Special Chapter 2

3 0 0
                                    

MOIRA

Isang linggo na akong halos hindi gaanong makatulog. Nakakainis, isang linggo na din kasi ako binabagabag ng nararamdaman ko. Paano ay ginawa ba naman akong instant delivery girl ni Karl. Paano ay nagkalabuan pala sila ni Pia kaya ayun, saakin niya pinapadala 'yung mga gusto niyang ibigay kay Pia.

Nasasaktan kasi ako, pero kaibigan ko si Pia. May utang na loob ako sakaniya dahil tinanggap niya ako sa bahay niya. Pero una kong nakilala si karl, una ko siyang nagustuhan. Pero alam ko sa sarili ko na hindi niya ako kailanman nakita bilang higit sa kaibigan.

Pero may kaonting hope pa din akong nakikita simula noong nagkalabuan sila ni Pia, which is mali. Kasi nag te-take advantage ako sa nangyayari. Nakokonsensya ako, bilang kaibigan ni Pia, nagagawa ko siyang pasikretong pagtaksilan. I hate this feeling.

Katatapos lang ng pasko at sobrang nakakaenjoy na kasama sila Pia mag celebrate ng ganitong okasyon. Kaso nakakabother 'yung nararamdaman ko. Mali kasi talaga.

Agad kong inalis 'yong sa isip ko at tumayo na ng higaan. Maingat akong lumabas ng kwarto ko at pumunta ng kusina para uminom ng gatas para makatulog. Nagulat pa ako nang may marinig na nag uusap sa loob ng kusina. Doon ay nakita ko si Sam at Sheila na kumakain.

Talaga, madaling araw? Siguro dahil nanaman 'to sa paglilihi ni Sheila. Kahapon kasi nag patingin na si Sheila at lumabas na positive siya at three weeks pregnant sa triplets. Nag propose din si Sam kay Sheila kahapon, kaya sobrang saya dito.

"Oh Moira, gising kapa?" si Sam ang unang nakapansin saakin.

"Yes, hindi ako makatulog. Anong pinaglilihian mo?" sabi ko habang papalapit sa pwesto nila.

"Boiled egg, with toyo. And tinapay with vanilla ice cream." nakangiting sabi ni Sheila habang binabanggit ang pinaglilihian niya.

Napatango lang ako at nag timpla na ng gatas. Tahimik lang ako at hindi na pinakinggan pa ang pinag uusapan ng mag fiancé. Masyado kasing occupied ang isip ko.

Tama pa ba 'to? I'm old enough, alam ko na ang tama at mali. Pero kaya ko lang naman 'to ginawa kasi gusto kong makatulong kay Pia at Karl, pero hindi ko naman naisip na muli kong mararamdaman 'yung dati kong nararamdaman kay Karl.

Matagal ko 'yung binaon sa limot mula palang noong nanligaw siya kay Pia, pero pilit ko 'yung isinasantabi kapag nandito ako sa bahay ni Pia. Pero hindi ko mapigilan na maging masaya sa tuwing magkasama kaming dalawa ni Karl.

Lumipas ang mga araw, nandito ako sa cafeteria ng building. Nagpahuli ako dahil gusto kong mag isip isip, nababaliw na ako sa daming isipin. Should i stop this? Tama naman 'tong gagawin ko. Kahit na sikreto akong masaktan, at least hindi ko masasaktan si Pia.

Hindi din masasayang 'yung halos limang taon na pagkakaibigan namin ni Karl. Yes, ititigil ko na 'to.

Mag lalakad palang sana ako palabas pero natigilan din nang may isang malakas na kamay ang humila sa braso ko.

"Karl?"

"Kamusta si Pia? Hindi mo ako tinext mula pa nung nakaraan. Anong nagyari?" tanong niya. Bahagya pang nakakunot ang noo.

"W-wala. She's doing fine, huwag kang mag alala."

Saglit siyang natahimik. Napansin kong may tinitignan siya sa labas ng café, hindi ko na sinubukan pang tignan kung ano o sino 'yon. Dahil alam ko naman.

"Bukas mag kita ulit tayo sa mall, may ipabibigay ako." hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na mag salita dahil mabilis siyang umalis.

Napahampas ako sa noo ko. Ano bang pagsubok 'to lord? Bakit naman ganito kahirap? Lutang ako buong work hours. Hanggang sa makauwi ako ng bahay kasama sila Pia.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon