Chapter 29

9 0 0
                                    

KARL

Lunes ngayon, balita ko ay may bago nanaman kaming katrabaho mamaya. Lumalaki na talaga ang pamilya! Sigurado neto ay may party nanaman. 8:30 na ako umalis dahil walking distance lang naman ang building, pero may sasakyan naman ako kaya saglit lang bago ako makarating.

8:38 ay nasa office na kaagad ako. Nandito na sila ate Ella, si Jona, Moira, Rian, Mandi, Celestine, Shaun, Ivan, Ica, Codin, at si ate Elaine. Maya maya pa ay pumasok nadin si Sheila, at may kasama siyang ba...magandang babae!

Sakto lang ang katawan niya, medyo mahaba ang buhok, maputi, at m-magandang mukha! Ngumiti siya saamin, nang mag tama ang tingin naman ay halos nahigit ko ang hininga ko. Madaming magaganda sa office pero kakaiba ang ganda niya.

"Guys attention! This is Pia, bagong proofreader, i welcome niyo siya!" sabi ni Sheila habang nasa gitna sila ng office.

Isang oras na kami mahigit nag uumpisang mag trabaho pero na di-distract ako dahil kay Pia. Ang ganda niya, as in. Mahinhin pa, nang mag break na ay sabay sabay kaming lumabas papunta ng cafe. Close sila ni Sheila, sila din ang magkasama sa table ngayon.

Gaya ng inaasahan ko ay nag pa-party si ma'am Alee. Napansin ko na hindi malakas uminom si Pia, hindi din siya masalita kapag may nag sasaya. Nakatingin lang siya habang ngiti, wala sa sariling napangiti ako nang patuloy ko siyang pag masdan.

Natigil lang 'yon nang kalabitin ako ni Moira. Kinausap niya ako sa ibang mga bagay, minsan ay sumasagot ako habang nakatingin kay Pia. Nang lubayan na ako ni Moira ay si ate Elaine naman ang nanggulo saakin.

Gabi na nang matapos ang party namin, sinusundan ko ng pasimple si Pia habang nag lalakad siya papunta ng sakayan.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, naging close kami ni Pia gaya ng gusto kong mangyari. minsan ay pumupunta kami sa bahay nila at doon natutulog. Naiinggit ako kay Sheila dahil doon na siya nakatira sa bahay ni Pia.

Pero yung nakakatulog ako sa bahay niya ay sapat na. January 2009,  may iniwang bata sa labas ng bahay niya, kung saan saan nila nilapit 'yon, nagbabaka sakali na kukunin ng magulang. Kaso walang nag pakita na kahit sino.

Tuluyang kinupkup ni Pia ang bata, siya din ang naging legal na magulang niya, si baby Grace. Pinabinyagan niya din ito at ginawa kaming ninong at ninang.

Nalaman ko din ang naging past niya. May boyfriend siya, pero namatay 'yon nung 6th anniversary nila. Muntik na silang mag engage pero hindi natuloy. Wala kaming alam sa totoong dahilan ng pagkawala ng boyfriend niya. Nalaman din namin na hindi talaga siya taga dito sa Taguig, hindi din Pia ang totoo niyang pangalan.

At nalaman ko din na, hanggang ngayon ay mahal, mahal na mahal niya padin ang boyfriend niya kahit matagal na itong wala. May parte sa akin na medyo nasaktan sa nalaman, at may parte din na naiintindihan ko siya.

Halos dalawang taon kong tinago ang nararamdaman ko sakaniya. Lagi kong tinatago ang saya ko kapag nagkakausap kami, pag nagkakasana kami. Marami akong natutunan tungkol sakaniya. Lagi ko lang siyang binabantayan, kasama na ang anak niya.

Masasabi kong sobrang alaga ni Pia sa anak niyang si Grace. Halos ibigay niya dito ang buong mundo, plus sobrang mahal pa siya ni Sheila. Naging sobrang lapit ni baby Grace saakin. Magalang at matalino, katulad ng mama niya.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, pero ang mata ni Pia ay kuhang kuha ni Grace. Hindi ko naman siya pinag dududahan, kasi matagal na kaming mag kasama at ngayon lang dumating si Grace sa buhay niya, sa buhay namin.

Bukod kay Sheila at Grace, dumating din sa buhay niya ang pamangkin niya, actually mas nauna pa nga si Kyla dumating kesa kay Grace. Nalaman ko na pamangkin niya ito, at ito ang nakakasama nila dati ng boyfriend niya kapag nag de-date sila. Gaya ni Pia, matalino at mahinhin din si Kyla.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon