35

443 16 10
                                    

#FINALE

-KRISTINA-


"Ma eto na yung pangsindi."

"Salamat anak.Kaninong magazine ba'to?sayang naman at susunugin lang natin."

"Mom,last year pa ang magazine na yan,wala na rin naman yang silbi."

Ngumiti ako."Sige na nga..sayang kasi e.."

"Sige na Ma,ang ganda ng alon sa baba may practice pa kami ni Kuya Philmar para sa surfing competition bukas.Manonood ka naman di ba?"

Si Philmar ay asawa ng sikat na artistang si Andi Eigenman.Malayo kami sa kanila dahil malapit sa tuktok ng bundok at walang signal ang kinaroroonan ng bahay namin ni Sais.Bumababa lang kami pag maliligo ng dagat o di kayay pag magtitinda ako ng ginagawa kong mga necklace at bracelets na gawa sa magagandang seashells.

Sais is now turning 11 years old.May binata na rin ako.At ako naman ay nasa 34 years old na,tumatanda na rin,nga lang hindi halata kasi sabi nga ng mga taga isla,para lang ako bente singko anyos,marahil dahil may lahi akong koreana kaya siguro nila nasabi iyon.Kahit kasi mga artista may edad na sa korea ay kaybabata pa rin ng itsura,malamang malibannsa surgery e sa genes talaga.

Kinuha ko ang posporo at pinunit ang isang pahina ng magazine saka sinindihan iyon at isinabay sa mga panggatong.

Hinipan at naubo pa ako dahil sa usok.

Nilagay ko ang kalderong may lamang mga kamote saka ako bumalik sa pagkakaupo sa mahabang upuang gawa sa niyog na nakaharap sa dalampasigan at dagat sa baba.

Pinahid ko ang maruming kamay sa suot kong kupasing palda saka umupo at binuklat ang magazine.

Napapangiti ako dahil kahit na matagal na ang magazine at mga balitang laman nun ay para na rin akong naglalakbay sa nakaraan.Wala na kasi akong balita sa mga artista,showbiz at kung ano ano pang entertainment mula ng lumipat kami ni Sais dito sa Siargao anim na taon na ang nakakalipas.

Ibaba ko na sana ang magazine ng mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki,magandang babae at may batang babae sa gitna.

Mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi.

Si Sandro,si Trixie at isang batang nagngangalang Summer ang nasa picture. A picture of a one happy family.

Nagkatuluyan pala talaga si Sandro at si Trixie,at nagbunga ang pagsasama nila ng isang magandang batang babae.

Bumagsak ang aking mga luha,matagal na panahon na mula nong magpaalam ako kay Sandro,ang akala ko hindi na ako masasaktan pero ito at iiyak pa rin pala ako.Pero gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil biniyayaan niya si Sandro ng maganda at mabuting asawa at kahit masakit I still wanted to wish them well.

Binaba ko ang magazine at pinikit ang mga mata.

Hinayaan kong patuloy na maglandas ang aking mga luha habang nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok.

Dinama ko ang kapayapaan sa paligid,pinakinggan ang hampas ng alon sa dalampasigan,pero bumigay pa rin ang puso ko hanggang sa tuluyan akong mapahagulhol sa aking mga palad.

Ang kwento ng pag-iibigan namin ni Sandro ay isang kwento ng bad timing,we had the right love at the wrong time.Pag-iibigan na paulit-ulit na sinubok ng tadhana,hanggang sa tuluyan akong sumuko para palayain siya dahil yun ang kailangan.

Mahirap ang pinagdaanan namin ni Sais ng lumipat kami dito sa isla. Gabi-gabi akong umiiyak sa tuwing tinatanong ni Sais kung nasaan ang kanyang ama,halos tuwing umaga akong tulala habang nakatingin sa dalampasigan.

Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) CompletedWhere stories live. Discover now