NAPAPANGITI si Oshema kahit may mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata habang nakatunghay sa mga litratong nilatag niya sa kama. Iba-ibang anggulo ang kuha pero lahat ay stolen shots. Hindi nakatingin ang binata sa camera. Karamihan sa mga kuha ay nakabusangot ang mukha nito. May isang litrato na nakangiti ito ng bahagya habang mayroon namang pinipigil nito ang ngiti at kinagat ang ibabang labi.
Dinampot niya ang picture at dinampian ng halik. She almost betrayed him and gave herself to someone else because she knows nothing of him. Lahat ng alam niya sa pagkatao nito ay hindi totoo. Starting with his name and the identity he was trying so hard to build up in front of everyone around him including her. Maaring pati ang damdamin nito sa kanya ay hindi totoo. Pero gusto niya pa rin itong makita at makausap kahit sa huling pagkakataon man lang bago siya magpatuloy sa buhay niya. May pagkukulang din naman siya. Nakontento siya sa kung ano lang ang alam niya. Dapat nagtanong siya. Nag-usisa. Maaring walang sinabi si Jairuz kasi pinili niyang manahimik. Inisip marahil ng binata na hindi siya interesado kaya hindi na rin ito nag-abalang magtapat.
Nag-ayos ng sarili si Oshema at lumabas ng suite. Hinanap niya ang lift ng matayog na gusali para makababa. Gusto muna niyang mapag-isa. Mahimay ang isip. Natagpuan niya ang elevator at sumabay sa agos ng mga tao na pumasok sa nakabukas na malaking platform. Tatlong lalaki at apat na babae ang nakakasabay niya. Nag-uusap sa wikang Nihongo ang mga ito. Umurong siya sa pinakadulo, malayo sa pinto at sumiksik roon. Pinipisil niya ang kanina pa nanginginig na mga kamay.
Nakarating siya sa ground floor at hinanap ang exit. Naglakad lang siya sa malawak na sidewalk. Hinayaan ang mga paang dalhin siya kung saan. The place seemed peaceful and harmonious. The people likewise are nice. May mga nakakasalubong siya na ngumingiti at nagbo-bow sa kanya. She did the same to return their famous gesture of greetings.
Tumawid siya sa tawiran at binagtas ang panibagong kalye hanggang sa humantong siya sa isang park. Yamashita Park, ayon sa malaking sign na nababasa niya. Doon na siya huminto. Iginala ang paningin.
Namamanghang pinagmasdan niya ang buong gusali ng Yokohama Intercontinental Grand mula sa kanyang kinatatayuan. Soars magnificently above the transformed city centre. Mistulang isang dambuhalang ulo ng arrow na nakaumang sa kanya ang gusali. Sobrang tayog. Tingin niya'y naaabot na nito ang ulap. Kung sa kabilang side naman ito titingnan, nagmumukha itong yate na naglalayag. Lumipat ang tingin niya sa higanteng Cosmo Clock Ferris Wheel na kung titingnan ay tila katabi lamang ng hotel pero ang totoo ay malayo pa. Tinapatan niyon ang laki at tayog ng gusali at sa gitna ay pumapatak ang opisyal na oras ng Japan.
Napaka-progresibo ng buong siyudad. Mga lansangan pa lang ay naghuhumiyaw na ang karangyaan. Ang bawat lane ay apat na beses yata ang lawak kumpara sa mga national highways ng Manila. Pero kahit maluwag ang mga lansangan ay hindi nag-o-overspeed ang mga sasakyan. Tumatakbo ang mga iyon ayon sa prescribed na bilis na inihahayag ng mga road signs. It's refreshing being outside. Seeing the magnificence this place is offering. Kaya pala, madaming gustong pumunta rito. The sights alone are more than enough.
Naglakad siya patungo sa pinakamalapit na bench para sana maupo pero hinarang siya ng dalawang lalaking kapwa nakasuot ng itim na polo shirt.
Agad siyang pinapagitnaan ng dalawa. Tingin niya ay purong Hapon ang mga ito.
"Kanojo o mitsuketa. (We found her.)" Isa sa mga ito ay nagsalita. Pero hindi sila ng kasama nito ang kinakausap. May suot itong bluetooth earphones. "Kanojo wa idesu, watashitachi wa ima modotte imasu. (She's safe. We're heading back now.)"
Baka mga tauhan ni Yzack ang mga ito at pinapahanap siya ng binata.
Sumunod na lamang siya nang akayin siya ng isa patungo sa nakaparadang sasakyan. Habang ang kasama nito ay naiwan at abala pa sa pakikipag-usap. Pero agad din naman itong sumunod sa kanila matapos siyasatin ang paligid.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomanceOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...