Chapter 40

1.9K 85 3
                                    

YZACK? No, it's not. Nagpulasan ang masaganang butil ng luha sa mga mata ni Oshema habang nakatitig sa malungkot na mga mata ng lalaki.

It's him. Her beloved Joul. The Joul she knew back in the Philippines. The Joul who loves her more than anyone. Ito iyon. Hindi siya pwedeng magkamali.

Napahagulgol siya. Sumalampak sa sahig. At binitawan ang yakap na vase. Umiyak siya ng umiyak. Di niya matukoy kung dahil iyon sa sobrang kaligayahan o sa nadaramang sakit dulot ng sobrang pangungulila niya sa lalaking ito. Akala niya di na niya ito muling makikita. Kahit hindi siya nawalan ng pag-asa pero sa bawat araw na lumipas ay unti-unti siyang pinanghihinaan ng loob.

Banayad itong naglakad papunta sa kanya. Bawat hakbang nito ay sinasabayan ng dagundong ng kanyang puso at ng pakiramdam na ito lamang ang may kakayahang magdulot sa kanyang sistema.

Ibinaba nito ang sarili sa harap niya at buong pagsuyong pinunasan ang kanyang mga luha. Halo-halo ang emosyong rumehistro sa mga mata nito na kumikislap sa likidong pilit nitong sinusupil.

"Are you okay? Di ka dapat umalis doon sa bed." His voice is trembling. "Can you stand?"

Umiling siya habang patuloy pa rin ang paghagulgol. She can't articulate anything. Dinaig siya ng mga hikbi na hindi niya mapigilan. Pinangko siya nito ng buong pag-iingat at dinala muli sa kama. Mahigpit siyang kumapit sa damit nito pagkalapag nito sa kanya sa bed. Pinipigilan niya ito sa pag-aakalang aalis na naman ito at iiwan siya.

"I wasn't prepared for this. I never thought I get to be alone with you so soon." Tumawa ito ng mapakla kasabay ang pagpatak ng mga luhang kanina pa nito pinipigil. Mabilis nitong pinahid ang mga iyon sa likod ng palad. He whispered curses she couldn't almost hear. Lumuhod sa harap niya ang lalaki at niyakap siya ng buong higpit. "I'm so sorry for everything. Sorry I deceived you. I'm sorry, Oshema." Ibinaon nito ang mukha sa kanyang dibdib habang umuuga ang mga balikat dahil sa pag-iyak.

Hinaplos na lamang niya ng buong pagmamahal ang likod nito. Hindi siya makapagsalita dahil sa silakbo ng pag-iyak.

"But everything about my feelings for you is genuine. I want you to believe that. Lahat ng sinasabi at ginagawa ko para sa iyo, totoo lahat ng iyon. Walang pagkukunwari. Mahal na mahal kita." Nagpatuloy ito sa paliwanag na hindi naman niya hiningi dahil sapat ng nakita niya itong muli. Alam niyang ang pagmamahal nito sa kanya ay totoo. Damang-dama niya iyon. Ang damdaming nakikita niya sa mga mata nito ay walang bahid ng kasinungalingan.

"Mahal na mahal din kita." Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Mula sa pag-iyak ay nagkatawanan sila nang sumiksik sa gitna nila sina Pepang at ang mga kuneho. Isinali na rin nila sa yakap ang mga alaga. Buo na ulit ang kanilang pamilya.

HABANG nakikipaglaro si Oshema kay Pepang, tumawag sa pantry si Jairuz gamit ang intercom para sa kanilang dinner. Kumakalam na ang sikmura niya. Hindi kasi siya nag-snack doon sa school kanina at kunti lang din ang kinain niya sa tanghalian. Mahina ang apetite niya lately at nangangasim ang kanyang sikmura. May kutob na siya kung bakit pero hindi pa niya na-confirm.

"Dinner will be serve in ten minutes." Anunsyo ng binata at naupo sa may paanan ng bed. Lumapit rito si Pepang at nagpapahaplos.

"Thank you." Ngumiti siya ng matamis. "While waiting for the food, can I ask you something if you don't mind?"

"Um, go ahead." Sinuklay nito sa mga daliri ang buhok na bumagsak papunta sa mukha nito.He definitely so hot and gorgeous now more than ever.

"Pwede ko na ba makilala at malaman kung anong pagkatao ng lalaking pinili kong mahalin?" Kinuha niya ang unan sa kanyang tabi at nilagay sa kanyang kandungan. Doon ay pinagpahinga niya ang magkasalikop na mga kamay.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon