Chapter 23

2K 90 13
                                    

Banayad na hinaplos ni Oshema ang desk sa kanyang cubicle. Sa wakas ay matiwasay niyang nai-turn-over kay Mrs. Gonzales lahat ng kailangan. Nakapagpaalam na rin siya sa advisory class niya. Handa siya sa naging malamig na pakikitungo ng mga estudyante lalo na ang female populace na alam niyang naging pangarap ng karamihan dito ay makuha ang atensiyon ni Joul.

It was frustrating though but she will never let them affect her. She just have to look at the bright side of all this. The world reflects the harsh reality in life. Every angle, from the top to its bottom, stings. While goodness kept hidden beyond the cuts.

Dinampot niya ang kanyang bag at isinabit sa balikat. Nilibot niya ng huling tingin ang buong faculty office. Siya na lang ang nandoon dahil nasa klase na lahat ng guro. Napatingin siya sa bumukas na pinto at sa bulto ni Joul na nakatayo roon sa bungad.

"Ready to go?" Tanong nito. Nilalaro ang hawak na doorknob.

Tumango siya at humakbang papunta sa binata. Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. Enough to make her feel secure in a place she became suddenly unwanted. Para siyang batang hinihila nito habang abala siya sa pag-scroll down sa kanyang contacts sa phone. She found Vanessa's number and tap the call icon.

Vanessa's phone is ringing for a while then it suddenly went dead. Pinatayan siya ng tawag ng dalaga. Ano ba kasing inasahan niya mula rito pagkatapos ng lahat? Tumingin siya sa binata na nakatitig sa kanya ng matiim. Nginitian niya ito para wag mag-alala. Ibinaba niya ang phone at hinulog sa loob ng kanyang bag.

"Would you like us to drop by at her dorm?" He suggested. Siguro para ibsan ang pag-aalala niya.

The idea is tempting though but she knew she would only end up ruining the remaining hope she has to reconcile with Vanessa. Klaro na ayaw siya nitong makausap. Kung ipipilit niya'y baka lalo lamang masaktan ang dalaga at madagdagan ang pagkamuhi nito sa kanya.

"Next time na lang. Baka nagpapahinga siya." Magaan niyang sabi.

Tumango ito at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay na para bang tatakbo siya anumang oras. Akala niya ihahatid lamang siya nito sa staff house. Pero hindi na ito umalis at tumambay na lamang sa sala habang nakikipaglaro kay Pepang.

"Umuwi ka na muna ng dorm mo para makapagpahinga ka. May trabaho ka pa mamayang gabi." Naupo siya sa sofa at hinimas-himas si Pepang na naaaliw sa kakakagat sa daliri ni Joul.

"Dito na muna ako. Sasamahan kita." Sagot ng binata.

Naupo siya at dinala si Pepang sa kanyang kandungan. Hindi siya nito iiwan dahil nag-aalala ito. She do like being with him. Hindi niya iyon ikakaila. Yesterday and today's battle is certainly distressing. Pero hindi kasali sa suspension nito ang trabaho at kailangan nito magpahinga.

"Joul, okay lang ako rito."

"Magmumukmok ka lang pag umalis ako." Kastigo nitong sumandal sa sandigan ng sofa at nilagay sa likod ng ulo ang magkasalikop na mga kamay.

"Hindi ako magmumukmok. Marami akong kailangang gawin. Maglalaba pa___"

"Give it a rest, Oshema. You can't force me to leave." He loosen his hand and tenderly stroke her hair down. "I can help you with the washing stuff." And suggested after giving her a sly wink.

Ngumuso siya. Pero nakawala pa rin ang ngiting pilit niyang pinipigilan. Pinindot nito ang tungki ng kanyang ilong at kinabig siya pahilig sa dibdib nito. She giggled and indulged herself in the comfort of his warmth and the combined masculine scent of his body and his cologne.

Lumipat sa kanyang braso ang mararahan nitong haplos at nadama niya ang halik na dumadampi sa kanyang ulo. Being with him like this is bliss against all odds. Almost surreal after all the dramas they've been through.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon