#Badtiming?
-Kristina-
"Babe!"
Naunsyami ang umuusbong na romance sa pagitan namin ni Sandro dahil lang sa may tumawag sa aking babe mula sa humintong sasakyan sa tapat namin.
Sabay kaming lumingon ni Sandro sa may ari ng boses na iyon na walang iba kundi si...
"Simon?"usal ko.
Tumingin ako kay Sandro.
Gumagalaw ang panga niya at nagsasalubong pa ang kilay.
"Babe?seriously?"Sandro spat.He glared at me.
Napalunok ako. O bakit ka sa akin nagagalit?
"Sandali ha?lapitan ko na muna siya."Paalam ko sabay kalas sa mga bisig niyang nakahawak sa beywang ko.
Nilapitan ko si Simon.
"Hoy?anong pinagsasasabi mo?"angil ko.
Ngumuso siya sa katabing upuan.
"Get in."aniya.May nakatagong pilyong ngiti sa labi niya.
"Huh?e paano si--"
"Hayaan mo siya diyan,matanda na yan,nakakauwi yang mag isa."
"Pero---"
"Please?"
Ang amo ng mga mata niya pag nakikiusap.
Huminga ako ng malalim at nilingon muli si Sandro.
"Fine,pero magpapaalam muna a--"
Napaigtad pa ako ng biglang bumusina si Simon.
"Hey Sandro?!hihiramin ko muna ang Babe ko."
Humarap siya sa akin."Sakay na Babe."
Wala akong nagawa kundi ang bahagyang yumukod paharap kay Sandro para magpaalam.
Umandar ang sasakyan at iniwan namin siya.Sinilip ko siya sa side mirror at nakita ko siyang hinahatid kami ng tanaw ni Simon.
"Stop checking on him."Saad ni Simon.
"Huh?wala naman ah."
"Dont go easy on him,hayaan mo siyang paghirapan ka."
Napalingon ako kay Simon.Anong pinagsasasabi nito?
He smiled."You know what,hayaan mong mabaliw sa selos si Sandro baka pag ganun e mapwersa ang utak niyang maalala ka."
Napailing ako."So ginawa mo yun para pagselosin siya?para maalala niya ako?wow ha?ang galing ng strategy mo."
He winked at me and smirked."I have too,naaawa na ako sa pamangkin ko.He kept on asking about his dad,nauubos na ang dahilan ko."
Napangiti ako."Saan ba naman magmamana sa kakulitan yun at katalinuhan kundi sa inyo ding magkakapatid."
"You miss one."
"Huh?"
"Kakulitan,Katalinuhan at Kapogian.Thats KKK babe to be exact."
"Tigilan mo na ngang kakatawag sa akin ng Babe,nakakapangilabot!baka isipin ko pa na may gusto ka sa akin!"
Simon laughed "what?hell no!ayokong kalaban si Sandro,kahit hmmm..."tinitigan niya ako,"kaibig-ibig ka naman talaga."
"Sira!"
Nagkibit balikat siya."Oo sira talaga ako pag nagkagusto ako sayo."aniya.
Tumango ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/343118723-288-k432638.jpg)
YOU ARE READING
Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) Completed
Romance"Mahal?mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako,Sandro!kailangan mo ng isang taong sasalo ng lahat ng frustrations mo!lahat ng problema mo,kailangan mo lang ng isang tangang katulad ko na handang ibigay ang buong sarili niya sa kama,para sa isang ka...