Chapter 6

3K 125 3
                                    

Lumabas ng staff house si Oshema at nagtungo sa kweba. One week nang absent si Joul. Hindi na rin ito sumisipot sa practice. Si Venessa ay pumupunta sa kanya at walang ginagawa kundi umiyak. Hindi na rin niya mapigilan ang mag-alala sa binata.

Walang makapagsabi sa kanila kung anong nangyari rito. Ang mga kasama nito sa dorm ay wala ding alam. May haka-haka ang ibang mga guro na baka umalis ito ng Martirez dahil nasangkot sa away. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero kumakabog ang puso niya tuwing naiisip ang posibilidad na iyon.

Napasinghap siya nang sumalubong ang kadiliman sa loob ng kweba. Kinapa niya sa bulsa ang dalang lighter at pinailaw.

Nilapitan niya ang unang sulo para sindihan pero nahinto siya at tumalon ang puso nang mahagip ng tingin si Joul sa isang sulok. Nakasandal ito sa malaking bato habang nasa kandungan nito at natutulog ang dalawang kuneho.

Nagkatitigan sila. Una itong bumawi. Agad nahulog ang mga mata niya sa pasa nito sa gilid ng labi at sa nakabendang mga kamay. Sinindihan niya ang mga sulo.

Nagising ang mga kuneho at nakiramdam. Nang makita ng mga itong siya lang ang nandoon ay bumalik na ang dalawa sa pagtulog. Ibinalik niya sa bulsa ang lighter at lumapit siya kay Joul. Ang malamlam nitong mga mata ay nakapako ulit sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong niyang naniningkit ang mga mata. "What are those bruises in your face? Nakipag-away ka ba?"

Umiwas ito ng tingin. "Wala 'to." Malamig nitong sagot at itinago ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

"Walang nangyari pero absent ka ng isang linggo?" Napansin niyang namumula ang mga mata nito at nararamdaman niya ang mainit na singaw mula sa katawan nito. He's having a fever. Sigurado siya roon. "Hintayin mo ako, kukuha lang ako ng gamot." Akmang aalis siya pero hinawakan nito ang kanyang kamay.

"Okay lang ako." He said in a husky voice.

"May lagnat ka." Angal niya na pilit binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito pero ayaw siya nitong bitiwan.

"Stay, please. I'm fine." Natameme na lamang siya habang nakatunghay sa nagsusumamo nitong mga mata.

"Sinong nakaaway mo?" Tanong niya at naupo na lamang sa tapat nito. Itiniklop niya ang mga binti.

"Taga-ibang school." Tipid nitong sagot.

"Bakit ka nakipag-away?" Natutukso na siyang abutin ang kamay nitong may benda para tingnan kung malubha ang sugat na naroon. Tingin niya ay namamaga na iyon. Hindi siguro nito ginamot ng maayos.

"They bullied some of our freshmen."

They, so hindi lang iisa ang nakaaway nito. Did he take them on alone? Nanalo kaya ito sa suntukan? Probably. Kahit kunti pa lamang ang alam niya sa pagkatao nito, tiyak niyang ito ang uri ng lalaking hindi basta-basta nagpapatalo.

God, why is she thinking like this anyway? Parang gusto pa tuloy niyang suportahan ito sa pakikipagbasag-ulo nito. Kahit pa may maganda itong intensiyon mali pa rin ang paraan nito sa paghahabol ng katarungan para sa mga kaeskwelang naagrabyado.

Huminga siya ng malalim. "Bakit ka umabsent?"

"Hindi ako pwedeng sumipot sa klase na ganito ang hitsura ko." Katwiran nito. Tama naman. Siguradong magiging tampulan ito ng panghuhusga ng mga guro. Pero may pakialam ba ito sa iniisip ng ibang tao? Parang wala naman.

"Dapat sinabi mo sa akin." Hirit pa rin niya.

"Ayaw kitang umiyak na naman." Mahina nitong sagot.

"Bakit naman ako iiyak?"

"Di ba sabi mo pinaiiyak kita?"

Umikot ang bola ng mga mata niya. He's literally misinterpreted what she said. Pero hindi na niya ipaliliwanag iyon at baka magkamali na naman ito ng pagkakaintindi. Dumaan ang saglit a katahimikan. Dinig niya ang bawat mabigat na paghinga nito. Umusod siya at dinama ang noo nito. Bahagya pa itong nagulat nang dumapo ang palad niya roon.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon