Katapusan

1.2K 45 9
                                    

NOONG araw na iyon ay tinanggal na ang benda sa ulo ni Jairuz. For two years, dalawang beses inoperahan ang utak ng lalaki at himala na nakayanan niya ang maselang surgery. Ang matinding hangarin niyang mabuhay at makabawi sa pagkakasala niya sa kaniyang mag-ina ang nagtulak sa kaniyang huwag bumitaw.

Kung may isang bagay siyang natutunan sa masalimuot na mga naganap sa buhay niya, iyon ay ang huwag sumuko pagkatapos ng pagkakamali. Hindi pwedeng sumuko. Hindi pwedeng talikuran ang pagkakasala. Kailangan itong harapin, pagbayaran at pandayin ang sarili para hindi na muling magawa ang kasalanan.

"Pwede ka na bang magtrabaho? Baka mabinat ka niyan," komento ni Oshema na lumapit sa kaniya habang pinipirmahan niya ang mga papeles na dinala ni Roelle mula sa MA International.

"Pipirmahan ko lang naman ang mga ito. Roelle reviewd the documents first hand before bringing them here for signatures."

Naupo ang asawa at marahang hinaplos ang sariwa pang peklat ng operasyon sa ulo niya. Walang buhok ang part na iyon.

"Pangit bang tingnan?" Hindi pa niya nasisilip iyon sa salamin.

"Ikaw pa rin ang pinakaguwapo para sa akin." Ngumiti nang matamis si Oshema at hinagkan ang peklat. "Tumawag si Yzack kay Mama, nakakulong na raw sa Japan si Dr. Jaruna. Si Mikah naman, pinayuhan na mag-bed rest. Mahina raw ang heartbeat ng bata at fifty-fifty kung mag-survive hanggang nine months. Dahil siguro sa stress niya. Kawawa naman ang baby."

Buong pagmamahal niyang tinitigan ang asawa. He is certain now why her memory in his heart remained untouchable. Her kindness is bigger that any of them, she is a gentle woman, a strong one, and he is ashamed to have been the kind of husband she can't rely because of his foolishness.

"Ang sabi ni Lyam kailangan mong umiwas muna sa mga bagay na magbibigay ng pagod sa utak mo. Kapag relax daw ang isip mo, kusa nang babalik ang iyong alaala. Hindi lahat pero isa-isa mong matatandaan ang mga nangyari noon, simula sa pinaka-simple hanggang sa komplikado. Hindi mo raw kailangang pilitin ay hayaan lang ang panahon na tulungan ka, kasabay nang lubos mong paggaling."

"Just tell me what I should do, susundin kita. I'm at your mercy, Oshema."

"Hindi rin makatutulong kung papairalin mo ang guilt. The best way to redeem yourself is fix yourself first before trying to fix those people around you. Tama na muna iyan, magpahinga ka na."

"Okay, by the way, I asked Roelle for the documents of our second wedding in civil. Pagkatapos niyang ayusin, magpapakasal na tayo agad."

"Sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Unahin muna natin ang dapat. Ang dami mo na namang iniisip. I-relax mo muna iyang utak mo."

"Sorry, my bad." Itinabi na niya ang mga papeles at muling nahiga. Inayos ni Oshema ang kaniyang kumot at hinalikan siya sa noo.

"HAPPY BIRTHDAY!" Pang-sampung beses na yatang bati iyon ng lasing na si Darren kay Jairuz habang nakataas ang bitbit na wine glass at nakaakbay sa kaibigan.

Natatawa na lamang si Oshema habang pinanonood ang dalawa. It's been two months since Jairuz went out of the hospital. He's still in the process of fully recovering his health. Kaarawan nito ngayon. Bilang pasasalamat, isang engrandeng party ang hinanda nila sa mansion para rito.

Sa pinakamalawak na garden ginanap ang party. Gumawa ng make-shift ball room at stage ang event organizers para magmukhang party hall ang buong venue na nakagayak ayon sa tema ng garden party.

Everyone is there. Their friends from Martirez. Her friends Michelle and Marian together with their families. Vanessa and her friends. Her former basketball team. Sina Yzack at Akira ay umuwi rin. Higher ups from MA International and Ragnarok and some employees of both are there also. Celebrating with them.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon