Chapter 36

1.8K 85 5
                                    

"OSHEMA, please open the door and let's talk." Sa gitna ng malakas na kalabog mula sa pinto ng banyo ay dinig ni Oshema ang nakikiusap na tono ni Joul mula sa labas.

Pagkatapos ng komprontasyong nangyari kanina ay kailangan niyang pakalmahin ang sarili kaya pumasok siya sa banyo at nagkulong roon. Akala niya iiwan siya ng binata at hayaan munang mapag-isa pero hindi ito umalis at kinalampag ang pinto. Napakakulit nito. Bagay na hindi niya matukoy kung tipikal rito dahil simula ng naging sila ay di pa naman sila nagkatampuhan ng ganito.

Napatitig siya sa screen ng kanyang cellphone at binalewala ang kumakalabog na pintuan. Kanina pa niya naisip na tawagan si Nancy. Pero anong sasabihin niya sa kapatid? Bibigyan lang niya ito ng alalahanin. Kadarating niya lang dito tapos ganito agad ang nangyayari? Sa hiwalayan ba sila mapupunta ni Yzack? Kung ganito rin lang pala, anong saysay at sumama pa siya rito?

Tumunog ang phone niya. May text message pero hindi galing kay Nancy. Unknown number ang nakarehistro at ayon sa certification code ay galing ng Pilipinas. Binuksan niya ang mensahe.

Him : Hey, coach, morning! It's Gwendel, got your number from your sister, how are you?

Si Gwendel? Nagtype siya agad ng reply.

Her : Morning, Gwen, kumusta kayo diyan?

It took almost a minute bago dumating ang sagot ni Gwendel.

Him : We're okay, coach, may nangyari rito, Joul got shot, may mga armadong sumugod sa boys dorm, kasama mo ba si Joul? Kumusta na siya? Hindi ba malala ang sugat niya?

Sugat? Si Joul? What's he talking about? Di pa nga siya nakahinga mula sa pagkalito ay panibagong message na naman ang dumating.

Him : Coach, can i call?

Her : Ok...

"Oshema, open the door, babe. Let me explain." Ayaw pa rin tumigil ni Joul mula sa labas. Kinalampag na naman nito ang pinto. "Don't do anything reckless, Oshema!"

Napipikon na tiningnan niya ang nakapinid na pinto. Anong tingin nito sa kanya suicidal? Bakit naman niya sasaktan ang sarili?

Nag-ring ang cellphone niya sa tawag ni Gwendel. Agad niyang tinanggap iyon.

"Gwen?" Naupo siya sa takip ng toilet bowl.

"Coach, kasama mo ba si Joul?" Tanong ng binata. May naririnig siyang sunod-sunod na talbog ng bola mula sa background. Nasa practice siguro ito.

"Um, kasama ko siya. Pero ano yong sinabi mong may nangyari diyan at nasaktan si Joul?" Sumulyap siya sa pinto. Tumahimik na. Mukhang sumuko na ang lalaki.

"May nangyari rito, coach. Hindi ba sinabi ni Joul sa iyo. He got shot by a bullet trying to save some of his dorm mates. Ang sabi ng mga nakakita malubha raw yong tama niya kaya nag-alala kami. Nakausap ko siya a couple of days ago, he said he's alright but then he also told me that he needs to leave. Tingin ko may mga masasamang tao na humahabol sa kanya. Well, it's good to hear that he's there with you. Nong nakausap ko siya, he sounded so down and depressed."

Nawalan na siya ng imik. Everything just doesn't make sense. Ano bang pinagsasabi ni Gwendel na nasaktan at nabaril si Joul? Pero saglit na natulala ang dalaga nang may natanto.

"My God," natutop niya ang bibig. "Gwen, tatawag ako mamaya, may kailangan lang muna akong gawin. Ikamusta mo ko sa buong team at mag-iingat kayong lahat diyan."

"Noted, coach."

Ibinaba niya ang cellphone at tumayo. Tinungo ang pinto. Kakatok na sanang muli si Joul nang pagbuksan niya.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon