Nawiwiling pinagmamasdan ni Joul si Oshema na naglalakad sa unahan niya. Papunta sila ng staff house. Nanibago siya kanina nang di ito tumutol matapos niya sabihing sasama siya rito. Karga nito ang pusa na nginungudngod ang mukha sa dibdib nito habang bitbit naman niya ang bag nito. Napapahagikgik pa ito tuwing kinakagat ng pusa ang daliri nito.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Lumingon ito sa kanya.
"Ikaw, ano bang gusto mo?" Nabigla siya sa tanong na iyon, ah.
Huminto ito. Nag-isip. Humahaba pa ang nguso at namimilog ang ilong. She looks irresistibly cute. Ito ang uri ng babaeng kahit dinudurog na ng sobrang sakit ay kaya pa ring tumingin sa iyo at ngumiti ng totoo.
Ang tatag na pinapakita nito ay hindi nasusukat sa dami ng luhang iniyak nito at nilampasan kundi sa kislap ng ngiting ibinibigay nito na walang bahid ng pagkukunwari.
Reasons why he wants to be with her. Always. Sukdulang baliin niya lahat ng batas mayroon sa mundong ito.
"Alam ko na!" Bulalas nito. Kumikislap ang mga mata. "Papangalanan ko siyang Pepang."
Natawa siya. "Ikaw ang bahala."
Iniharap nito ang pusa at pinindot ang ilong. " Pepang, your name will be Pepang."
"Meaoww!" Sagot ng pusa.
Nagkatawanan sila. Pagdating ng staff house ay nagbukas ito ng de-lata at pinakain si Pepang. Tuwang-tuwang itong nanood sa pusa na nilantankan ang pagkain.
"Bumalik ka na ng school, Joul. Baka hinahanap ka na ng team mo." Bumaling ito sa kanya.
Tumango siya at sumandal sa gilid ng baldosa. "Sasama ka sa akin. You will be our coach for the time being." Pahayag niyang lubhang ikinagulat nito.
"Ano? Nagbibiro ka ba? May coach kayo." Ayaw nitong maniwala at akala ay nagbibiro lamang siya. Naglakad ito papuntang sala matapos ligpitin ang kunting kalat sa kusina.
Bumuntot siya rito. "Wala si Coach. Umuwi sa probinsya nila kasi namatay ang tatay niya. Ikaw muna ang pumalit. Nakausap ko na ang administrator at ang team. Pumayag sila. Wala ka namang kailangang gawin doon. Maupo ka lang sa bench at ako na ang bahala sa lahat." Paliwanag niya sa seryosong tono.
"Joul, you're crazy! " Asik nito. "Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo akong substitute coach? Anong mangyayari sa akin doon? Gagawin mo lang akong dekorasyon sa bench nyo?" Kulang na lang ay bugahan siya nito ng apoy.
Never had he seen anyone so beautiful like her when she gets angry. Damn! He would love to tease her more. Pero baka lalo itong tumanggi sa pakiusap niya pag tinukso pa niya ito.
"Chill, okay?" Hinawakan niya ang kamay nito. Marahang pinipisil. "If you can suggest anything na makakatulong sa game papakinggan ka naman namin. Please, we need you there. Lalakas ang loob ng kalabang team kapag nakita nilang walang coach na nakaupo sa bench namin." Halos lumuhod na siya para lang makumbinsi ito.
Saglit itong natahimik. Nag-isip. Tinimbang ang mga sinabi niya habang titig na titig sa kanya na para bang hinahanap sa mga mata niya ang sapat na rason para pagbigyan siya. Makaraan ang ilang saglit ay huminga ito ng malalim, tanda ng pagsuko.
"You're so annoying, do you know that?" Inirapan siya nito pero may naglalarong ngiti sa labi.
" I know." Napapangiting hinapit niya ito para yakapin pero mabilis itong pumiksi at tumakbo papuntang hagdanan. Natatawang hinabol na lamang niya ito ng tingin.
Habang nagbibihis si Oshema sa kanyang kwarto , natanggap niya ang text ni Joul. Mauuna na raw ito sa eskwelahan. Mas mabuti na rin iyon para makaiwas sila sa mga pagdududa ng mapanghusgang mga mata.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomanceOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...