#Kulong
Kristina
Nagising ako sa isang lumang silid.Nakabukas ang pinto,kaya ng mawari kong hindi ako nakatali ay mabilis akong bumangon at tumakbo patungo sa pinto.
Ngunit....
"Saan ka pupunta?!"nanlilisik ang mga matang saad ni Enrique.
Marahas niyag hinawakan ang aking dalawang braso at tinulak ako sa kama.
Hindi pa siya nakuntento, kinubabawan niya ako at sinakal.
"A-ano ba!bi-bitawan mo ako!"
Tumayo siya at sinipa ang pinto.
Dinuro niya ako.
"Wala kang utang na loob! binihisan kita!pinakain!at ang anak mo,inako ko siya kahit hindi siya sa akin!pero anong ginanti mo?!ha?!"
"Kinasusuklaman kita!akala ko mabuti kang tao!"
Napatingala ako ng hilahin niya ang aking buhok.
"Mabuti akong tao!pero sinagad mo ako?!at ano?!sino ngayon ang mabuting tao para sayo?!yung Sandro na yun?!di ba iniwan ka niya?!ha?!di ba?!"
"Ano ba bitiwan mo ako sabi!"
Sinampal niya ako ng malakas kaya bumagsak ako sa sahig.
Lumuhod siya at marahas akong hinawakan sa pisngi gamit ang kanang kamay.
"Kailanman hindi mo ako minahal!dahil hindi ko naramdaman yun!pero nong makita mo yung lalaking yun!minahal mo na siya kaagad!kaya ipagdadamot kita!dahil ako lang ang may karapatan sayo!ako lang!
"Minahal kita!pero isa pa lang pagkakamali yun!dahil demonyo ka Enrique!demonyo ka!"
Malademonyo siyang ngumisi.
"Oo!dahil ayokong iniiwan ako!binihisan kita kaya akin ka!"
"Napakawalang hiya mo!"
"Walanghiya pala ha!"Sinabunutan niya ako at malakas na sinampal.
Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat sa lakas ng sampal niya sa akin.
Natulala ako ng maglabas siya ng balisong at idikit iyon sa aking kaliwang pisngi.
"Kita mo 'to?ibabaun ko to sa mukha mo,para wala ng ibang lalaking magmamahal sayo!wala ng lalaking mababaliw sa mukha mo!"
"Ma--maawa ka sa akin..please,pakawalan mo na ako..."
"Pakawalan?sana noon ko pa ginawa!alam mo ba kung bakit hindi mo siya maalala?ha?"
Natahimik ako habang lubog sa luha ang mga matang tumingin sa kanya.
He grinned.
"Simple lang ang ginawa ko,yung mga gamot na iniinom mo,hindi yun para gumaling ka,para yun sa utak mo,para tuluyan mo ng makalimutan ang nakaraan mo!"
Natigalgal ako.
"Walanghiya ka...walanghiya ka!!!!"pinagsusuntok ko siya sa dibdib.
He grabbed my wrists at sapilitan akong pinasok sa loob ng malaking aparador.
Ikukulong niya ako!
"Sandali!please!maawa ka sa akin!maawa ka sakin!"
"Kailangan mong matuto,kailangan mong maparusahan,baka..baka..paglabas mo dito,mahal mo na ako,na ako na ang pipiliin mo!"
"Hindi..hindi..huwag..please...huwag.....ugh!"
Napaupo ako sa loob ng suntukin niya ako sa sikmura.
"Please...maawa ka sa akin...please..pl....."
Naging bingi siya sa aking pakiusap,dahil kinulong niya pa rin ako sa madilim,masikip at maalikabok na aparador.
"Sandro...Sandro...tulungan mo ako....please...."Huling katagang nabitiwan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay tao.

YOU ARE READING
Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) Completed
Romance"Mahal?mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako,Sandro!kailangan mo ng isang taong sasalo ng lahat ng frustrations mo!lahat ng problema mo,kailangan mo lang ng isang tangang katulad ko na handang ibigay ang buong sarili niya sa kama,para sa isang ka...