#WhoAreYou
-Kristina-
Sinalubong ako ng matitipunong bisig ni Simon sa aking pagharap at dun na ako napahagulhol.
Hindi siya nagsalita at hinayaan nalang akong umiyak.
Niloloko ko lang ba ang sarili ko na kakayanin ko,kasi ngayon palang wasak na wasak na ako at parang hindi na ako makakabangon pa.
"Let's go."
Hawak ni Simon ang aking kanang palapulsohan habang hilahila ako palayo sa silid ni Sandro.
Nakarating kami sa parking lot. Nakasakay na ako sa kanyang sasakyan pero tulala pa rin ako.
"What's with you?!"
Napasinghap ako dahil ramdam ko na ang galit sa tono ng boses ni Simon.
Lumingon ako sa kanya.
He bit his lip. Halatang nagtitimpi siyang sigawan ako.
"Buti nalang bumalik ako,I am fuckin worried about you!"
Nakatingin lang ako sa kanya habang tuloy ang pagbagsak ng mga luha.
"Quit playing this damsel in distress scene!hindi sa lahat ng panahon kaya kitang saluhin!"
"Hindi mo naman ako kailangan saluhin,dahil kaya ko!kaya ko!"
He scoffed. "Kaya mo?!look at you!"
"Kaya ko nga sabi!at kakayanin ko dahil mahal ko si Sandro!mahal ko siya!"
Umiling siya."Pwede ka namang magmahal ng hindi nasasaktan!"
"Paano ha?paano?"
"Let him go!and love someone else!"
"Bakit?nagmahal ka na ba?dahil bakit parang ang dali-dali lang sayong sabihin na bitawan ko siya?huh?nasaktan ka na ba?"
"Kailangan bang masaktan muna bago magising sa katotohanang nagmumukha ka ng tanga?"
Kinagat ko ang aking labi at tumingin sa labas ng bintana.
Ayoko ng sumagot dahil ayoko ng marinig na sampalin ng katotohanan.
-----
Nagpabalik-balik pa rin ako sa ospital at sinasadya kong pumasok sa silid ni Sandro pag tulog siya,para hindi na ako paulit-ulit na masaktan sa pagtataboy niya sa akin.
Tiniis ko lahat,pati ang masasamang salita ni Maam Liza,makasama ko lang kahit saglit si Sandro.Sa tuwing pinapalabas ako ni Maam Liza ay sinusundan naman ako ni Trixie para humingi ng tawad sa akin. She even explained the kiss na si Sandro ang unang humalik sa kanya.
Makalipas ang ilang linggong pamamalagi sa ospital ay tuluyan na ring nakalabas si Sandro. Nakakalakad na siya ng maayos at gumagaling na rin ang kanyang sugat. Nasa parking lot lang ako habang hinahatid ng tanaw si Sandro na lulan na ngayon ng sasakyan nila.
Kinabukasan......
Nasa opisina niya ako ngayon,naghihintay sa kanya.
Bumukas ang pinto.
Mabilis akong tumayo.
"Goodmorning,Sir."
Tumingin lang siya sa akin.
Napakalinis at napakagwapo niyang tingnan sa suot na gray business suit.
"You're early."
"O-opo Sir,maaga po talaga akong nagigising at---"
Natahimik ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Simon,who is now wearing white long sleeve polo and pants.
Ngumiti siya sa akin."Goodmorning Kristina."Bati ni Simon sa akin.
"Goodmorning Sir."Ngumiti na rin ako.
"Goodmorning Sandro,these are the documents that you need to sign."
"Ilagay mo lang diyan."Seryosong saad ni Sandro na nakaupo na sa swivel chair niya at nagbabasa ng papeles.
"Alright. I'll go now,Kristina see you later."Saad ni Simon sabay labas.
Umupo ako ulit sa couch habang hinihintay na utusan niya ako.
"Close kayo?"biglang tanong ni Sandro.
"Po?"
"My brother?"
My heart skipped when he look at me with those dazzling eyes.
"What?!"
Napaigtad ako."Ah--oo,Si-sir."
He smirked and shook his head.
"Ahh..Sir?may iuutos ba kayo?"
"Bakit?alin ba sa see you later ang hindi mo maintindihan at gustong-gusto mo na agad makita ang kapatid ko?"
"Huh?"
"Playing innocent?"
Kumunot ang aking noo.
"Bakit hindi na kita nakita sa hospital ulit?"
"Ah..ka-kasi---"
Tumayo siya,at isinandal ang likod ng mga hita sa mesa niya.
He shoved his hands in his pockets.
"You are my personal assistant right?so dapat nasa ospital ka, dahil nandun ako."
"Sir..nandun naman ako e.."
"Liar."
"Nandun ako pag natutulog ka,kasi pag nagigising ka Sir,ayaw mo naman akong makita."
"Bakit?sinabi ko bang ayaw kitang makita?"
"Hindi mo naman kailangan sabihin para malaman ko Sir,dahil nararamdaman ko naman."
"So mas may alam ka sa akin?bakit ilang taon na ba kitang assistant at kilalang-kilala mo na ako?"
I swallowed my bile,pigil ko na ang paghinga ko dahil sa namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.
"I don't want to hurt my fiancee."Out of nowhere ay sabi niya.
"A-ano naman ang kinalaman ko diyan Sir."
"Because you are bothering me,napapanaginipan kita at hindi ko alam kung bakit."Iritable ang boses niya.
Tumayo ako. "Kung wala na po kayong ipag-uutos,lalabas na po muna ako Sir.
Dumaan ako sa harapan niya dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong mahawakan ako sa kanang braso.
Nagkatitigan kaming dalawa.
Nangingilid na ang aking mga luha.
Umiigting naman ang kanyang mga panga.Ang mga titig niya na tagus sa aking kaluluwa.
"Bitawan niyo po ako Sir."
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking braso.
"Sa lahat ng pinakaayaw ko ay ang pinaglalaruan ako."
My lips parted.
"Now tell me...who the hell are you?"
Pumatak ang aking mga luha.
Umawang ang kanyang labi at dahandahan akong binitawan.
He cleared his throat."I'm sorry..sige na umalis ka na."
Nang nasa pinto na ako ay humarap ako sa kanya.
"I'm sorry.."usal ko bago tuluyang lumabas ng pinto.
YOU ARE READING
Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) Completed
Romance"Mahal?mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako,Sandro!kailangan mo ng isang taong sasalo ng lahat ng frustrations mo!lahat ng problema mo,kailangan mo lang ng isang tangang katulad ko na handang ibigay ang buong sarili niya sa kama,para sa isang ka...