Chapter 2

7 0 0
                                    

PIA

I know it's her, it's Kyla! Anak sya ng kuya ko. Pero teka, bakit andito sya? Eh taga Pampanga kami ah i mean sila. Habang naka titig ako sakanya ay bigla naman syang lumingon sa direksyon ko. Pero feel ko hindi nya ako nakilala.

"Pia!" nagulat ako dahil biglang sumigaw si Sheila.

"bakit kaba sumisigaw?" iritang tanong ko sakanya.

"ayaw mo akong pansinin, para kang timang 2 minutes nalang mag 9 na wala ka pa bang balak pumasok?"

Agad kaming napatakbo dahil ayaw naman naming malate. Halos hingal na hingal kami nang makarating sa office, na late pa kami ng 3 minutes dahil sa kagagahan ko. Kita kong medyo naiirita narin saakin si Sheila pero masisisi nya ba ako? Hay na ko tama na nga?

Buti nalang at busy ang lahat kaya walang nakapansin sa pag pasok namin, medyo na di-distract ako dahil sa mga iniisip ko pero naka abot naman ako sa break time. Nagulat pa nga ang iba naming kasamahan nang makita kami, pero sabay sabay parin kaming bumaba papunta ng cafe. May naka pansin siguro sa iniisip ko kaya bigla akong kinalabit ni Rian.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, ano bayan?"

"ah wala to."

"damot mo makiki chismis lang eh."

Tinawanan ko lang sya. Lahat sila ay napatayo nang may pumasok sa cafe, si sir Allen may kasama syang babae. Magandang babae, makinis na kutis, maputing balat, makinis na mukha, magandang labi at kilay, matangos na ilong, mapungay na mata, magandang korte ng katawan, at babaeng may katangkaran, Perfect. Lumapit sila sa amin, naka akbay ang braso nya sa braso ni sir Allen may magandang ngiti sa mga labi nila.

"Hi everyone." bati saamin nung babae.

"Hello ma'am Alee, sir Allen." sabi nung isa naming ka-trabaho.

"looking good ma'am Alee ah." sabi ni Sheila.

"as always." sabi ni sir Allen, kaya napa tili nalang sila.

Habang nag tatawanan sila ay naka titig lang ako kay ma'am Alee daw? Napapangiti nalang din ako habang naka tingin sa magandang babae sa harap ko, bigla nalang akong napa iwas nang biglang mapadpad saakin ang paningin ni ma'am Alee. Ngumiti sya at bahagyang lumapit ng kaunti sa pwesto ko.

"Ikaw yung bago?"naka ngiting tanong nya.

Tumango ako.

"so..... welcome to the club!"

Nag palakpakan silang lahat, puno ng sigaw, 'yehey' at ng mga ngiti. Ang sarap sa feeling. Tumingin ako kay ma'am Alee na ngayun ay naka tingin din saakin habang ngingiting ngiti.

"salamat ma'am Alee." i smiled at her.

"always, girl." biglang nyang itinaas ang kamay nya kaya natahimik ang lahat. "free ba kayo mamaya pag ka out nyo?"

"bakit ma'am?"

"let's celebrate!" at muli nanaman silang nag hiyawan.

Maya maya lang din ay naiisipan na namin bumalik sa opsina dahil kailangan pa naming tapusin ang mga trabaho namin. Habang nag lalakad kaming dalawa ni Sheila ay hindi ko napigilang mag tanong.

"Hoy Sheila."

"oh bakit?"

"ganon ba talaga si ma'am Alee?"

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon