ISANG puting kuneho ang nakita ni Oshema na umiinom sa batis sa likod ng staff house. Tinangka niya itong lapitan pero mabilis itong lumayo nang makita siya.
Hinabol niya ito. Natanaw niyang umikot ito sa likod ng malaking bato at nawala. Nilapitan niya ang bato at nalaman niyang lagusan iyon ng isang yungib. Ang batong iyon yata ang nagsisilbing pansara sa lagusan. Doon pala pumasok ang kuneho kaya nawala. Sumilip siya. Kakasya ang tao roon kung pumasok ng gumagapang. Kaya lang mukhang napakadilim sa loob.
Pagkatapos ng hapunan ay bumalik siya sa may batis dala ang isang bungkos ng Chinese kangkong at isang flashlight. Pumasok siya sa yungib. Namangha siya pagdating sa loob. Maluwang...kasing-luwang yata ng silid niya doon sa bahay nila . At malinis. May mga ilawang sulo sa bawat sulok na pwedeng sindihan. Sayang, hindi siya nagdala ng posporo.
May nakita siyang kennel sa isang sulok na bahagyang elevated. Pininturahan iyon ng berde. Natanaw niya ang kunehong nakita niya sa labas kaninang hapon, pero hindi ito nag-iisa. May kasama ito. Kulay puti din pero mas maliit ng kunti.
May nag-alaga siguro sa mga kunehong ito. Sa ayos ng yungib halatang may taong madalas na pumupunta doon. Napangiti siya nang mapansing nagsiksikan sa isang tabi ng kennel ang dalawang kuneho. Natakot yata sa kanya.
Nilagay niya sa ibaba ng kennel ang kangkong na dala. Naupo siya sa isang tabi at pinatay ang flashlight. Ibinaba niya iyon sa kanyang paanan. Suminghap siya. Mahirap huminga sa sobrang dilim. Napaigtad siya nang makarinig ng kaluskos mula sa may lagusan.
May ibang tao kaya na pumasok? O, baka mabangis na hayop. Kinapa niya ang flashlight ngunit hindi niya mahagilap. Nasipa niya yata ng di sinasadya. Narinig niya ang mga yabag papalapit.
"Sino iyan?" Umalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng cave.
Walang sagot. Mayamaya ay nagsindi ang mga sulo. Napatunganga siya sa lalaking nagsindi sa mga sulo.
"Joul?"
"Goodevening, Miss." Tumitig sa kanya ang lalaki at bahagyang ngumiti. Sinindihan nito ang tatlo pang sulo na nagbigay ng ibayong liwanag sa buong paligid. Saka lumapit ito sa kanya. Dinampot ang flashlight na di niya mahagilap kanina at ibinigay sa kanya.
"Salamat," tanging nasabi niya.
Tumango lang ito. Pinukol ng tingin ang dalawang kuneho na nasa loob pa rin ng kennel. Hindi pa rin ginagalaw ng mga ito ang kangkong na dala niya. Takot yata lumabas.
"Mga alaga mo sila?" Tanong niya sa binata.
"Friends." Sagot nito." How did you find this place?" Ito naman ang nagtanong at naupo kaibayo niya.
"Lumabas ang isa sa kanila kanina. Uminom doon sa batis."
"Si Nonoy siguro. Siya lang ang may tapang na lumabas."
"May pangalan sila?"
"Um," tango ng lalaki. "Si Nonoy yang mas malaki. Yang medyu maliit ay si Mimi. Mag-partner sila."
"Nakakatuwa naman. Ang cute-cute nila." Naaaliw na pahayag niya. "Pero takot yata sila sa akin."
"Hindi ka kasi nila kilala. Pero masasanay din sila kung lagi kang pupunta rito." Tinawag nito ang mga kuneho. Nag-unahang lumapit ang mga iyon kay Joul. Si Nonoy ay naglikot agad. Gustong makipaglaro. Si Mimi ay behave lang. Naglalambing at nagpapahaplos.
"Pwede ko ba silang hawakan?"Aniyang umusod papalapit.
Agad na naging alerto ang dalawang kuneho. Tumayo ang malalaking mga tainga. Una niyang hinawakan si Nonoy. Huminto ito sa paglilikot ngunit hindi nagpumiglas bagkus ay tila nakiramdam. Gayundin si Mimi nang haplusin niya.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomanceOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...