Chapter 17

2.2K 85 4
                                    

"COACH, what's up?" Napaunat siya sa pagkakaupo nang marinig ang boses ni Gwendel na pumapasok ng kusina kasama si Joul.

"Gwendel," tumayo siya. Nabunutan ng tinik sa dibdib. Si Gwendel lang pala. Akala niya bumalik si Gerald.

" I brought his things." He threw a quick glance to Joul. "And also an emergency light. Bukas pa maibabalik ang power supply." Dagdag nitong matikas na ipinasok sa bulsa ng black maong pants ang mga kamay.

Ang pamilya ni Gwendel ang control owner ng Martirez Electric Company na nagsusupply ng kuryente sa buong siyudad at sa mga kalapit na probinsya gaya ng Rio Verona, Puerto Luiza at iilang bahagi ng La Salvacion.

"Dito siya matutulog." Anunsiyo ni Joul na itinuloy ang pagluluto sa tinulang manok.

Tumango siya. Palipat-lipat sa dalawang binata ang tingin. May usapan siguro ang mga ito. Umaliwalas ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang malinis na kawali mula sa hanging cabinet at isinalang sa kabilang burner ng stove. Nakita niyang hinagod siya ni Joul ng matamang tingin at huminto ang mga mata nito sa kanyang legs. Wala sa loob na napatingin din siya sa kanyang mga hita.

"Di ka ba magbibihis? Palitan mo 'yang shorts mo." Nakabusangot nitong ungot sa kanya.

Narinig niyang tumawa ng mahina si Gwendel na kaagad pinukol ni Joul ng matalim na tingin. Naiiling lamang ito. Hinubad nito ang suot na jacket at isinampay sa sandalan ng silya sa harap nito. Naiwan ang grey sweatshirt na nakalilis hanggang siko ang manggas. Lumapit ito sa kanya. Nakangisi.

"Magbihis ka na, coach. Kami na rito sa kusina." Sabi nitong sinilip kung anong mga lulutuin.

" Saglit lang ako." Nginitian niya si Gwendel at inirapan si Joul na galit na naman ang mga kilay. Kulang na lang ay magsanib na.

Umakyat siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng leggings na may maliliit na print ng bulaklak. Nilaso din niya ang buhok para hindi abala habang nagluluto. Sumalubong sa kanya sa ibaba ng hagdan si Pepang na panay ang miyaw. Naglalambing. Hinimas niya lang ang ulo ng pusa at nagtuloy na sa kusina. Saglit siyang nahinto nang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaking nagluluto.

"Hindi mo papupuntahin si coach sa pre-opening ng Christmas League? That is Saturday, dude. Walang klase. " Si Gwendel. " I can't believe you. You're too possessive on her. Bawasan mo yan, baka mamaya masakal sa iyo si coach."

"May remedial class siya." Sagot ni Joul.

Umangat ang kilay niya. May schedule siya ng remedial class? Bakit hindi niya yata alam iyon? Wala namang memo na dumating sa kanya.

"Your excuses are so lame." Angal ni Gwendel. "Sinong pupunta kung ganoon? May trabaho ka rin."

"You and the rest of the team will be attending the morning event. I'll catch up with you after my work later in the afternoon. Ako ang bubunot para sa unang makakalaban natin."

Pumasok siya ng kusina at tumikhim para ipaalam ang presensya niya. Napatingin sa kanya ang dalawa.

"Hindi ko alam na may remedial class ako. Walang nagsabi sa akin." Aniyang lumapit kay Gwendel. Nag-aapoy na ang burner kungsaan nakasalang ang kawali at ang mga patatas na ilalaga muna.

"Nakita ko ang memo sa desk ng administrator." Sagot ni Joul. Kinuha ang mga sahog na gulay para sa tinula at sinimulang hiwain.

"Pwede ko naman siguro i-adjust ang schedule para masamahan ko ang team." Pahayag niyang saglit na nahihipnotismo sa mga kamay ng binata. The languid movement of his charming fingers while slicing the vegetables fascinated her. They had the trace of fluidity and roughness which she finds attractive. Ganoon din ba kagandang pagmasdan ang mga kamay na iyon tuwing sinasamba ang buong katawan niya? Napakislot siya sa biglang pagbangon ng init sa gitna ng kanyang pagkatao nang maalala ang luwalhating idinulot ng mga kamay at mahahabang daliri nito.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon