Chapter 16

10 0 0
                                    


PIA

"Hoy kayong dalawa, umupo na kayo!" natigil ang pag uusap namin ni Jurin nang tawagin kami ni Mia.

Hawak kamay kami ni Jurin na nag lakad papalapit sakanila at umupo narin sa picnic mat. Nakipag palit naman ako Miesha ng pwesto para mas maging malapi ako kay Peter. Hinaplos ko ang lapida nya at hinalikan narin.

"I miss you so much, mahal ko." sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang lapida nya at maliit na ngumiti.

"Hindi ko alam na close pala kayo ni Jhermia. Kinuha ka parin nilang ninong, kahit ako kinuha nilang ninang without our permission." mahina akong tumawa. Narinig ko ding natawa ang kasama ko.

"Pero atleast diba? hindi nila tayo kinalimutan."

Napapikit ako nang maramdaman ko ang hangin na magaan na humampas sa balat ko, si Peter masaya sya. Mahina ko lang syang kinakausap ng halos 20 minutes hanggang sa napunta ang atensyon ko kay Miesha.

"Alam ko kung gaano ka kamahal ni Peter, nararamdaman ko kasi kahit wala na sya alam ko na nararamdaman mo sya minsan." sabi nya habang naka titig sa lapida ni Peter. May naka paskil din na ngiti sa labi nya. Napunta rin sa akin ang tingin nya at ganon nalang ang gulat ko nang makita kong may namumuong luha sa mata nya.

"I'm proud because you're my friend. Imagine, halos lahat tayo sa first love bumagsak," but i was not. "At proud ako kasi my friend is worth to love, nonsense." sabi nya kaya natawa kami.

Totoong minsan ay nararamdaman ko si Peter, lalo na nung mga panahong ginagawa pa lang ang bahay ko, pati narin noong makalipat na ako sa sarili kong bahay.

Everytime na iiyak ako, kahit na ako lang mag isa ay nararamdaman kong may yumayakap saakin. Feeling ko may pumupunas ng luha ko, feeling ko hinehele ako kapag tumitigil ako sa pag iyak. That time, i can still feel his presence. Always, kapag kakain ako at wala naman talaga akong gana, parang laging may bubulong saakin na kumain at alagaan ko ang sarili ko. At kapag matutulog ako, parang may yumayakap saakin at hahalikan ako sa noo tulad ng laging ginagawa ni Peter saakin noon.

At tuwing nananaginip ako, lagi syang laman. Noong unang araw ko sa trabaho, bago pa man akong magising ay nag karoon ako ng maikling panaginip kung saan nandoon si Peter. Sinasabihan nya ako ng mga salitang nag bibigay saakin ng dahilan para mag simula ng panibagong buhay, at bumangon hindi man para saaming dalawa, kundi para naman saakin mag isa.

Sa panaginip ko, lagi nyang sasabihin na 'Go love, fighting!' tulad nalang ng lagi nyang sinasabi saakin tuwing lumalaban ako ng contest. 'Goodluck, mahal!' tuwing araw ng exam. At huli ay ang 'I love you so much, Pia ko.' tuwing nilalamon ako ng antok.

Pero noong naging masaya ako kasama si Sheila, nakasama ko ulit si Kyla, at noong dumating saakin si Grace, halos minsan ko nalang sya mapanaginipan at maramdaman pero kahit saan ako mag punta, alam kong binabantayan nya ako.

Naiyak ako tuwing naaalala sya, pero dahil nalang yun sa saya dahil sobrang swerte ko sakanya. Hindi tulad dati na sinisisi ko ang sarili ko, nasasaktan ako, at nag luluksa ako. Simula nang pumunta ulit ako dito, mas lalong gumaan ang loob ko at mas naging maayos ako.

Marami mang nag bago, pero marami pa ring katulad ng dati. Maganda parin ang lugar na 'to, ito parin yung lugar kung saan ako pinanganak at lumaki. Dito ko nakilala ang mga kaibigan ko, lalong lalo na ang lalaking pinakamamahal ko.

"Ang strong naman ng pagmamahal nyo sa isa't isa, sana maging ganyan kami ka strong ng asawa ko." si Jurin.

"Two"

"Three!" sigaw ni Miesha at Mia.

Bigla namang may sumagi sa isip ko, hindi ko parin alam kung saan naka libing ang kaibigan ko. Agad king hinarap ang tatlo na ngayon ay kanya kanya na ng usap.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon