BINALIKAN ni Oshema ang kanyang mag-ama na naghihintay sa sala. Napansin niyang nakabusangot ang mukha ng biyenan niyang kanina lang ay hindi matanggal ang ngiti sa labi. Ano kayang nangyari? Tumingin siya kay Jairuz pero iniwas nito ang mga mata.
"Aalis na po kami." Paalam niya sa ginang at nakipagbeso rito. "Let's go?" Baling niya sa asawa.
Tumango ang lalaki at naglakad patungong pinto. Binitbit niya ang tote bag at sumunod.
"Mag-ingat kayo." Paalala ni Madam Jemma na hinatid sila hanggang sa labas ng bahay.
"Sinabi mo ba kay Yzack na ako ang sasama sa inyo ni Kyruz sa pedia?" Tanong ni Jairuz habang nasa sasakyan sila.
Tumango siya. "Um, sinabi ko." Sinilip niya ang sanggol na nakatulog agad habang nakadapa sa malapad na dibdib ng ama. Ang sarap siguro ng pakiramdam nito. Napangiti siya at hinaplos ang ulo ng anak.
"Let me just make it clear that this will be the last time I'll accompany you and Kyruz to the doctor unless it is really necessary." Seryosong pahayag ni Jairuz.
Napawi ang ngiti niya at saglit siyang natameme. Natauhan lang siya nang biglang magpreno si Kazuma na muntik na niyang ikinasubsob. Mabuti na lang at nahapit siya ng asawa.
"Damn it!" Nagmura ito. "Concentrate on the road, Kazu." Matigas nitong angil.
"I'm sorry, sir." Hinging-despensa ni Kazuma.
"Are you okay?" Baling ni Jairuz sa kanya.
Tumango siya at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Umigting ang mga panga nito habang nagdudugtong ang mga kilay. Hindi nag-sink in sa kanya kung anong nangyari. Kahit pa siguro tuluyan silang nabangga ay hindi niya mapapansin dahil ang buong sistema niya ay nilamon na ng sakit.
"Kazu, pakitabi ang sasakyan, please." Aniya sa driver nang makabawi sa hagupit na tinamo ng kanyang puso.
"Ma'am?" Bahagyang luminga si Kazuma sa gawi niya.
"Stop the car, please. Dito na lang kami ni Kyruz. We will take a cab to the clinic. Bumalik na kayo ni Jairuz sa bahay."
"What are you doing, Oshema?" Marahas na ungol ni Jairuz.
"Labag sa loob mong samahan kami ng anak ko, 'di ba? Ayaw kong matapos ang buong araw na ito na kakainin ka ng konsensya mo. Don't worry, naiintindihan kita. Akin na ang baby ko." Tinanggal niya ang pagkaka-lock ng carrier mula sa likod nito kahit may nagbabadyang pagtutol sa mga mata ng lalaki.
"Damn it," nagmura ito. Nagtatagis ng mga bagang. "It wasn't mean to be like that! I'm just being__"
"Alam ko, Jairuz. You don't have to say it here. Alam ko. Please, give me back my son and you can go home. Kailangan mo rin magpahinga."
Wala itong nagawa kundi ibigay sa kanya ang natutulog na sanggol. Tinigasan niya ang mukha at isinuot ang carrier. Hindi siya pumayag nang tinangka nitong tulungan siyang mai-lock iyon. Itinabi ni Kazuma ang sasakyan. Nagmadali siyang bumaba at pumara ng taxi kasabay ng pagpatak ng mga pasaway niyang luha.
Ano ba kasing inaasahan niya mula kay Jairuz? Dahil lang kagabi sinamahan sila nito kaya umasa siya kahit na alam niyang posibleng na-curious lang ito sa kanilang dalawa ng anak niya. May iba ng tinatangi ang puso nito. Wala na siya sa sistema nito. Hindi ba't tanggap na niya iyon? Dapat tanggap na niya iyon. At dapat hindi rin siya umasa ng higit pa sa kaya nitong ibigay sa anak nilang hindi nito nakilala.
Pero bakit ang sakit pa rin? Sobrang sakit! Napahagulgol siya sa loob ng sinasakyang taxi.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong ng driver.
BINABASA MO ANG
RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅
RomansaOn the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nag...