SA LABAS ng isang convenience store hinihintay ni Joul ang kaibigang si Darren. Habang nakayukyok sa manibela ng inangkasang sports model na motorsiklong nakapark sa shoulder ng highway, naligaw ang paningin niya sa hospital na nasa kabila.
Napaunat sa pagkakaupo ang binata nang mahagip ng tingin ang babaeng umiiyak na lumabas ng exit gate.
It is her...hindi siya pwedeng magkamali. Si Oshema ang babaeng iyon. Bumaba siya ng motorbike at tumawid sa kabila. Sinundan ang babae. Wait! What is he doing? Why is he following her? Wala siyang pakialam sa babaeng iyon. Pumihit siya pabalik pero agad ding huminto at napakamot sa batok.
"Ahhh...shitt..."
Habang lakad-takbo ang ginawa ni Oshema sa mahaba at maalikabok na sidewalk na nilalandas niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi alintana ang usok at magulong lansangan, ang mga taong nakatingin at nagtataka kung bakit siya lumuluha.
Galit siya sa sarili niya. Galit siya dahil hindi niya masabi ang totoo sa kanyang mga magulang. Galit siya dahil kahit siya na ang nasaktan, siya pa ang lumalabas na masama. Galit siya dahil hindi siya maintindihan ng mga mahal niya sa buhay. At galit na galit siya dahil patuloy pa rin niyang hinahangad na protektahan ang damdamin ng mga ito kahit wasak na wasak na ang puso niya.
Gusto niyang lumayo. Tangayin ang sarili sa dulo ng mundo. Saan ba iyon? Sana may makapagturo sa kanya. Tumawid siya sa kalye. Hindi pansin ang rumaragasang taxi na parating. Mabuti na lamang at may humapit sa kanya mula sa likod saka nito sinigawan at minura ang driver ng taxi.
"Fuck! I'm gonna kill you, asshole!"
Napasinghap siya. Nahimasmasan. Nilinga niya ang lalaking nasa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata at nawalan ng kulay ang mukha niya. Ang estranghero! Walang imik na binitawan siya nito at umurong. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Gusto na niyang maglaho na lang na parang bola sa hangin.
Tinalikuran niya ang lalaki at patakbong tumawid sa highway. Tinungo niya ang hagdanang semento pababa ng sub-way. Ngunit sa kalagitnaan ng hagdan ay biglang umikot ang paningin niya at nagdilim ang kanyang paligid. Tuluyang tinakasan ng lakas ang kanyang mga tuhod at bumagsak siya.
Maagap namang nasalo ni Joul ang babae. Pinangko ito ng binata at nagmamadaling dinala pabalik ng hospital.
"Sigurado kayo na okay lang siya?" Tanong niya sa doctor na sumuri kay Oshema. Hindi pa rin nagigising ang babae.
"Walang dapat ipag-alala sa kanya. Malamang napagod lang siya ng husto. Pagkagising niya magiging maayos na siya." Assurance ng doctor.
Tumango na lamang ang binata. Sinulyapan niya si Oshema na nakahiga sa hospital bed. Nababasa niya sa hapis nitong mukha ang kalungkutan at kung anumang paghihirap ang kasalukuyang pinagdadaanan nito ngayon. Alam niyang malaki ang naiaambag niya sa pinapasan nito ngunit magsisi man siya huli na. Hindi na maibabalik pa kung anuman ang nawala rito.
Nagpaalam ang doctor at lumabas. Lumapit siya sa bed. Banayad niyang hinaplos ang pisngi nito at hinawi ang mga hibla ng buhok na dumikit roon. Idinilat nito ang mga mata at mula roon ay umagos ang masaganang mga luha. Gising na pala ito at nakikiramdam lang. Binawi niya ang kamay at umurong.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"O-okay na ako." Bumangon ito. Hinubad ang suot na hospital dress. Iniwas niya ang paningin. Pagkatapos magbihis ay tinungo nito ang pinto.
Humabol siya rito. "Teka lang, kaya mo na ba? Baka mamaya mag-collapse ka na naman sa kungsaan." Pigil niya sa babae.
"Please, just leave me alone. Salamat sa tulong mo pero kaya ko ang sarili ko." Nasa boses nito ang pagsumamo.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomanceOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...