Isang maaliwalas at magandang umaga ang sumalubong kay Oshema kinabukasan, matapos dumaan ang bagyo. Tumingala siya pagkalabas ng bakuran at ginantihan ng matamis na ngiti ang nagniningning na liwanag ng haring-araw na bumabati sa kanya.
Nagtungo siya sa likod-bahay at kumuha ng walis tingting sa maliit na bodega. May isang oras pa siya para maglinis.
Tapos na siyang maghanda ng almusal nila ng dalawang binatang iniwan niyang tulog pa. Sa sala napiling matulog ng mga ito. Si Gwendel sa mahabang sofa, habang si Joul naman sa folding bed.
Nagsimula siyang magwalis sa may bukana ng bakuran. Masyadong makalat dahil sa mga dahon at maliliit na tangkay ng kahoy na tinangay ng hangin at doon dinala. May iilan ding basura gaya ng plastic at papel na pinadpad roon.
Maliban sa mga marurupok na tanim tulad ng saging at iba pang tanim na mababaw ang kapit sa lupa mukhang wala namang mga punong nabubuwal sa paligid. Mabuti naman at hindi malala ang pinsalang idinulot ng bagyo.
Nangangalahati na siya sa pagwawalis nang makadama ng uhaw. Pumasok muna siya ng bahay para makainum ng tubig. Inabutan niyang nagpupush-up sina Yzack at Gwendel.
"Morning," bati ni Joul na namamaos ang boses habang patuloy na inaangat-baba ang katawan mula sa sahig.
" Goodmorning, coach." Ganoon din si Gwendel na hitik sa pawis ang namumulang mukha at leeg. Mas lalo tuloy lumitaw ang pagka-mestizo nito.
"Goodmorning sa inyong dalawa." Ngumiti siya at tumulak papuntang kusina.
Kumuha siya ng tubig sa refrigerator at nagsalin sa baso. Hindi na malamig iyon. Di pa rin kasi bumalik ang kuryente. Nasulyapan niya ang dalawang lalaki na parating. Naghubad ng sweatshirt si Gwendel at isinampay nito sa balikat. Kumuha siya ng dalawa pang baso at sinalinan ng tubig mula sa pitsel.
" Pupuntahan ko sandali ang mga kuneho." Pahayag ni Joul matapos inumin ang tubig at nagsalin ulit ito. Gwendel is doing the same. They consumed three glasses of water each.
"Dalhan mo ng kangkong. Baka ubos na yong huli kong dinala." Sabi niya. Lumapit sa ref at kinuha sa loob ang huling bungkos ng Chinese kangkong. Kailangan na niyang bumili mamaya sa palengke.
Kinuha nito ang gulay na iniabot niya at tinapik sa balikat si Gwendel bago umalis.
"Balik agad, baka ma-late tayo!" Pahabol ng lalaki at dinala nito sa lababo ang basong ginamit, pati ang kay Joul. Hinugasan nito ang mga iyon.
"Maligo ka na pagkatapos mo diyan." Sabi niya at naglakad palabas ng kusina.
Pero mabilis itong sumunod sa kanya. "Tutulungan na kitang maglinis sa labas."
Inangatan niya ito ng kilay. "Marunong ka magwalis?"
Natawa ito. "Of course! Sisiw." Nagyabang pa.
Duda siya roon. He is a typical rich kid in the countryside. Prinsepe kung ituring. Kompleto sa maid at lahat ng bagay ay nakukuha sa isang pitik lang ng daliri.
"Ako na ang magwawalis at ikaw naman ang maghakot ng mga naipong kalat papunta doon sa receptacle para mabilis tayo matapos." Ibinigay niya kay Gwendel ang dustpan at balde.
Agad namang tumalima ang binata at nagsimulang hakutin ang mga pinagtipon-tipon niyang mga kalat. Nang makabalik si Joul mula sa kweba ay tumulong din ito sa kanila.
"Vanessa will be our muse." Walang gatol na deklara ni Joul. Napag-usapan nila ang pre-opening ng Christmas League habang sakay ng Lexus papuntang school.
Natuwa siya at mismong ang binata ang nag-suggest. Si Vanessa din ang inisip niyang gawing muse ng team. " She will certainly stand out just like in the invitational tournament." Sabi niyang nakangiti. Tumingin kay Joul na nasa kanyang tabi. Sumulyap ito sa kanya at ngumiti din.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomanceOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...