Mabilis ang pagbaba ng oras. Kasing-bilis ng pagsungaw ng buwan mula sa maulap na langit nang yakapin ng dilim ang kalikasan at pansamantalang ikinulong roon gaya ng katotohanan na pilit niyang iningatan at ngayon ay hinayaang makalaya.
Ang katotohanan ay nagpapalaya pero hindi lahat ng kalayaan ay nakakamit ng walang kabayaran. Minsan sa bigat ng naging kapalit ay mas nanaisin mo na lamang na manatiling nakakulong sa sarili mong reyalidad kaysa maghangad ng kalayaan sa mundong hindi batas kundi puso ang tanging makapagbibigay ng patas na timbang.
Matapos ang mahabang deliberasyon ng mga guro at ng parents association, ipinatawag ulit sina Oshema, Joul at Vanessa. Hati ang opinyon ng mga guro gayundin ang mga magulang. May mga nagsasabing expulsion ang nararapat na parusa para kina Joul at Vanessa. Termination of contract naman para kay Oshema.
Nagbigay sa kanya ng sobrang pangamba ang malaking posibilidad na mapatalsik ang binata sa eskwelahan. Lalo na at nalaman niyang hindi tiyak kung tatanggapin ito ng ibang school kungsakali mang lumipat ito dala na rin sa naging delinquent history nito nang dumating sa Martirez.
Kapag sumang-ayon ang majority ng mga guro at magulang sa expulsion, papaano na ang pag-aaral ni Joul? Paano ang kinabukasan nito? Masisira iyon dahil sa kapabayaan niya. Dahil nagpadalos-dalos siya at hindi ito hinayaang ayusin ang problema kay Vanessa sa sarili nitong paraan.
Gusto ng tumulo ng luha niya dahil sa sobrang sama ng loob sa sarili. Panakaw niyang sinulyapan si Joul na kalmadong nakaupo sa tabi ni Vanessa sa kabilang dako. Pilit itong kinakausap ng dalaga. Pero tahimik lang ito habang nakatuon ang atensiyon sa hawak na cellphone.
Hinagod niya ito ng masuyong titig. He's wearing his school uniform again differently. With the necktie out, three first buttons are open and sleeves rolled up just below his elbows, uncaring the proper dress code a typical student should follow. He loosen up himself on the seat and tossed a quick glance in her direction. Nakaupo siya sa hanay ng mga kapwa niya teachers.
She pursed her lips when their eyes met. Then his lips cast a shadow of smile making her heart leapt. Nahihipnotismo na naman siya rito.Ang luhang nagbabantang sumungaw sa kanyang mga mata ay umurong pabalik. At rumagasa ang alaala ng ginawa nila kahapon sa opisina ng school president.
That was like a continuation of their storm tryst but more intense and ecstatic. They've even pulled an all-nighter that she lost count of how many times they repeatedly did it. Yet, every time he had her, he did something new she hadn't thought could be possible. And she kept learning. Overwhelmed by his expertise and frustrated at the same time wondering who and where did he learned all that prowess. Although, nakokonsola naman niya ang sarili sa paniniwalang baka sadyang magaling lang talaga ito sa lahat ng ginagawa nito. That includes the area of pleasuring his girl. One look at him and you will know he is lethally good at that. Tingin pa lang nito ay may kakayahang ilipad ang kaluluwa niya sa langit.
"Shem, are you okay?" Siniko siya ni Miriam na katabi niya ng upuan.
Tarantang binawi niya ang mga mata at ibinaling sa kaibigan. " I-I'm okay." Tumuwid siya ng upo.
"I know he is awfully hot and good looking pero nakakahiya naman kung pati dito maglalaway ka sa kakatitig sa kanya." Tonong nanunukso ito na may bahid ng kunting katotohanan.
Tumikhim siya. Nag-apoy ang mukha sa kahihiyan. "Hindi ako naglalaway." Bahaw na depensa niya. At least that one is factual. Hindi siya naglalaway. Hindi pa.
Miriam giggled. Napatingin tuloy sa kanila ang iba pa nilang mga kasamahan. Napapikit na lang siya dahil alam niyang pati ang parents officers ay nakatingin din sa kanila, lalo na sa kanya. Those eyes full of malice and prejudice, hammering on her.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomanceOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...