Nasaan ako? Madilim at malabo ang lahat.
May isang babaeng nakaputi at nakatalikod sa harap ko.
Umikot siya at humarap sa akin....
Si Maria!
Nakangiti siya sa akin. Maganda ang istura niya.
"Sam!" tinawag niya ako sa pangalan ko.
Oo, Maria! Ako nga ito, si Samuel!
"Sam!" ginamit niya na naman ang malambing niyang boses para lang tawagin ako.
Maria! Ansaya-saya ko at nakita kita...
Biglang...
Lumapit si Maria at sumigaw, "SAM!"
Naging mala-demonyo ang muka! Duguan ang damit niya! Malaki ang buka ng bibig niya! Galit ang kilay niya! Mapula ang mga nakakatakot niyang mata!
"Huh! Huh! Huh," naghahabol ako ng hininga... Panaginip lang pala. Napanaginipan ko si Mariang galit sa akin at naging halimaw. Ano kayang ibig-sabihin niyon?
Nasaan ako...?
Ibinangon ko ang sarili ko na nakahiga sa upuang malambot. Inikot-ikot ko paningin ko. Nasa van pala ako ni Juan.
"Sam," bungad agad sa akin ni Julia paggising ko. "Gising ka na!"
"Uy p're! Kanina ka pa tulog," nagsasaita si Juan habang nagda-drive. "Kamusta ka? Lasing ka pa?"
Hindi na ata ako lasing.
"Hindi na," sagot ko. Nagtaka ako ng konti kaya nagtanong ako, "Saan tayo pupunta?"
Tumigin si Julia kay Juan at binalikan naman ng tingin ni Juan si Julia sa pamamagitan ng salamin sa harap.
"Nakalimutan mo ba p're," nagda-drive pa rin siya. Dugtong niya, "Magsasama-sama ulit ang buong barkada? You know, para medyo mawala ang lungkot mo!"
Singit ni Julia, "Naanduon na raw sila," sabay pindot sa cellphone na touch screen. "May dala daw silang snacks!"
"Ayos," sabi ni Juan. "Okay lang naman iyon. Pambukas na lang natin 'yung nasa ref."
"Sam," may sasabihin na naman si Julia. "Matulog ka muna... kung gusto mo."
Magsasalita na sana ako pero biglang...
"Huwag na," hinindian ni Juan ang sinabi ni Julia. "Malapit na tayo sa bahay oh!"
Tumingin ako sa bintana para makita 'yung labas.
Tama nga, malapit na kami. Nakita ko na 'yung pinaka malapit na kapit-bahay nila. Ito lang ang lagi kong palatandaan kapag malapit na kaming pumunta sa bahay ni Juan.
Si Juan ang bestfriend ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya... siyempre, bestfriend nga 'di ba? Siya din ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Maria.
Dati naging mag-classmate kami sa public school pero ngayon... nasa private school na siya nag-aaral. Bigla kasi silang yumaman. Actually, siya lang 'yung yumaman. Binigyan niya lang ng yaman ang mga magulang niya. 'Yung bahay na sinasabi nilang pupuntahan namin, pangalawang bahay lang nila. Mas malapit 'yung pinakabahay talaga nila.
Sikat na musician siya ngayon. Hmmm... Ano nga pala ang pangalan ng banda nila...? Hmmm... Nakalimutan ko! Sikat pero nakakalimutan ko lage. Basta, dahil sa industriya ng music, nagkapera siya ng marami.
Dati, puro plain T-shirt ang mga damit niya, ngayon puro polo na! Kahit pambahay, mukang pamporma na!
Si Julia naman, pinsan ni Juan. Masayahin... pero madrama din. Alam ko na grabeng pagkalungkot ang naramdaman niya nang mamatay ang bestfriend niya. Oo, si Maria 'yung bestfriend niya.
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...