko kaya 'yon." nangangasim ang mukha ni Sheila.

Halos mag mamadaling araw narin nang maka uwi kami ng  bahay, ako ang drive saamin tatlo dahil hindi naman ako lasing tulad ng dalawang kasama ko. 

Nagising ako nang may kumatok sa kwarto ko, nang buksan ko ay si Ania. Alas otso na pala ng umaga, tapos na silang kumain nina Grace kasama ang tatlong bata. Matapos kong mag ayos ay niyaya ko naring kumain ang dalawa, at tulad ng iinaasahan ko ay napamura sila sa sakit ng ulo. Mga napapala ng masyadong uhaw sa alak. Nag hain ako ng pagkain sa lamesa habang hinihintay sila, hindi naman nag tagal dahil sabay rin silang pumunta dito sa kusina para kumain.

Since linggo ngayon ay napag desisyonan namin na pumunta sa park para makagala kahit papaano si Grace. Mamaya ay pupunta dito si Samuel para sunduin kami gamit ang van na hiniram niya sa kapatid niya. Lahat kami kasama kaya van ang dinala ni Samuel. Matapos naming kumain ay saktong dumating si Samuel, nang makita naman siya ni Grace ay akala mo siya ang girlfriend, kung maka tili akala mo teeenager na kinikilig dahil nakita ang crush niya.

Papa narin ang tawag niya kay Samuel, kaya naman itong si Samuel ay tuwang tuwa kay Grace. 1 pm palang, kakatapos lang namin kumain. Lahat ng tao sa bahay ay nasa kaniya kaniyang kwarto. Kakatuloog lang ni Grace, habang ako naman ay nag i-scroll sa facebook. Ang tatlong teen naman ay nasa malaking kwarto na madalas nilang tulugan tuwing nandito sila sa bahay, si Añia as usual nasa kwarto niya. si Moira ay nasa kwarto niya sa baba which is yung kwartong pinag tulugan dati nina nanay Sali, at si Sheila ay nasa kwarto niya kasama si Samuel. Kakakita ko nga lang ng fb story niya, picture nilang dalawa ni Samuel sa kwarto niya.

Kanina pa ako nakaligo at nakahanda narin ang damit na susuotin namin ni Grace para mamaya, oras nalang talaga ang hinihintay namin. Nang mag saktong 2:30 ay nag simula na akong mag ayos. Nag double check lang ako sa bag ko at sa bag ni Grace para masiguradong wala akong makakalimutan.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon