20

307 20 6
                                    

#Takas

Kristina

Hatinggabi na akong pinakawalan ni Enrique para makatabi ko sa pagtulog si Sais yun nga lang kung noon ay nasa ibang kwarto siya natutulog,ngayon ay nasa couch na siya sa paanan ng kama ni Sais,habang nakadekwatrong nakaupo,umiinom ng alak at binabantayan kami.

Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa,kinakabahan ako sa maari niyang gawin sa akin at sa anak ko.

Nakayakap ako kay Sais at nakuyom ang kamao ng tumayo si Enrique at lumapit sa amin.

Lumundo ang kama sa aking tabi.

Nagtayuan ang aking balahibo ng maramdaman ang dahandahan niyang paghaplos sa aking kanang braso,pataas hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa aking leeg.

Sinakal na naman niya ako,pero hindi iyon kasing higpit nong kanina.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking batok hanggang sa tuluyang lumapat ang labi niya sa aking pisngi.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata,ininda ang naramdamang pandidiri sa unang pagkakataon.

Ang halik niya noong nagpapaligaya sa akin ay halik na ngayon ni Judas. Hindi ko akalain na may tinatago siya sa akin,isang pagbabalatkayo na magdadala sa amin ng anak ko sa kapahamakan.

"Huwag mo akong iwan,Kristina..maawa ka sa akin...mahal na mahal ko kayo ni Sais,ayokong mag isa,natatakot akong mag-isa,lahat nalang sila iniiwan ako,paano naman ako?hindi man lang sila naawa sa akin!"

Bumagsak ang aking mga luha.

Umalis si Enrique at lumabas ng silid,saka naman ako nakahinga ng maluwag. 


Kinabukasan....


Sinama kami ni Enrique sa resort, nakasuot ako ng puting summer dress at facemask dahil masyado pang halata ang pangingitim ng gilid ng aking labi dahil sa malakas na pagkakasampal niya sa akin kagabi. 

"Ma'am buti naman po at nakadalaw kayo.." Saad ni Sitas,isa sa mga katiwala namin sa resort. 

"Oo nga po e,kumusta kayo dito?"

"Nako, okay na okay po kami Ma'am,namiss po namin kayo ni Sais."

"Ako din."

"Ah syanga po pala si Mr. Castrudez,nagustuhan niya po itong resort niyo at nagbabalak po sana siyang dito na rin isagawa ang team building ng mga tauhan ng kumpanya niya sa Cebu."

Isang matangkad at may itsurang lalaki si Mr. Castrudez,makakapal ang kilay nito na bumagay sa deep seated nitong mga mata,matangos na ilong at mapulang labi. May balbas siyang katulad ng mga turkish actor na napapanood ko sa pelikula,kung tutuusin para nga siyang turkish actor talaga. 

"Hi,I am Julius Castrudez."Naglahad siya ng kamay. 

"Kassy."Sagot ko at tinanggap ang kamay niya.

"Sino ka?!"tanong ng biglang dumating na si Enrique. Halos magkasingtangkad lang sila ng lalaki. 

"Ah...Mahal, si Mr. Castrudez,isang negosyante na galing Cebu at---"

"Sa susunod huwag mong hahawakan ang kamay ng fiancee ko,excuse me!" Galit na saad ni Enrique sabay hila sa akin. 

Pumasok kami sa isang cottage, at doon ay sinampal na naman niya ako ulit.

Bumagsak ako sa kama. 

"Hindi ka ba talaga titigil?!anong gusto mo?akitin lahat ng mga lalaki dito!ganyan ka na ba kadesperada para makawala sa akin?!ha?!"

Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) CompletedWhere stories live. Discover now