Chapter 11

6 0 0
                                    


PIA

Nagising ako dahil sa malambot ng sabi ng humalik sa labi ko. Nang tignan ko kung sino 'yun ay napangiti ako ng malawak. Literal na Goodmorning 'to dahil sa magandang nilalang na nasa harap ko.

"Mommy!"

"Goodmorning, baby ko..." bati ko kay Grace na ikinahagikgik nya.

Niyakap ko lang sya ng ilang segundo bago sya binuhat papunta ng banyo. Ginawa lang namin ang morning routine namin bago kamo bumaba na sa kitchen dahil paniguradong kakain na.

Gaya ng inaasahan ay nandoon na nga sila at kami nalang ang hinihintay. Hindi naman nila kami napansin dahil busy sila sa pag uusap-usap, halata pa nga sa mga mukha nilang excited na excited na sila.

"Mama!" sigaw ni Grace na nakapukaw ng atensyon nilang lahat.

Ngiti naman ang isinalubong ni Sheila kay Grace nang kuhain nya ito mula saakin. Umupo narin ako dahil damang dama ko na yung gutom. Binati naman nila ako at ganon din ako sakanila.

Masayang masaya silang lahat habang nakain kaya naman napapailing nalang ako sakanila. Sarap sa feeling na may napapasaya kang tao sa maliit sa paraan. Sana itong ngiti at saya na ito ay hindi mawala sa mga labi nika hanggang sa susunod pang araw, linggo, buwan, at taon.

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa nangyari sa nakaraan dahil ayun yung naging daan para maranasan ko 'to. Yung makawala sa puder ng mga taong nagpapahirap saakin, yung makawala sa dilim ng nakaraan. Pero may onting hinayang dahil sa tatlong taong nawala saakin.

Pero ayos narin iyon, tanggap ko narin naman dahil ang ang dapat. Hindi ko magiging masaya kung hindi ki tatanggpin at kakalimutan ang lahat. Baka habang buhay nalang akong kainin ng sakit at pagsisisi. Nagpapasalamat ako kay dada na hindi nya ako pinili, dahil kung hindi ay baka hindi na ako nagkaroon pa ng dahilan para lumayo sakanila.

Baka kasi pag bigla akong umalis o lumayo, ay ako pa ang mag mukhang masama. Kaya iyong nangyari noon, kahit na naging mahirap at naging masakit para saakin. Kahit na ilang litro ng luha ang nailabas ko, kahit na ilang beses akong nasaktan, naging maganda naman ang bunga para saakin.

Itong pangalawang buhay ko, ang lagi kong ipagpapasalamat sa isang taong nagligtas saakin sa bingit ng kamatayan, walang iba kundi kay Jezabelle. Kung hindi naman dahil sakanya ay siguro hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na maging masaya sa pangalawang pagkakataon. Siguro hindi na ako nag karoon ng pangalawang taong na mabuhay, hindi ko na sana nakilala si Sheila at ang iba ko pang katrabaho.

Pero kung hindi ako niligtas ni Jezabelle, siguro kasama ko na sina mommy, tita, at Peter. Pero kahi na ganon, ay hinding hindi ko isisi kay Jezabelle kung hindi ko na nakasama sila. Siguro ang isisisi ko nalang sakanya ay sya ang dahilan kung bakit malakas, masaya, at kontento na ako ngayon.

Sana mag karoon ng himala, at magkita kami. Ulit, para makapagpasalamat ako ng mas maayos sakanya. Sana paglaruan ang daan namin dalawa ni tadhana, sana gumawa sya ng paraan para magkita kaming dalawa.

"D'yan ka muna kila kuya Hiro, baby Grace ah."

Nandito kami ngayon sa bahay nila ate Ella dahil dito namin iiwan si Grace. Naabutan pa namin ang asawa nya na si kuya Lourence, hindi maipagkakailang anak nya nga si Hiro dahil kahit anong anggulo ay sobrang magkamukha sila.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon